Xyza's POV
Kring-Kring-Kring
Oh? Baka kung anong isipin niyo. Alarm ko lang yon mga sisz. Gigising na naman ako para pumasok sa school kase kailangan kong mag-aral para sa kinabukasan. Oh, panis rhyme yon!
Tumayo na ko sa kama, stretching-stretching muna. Pag-katapos kong mag-stretching, inayos ko na yung kama ko. Ayos ng kobre-kama, unan at kumot. Yow! Tapos na den.
Pumunta na ako sa banyo para gawin yung morning rituals ko. Pag-katapos kong maligo at mag-toothbrush, pumunta na ko sa walk-in closet ko para doon mag-bihis ng uniform namin.
Naalala ko nga pala na Wednesday ngayon kaya Washday namin ngayon. Pwedeng mag-civilian, kaso kailangan pa rin naming sumunod sa dress code ng school.
Kaya nag-suot lang ako ng simpleng dress. Sleeveless siya na above the knee, tapos floral siya na color yellow. Medyo fitted siya sa akin kaso hindi naman sobrang fitted na babakat na yung tiyan mo. Pinartneran ko lang ng White Nike AirForce 1 saka headband na yellow. Nag-curl din ako ng buhok at konting lip tint. Ayan, TADA! Tapos na ko mga mamsh.
Kinuha ko na lang yung tote bag ko na nasa ibabaw ng vanity ko sa tabi ng kama ko and then lumabas na ko ng kwarto ko saka bumaba para pumunta sa kusina, kasi alam kong nandon na sila Mommy at Daddy.
"Good morning po! Daddy, saglit lang po pupunta muna po ako sa barn para puntahan si Budang. Hehe, paki-intay na lang po ako sa labas." Sabi ko sa kanila habang humahalik sa pisngi nilang dalawa dahil nakasanayan ko na.
"Baby? Hindi ka ba mag-aalmusal? Maaga pa naman ah? It's just 6 am?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy sabay tingin sa cellphone nya para tingan yung oras.
"Hindi na po Mommy. Nag-usap po kasi kami nila Ashlyn na sa canteen na lang po kami kakain." Pag-sagot ko sa tanong ni Mommy.
"Ah okay, sige Baby puntahan mo na si Budang mo at pakainin mo kahit saglit lang." Natatawang sagot sa akin ni Mommy.
"Mommy naman, ano po bang masama sa pangalang Budang? Eh, gusto ko pong Budang pangalan ni Budang." Pag-papaliwanag ko kay Mommy at pumunta na sa may pinto para makapunta kay Budang.
"Xyza, iintayin na lang kita sa labas. Kapag wala ka pa doon ng 6:30 iiwanan kita." Ma-awtoridad na sabi sa akin ni Daddy.
"Opo Daddy." Sagot ko kay Daddy at patakbong pumunta sa Barn kasi minamadali na ako ni Daddy.
Nakarating na ako sa Barn at nakita ko na si Budang-ski ko. Naka-silip na din sa akin. Hindi ko na kailangang mag-bota pa, hindi naman kasi ito iniiwang marumi dahil gawa ko nga. Pinapalinis ni Mommy araw-araw para daw sa akin. Para hindi daw ako madumihan or maputikan yung sapatos ko.
"BUDANG-SKIIIII!!! Kamusta ka na Baby!?" Masayang bati ko kay Budang at sabay himas sa balahibo nito. Si Budang ay isang white na kabayo.
Sinubuan ko si Budang ng isang carrot at kaniya naman agad na kinain ito. Habang sinusubuan ko siya tiningnan ko yung cellphone ko kung anong oras na.
6:25 am. Malapit ng mag 6:30. Kaya nag-paalam na ako kay Budang kahit hindi niya miintindihan.
Pag-sakay ko ng kotse, may kausap si Daddy sa phone niya. He looks mad, siguro may nangyari dun sa farm namin. Kaya nag-phone na din muna ako. Tamang FB lang tingin-tingin ng memes about sa Anti-Terror Bill.
Habang nag-sscroll ako, nag pop-up yung message ni Ashlyn sa akin. Siguro nasa school na yon, laging kaaga-aga kahit laging puyat. Pero take note hindi dahil gusto niyan mag-aral, dahil matutulog yan sa room.