Simula

6 0 0
                                    

"Aerha ano ka ba naman! akala ko talaga nalulunod ka na jusko! Tatawag na sana ako ng ambulansya gaga ka!!"

Haay! Kakarindi naman tong si chienna maka sigaw 'kala mo end of the world na eh nagfo-floating lang naman ako kanina,napaka-OA daig pa nanay ko.

"sabi ko naman sayo diba nagfo-floating nga ako"paliwanag ko sa OA na to.

"haay ewan ko sayo Ae"pagsukong ani niya saka lumusong sa tubig.

Haay napaka saya sa ilalim ng tubig kaya ako napagkakamalang nalulunod eh di ko namamalayan ang oras sa ilalim umaahon lang kapag nakakapos na sa hininga.

Pagkatapos kong sumisid pa ng kalahating minuto umahon na ako at pumunta sa locker ko para magpalit ng damit.

"Aerha lets go!"sigaw ng kaibigan kong si Chienna.

"oo nariyan na!"

"saan kayo mamasyal ngayong summer Ae?" tanong ni Chi.

Ayan na ang napaka daldal kong kaibigang si Chienna o pwede ding Chi, matagal na kaming magkaibigan, well maganda si Chi matangos ang ilong, may mapupulang labi,hanggang balikat na buhok may katamtamang taas at morena.

Well ako halos parehas lang naman kami ni Chi ang pinagkakaiba lang namin eh mas matangkad ako sa kanya at may mahabang buhok na hanggang bewang.

"may nabanggit sakin si mama sa isla daw kami ngayon kasi nuong nakaraan pumunta kaming probinsya"lintaya ko sa kanya.

"dagat nanaman hindi ka ba nagsasawa sa dagat ha Aerha?!"pabalang na tanong ni Chi

"hindi"

Hinding hindi ako mag sasawa sa tubig dahil sa tubig lang ako nakakaranas ng kapayapaang lumulukob sa aking katawan,haay ewan nababaliw na ata ako eh basta masaya ako pag nasa ilalim ako ng dagat yung parang nawawala yung stress ko lahat ng problema ko wala ang tanging nasa isip ko lang eh mag saya sa ilalim ng asul na dagat.

Ayan sa dami ng iniisip di ko namalayang nasa bahay na pala ako nauntog pa ako sa pinto namin eh.

"aww"daing ko sabay hawak sa ilong.

Pumasok nako at dumiretso sa aking silid at dahil sa pagod nakatulog ako agad.

Pagkagising ko hapunan na kaya't bumaba  nako sa kusina para kumain as usual ganon pa rin may pagkain at may note na galing kay mama.

  Sorry, I have meeting to attend tommorow I cant come with you so you'll be coming alone your ticket is ready and your cash as mama's promise water. So you'll come to an Island named Shallow.
     
                                                  Love,mama

Island named shallow, Shallow nice name I think I can enjoy there.

xoxo

Author note:
it has started


SHALLOWWhere stories live. Discover now