Chapter 10

95 13 1
                                    

~Chapter 10~

Maaga akong nagising kinabukasan para makapasok ng maaga sa school at para makaiwas ako sa mga alien.

Nagtagumpay naman ako for my first two subjects at ang problema ko na lang ngayon ay kung saan naman ako pupunta dahil free time ko every 9 to 11. 2 hours iyon kaya talagang delikado ako.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa may hallway habang naghahanap ng pwedeng mapagtataguan ng may tumawag sa pangalan ko.

“Macey!”Pasimple kong nilingon kung sino iyon. It was Alistair. Agad akong lumiko sa kabilang direksiyon ng may tumawag muli sa pangalan ko.

“Macey wait!”Someone shouted and now it was Clythe.

Mabilis ulit akong lumiko sa kabilang direksiyon.

Macey!” It was from another guy’s voice which I think ay si Erick.

Lumiko ulit ako sa kabilang direksiyon for the third time para lang maiwasan sila.

“Macey about yesterday-“Isang lalaki ang tumigil sa harapan ko  na may nilalaro pang baseball ball sa kanyang kamay. It was Finn.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

“Macey need help?”Si Bryson naman ngayon ang nakasalubong ko.

Gosh! Kaloka na this! Kahit saan yata akong lupalop magpunta ay mga alien na gumagala. Nilampasan ko si Bryson hanggang sa makarating ako sa tapat ng hagdanan. Then suddenly, an idea hit my mind.

Tama sa rooftop. Sa rooftop na lang ako pupunta. For sure hindi na nila ako masusundan doon. Nagmadali akong tahakin ang daan papunta sa rooftop at buti na lang hindi nakasarado ang pintuan.

“Hay salamat.”Sabi ko na tila naghahabol pa ng aking hininga. Ang taas ba naman ng inakyat ko.

From 2nd floor paakyat dito sa 5th floor which is rooftop na. Sino ba kasing gumawa ng school na ito? Sana next time palagyan na nila ng elevator.

Nagsimula na akong humakbang para maghanap ng maaari kong puwestuhan when I felt someone hugging me mula sa aking likuran. Ipinulupot ng kung sino man ang mga bisig niya sa aking bewang.

Naestatwa ako mula sa pagkakatayo lalo na ng ihilig ng kung sino man ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko man nakikita ang mukha niya but I can smell a men’s perfume. Sobrang bango. Amoy na amoy ko.

“I miss you.”Bulong niya sa tenga ko na as if he was really longing for someone na nagpakilabot sa buong sistema ko. Even his voice sounds manly. Malalim ito na medyo may pagka-husky.

“Finally, you came back Jhane.”

Tuluyan akong nagising sa katotohanan at buong puwersang itinulak ang lalaki palayo sa akin. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

“You’ve got the wrong person.”Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmadali na akong nagmartsa paalis.

Fudge! That guy is the weirdest guy ever. Pagkamalan ba naman daw ako bilang si Jhane? Tapos bigla-bigla pang nangyayakap.

Okay na rin sana ang kaso sayang may pagkawirdo tapos kapag nakita niyo lang suot niya kanina. Aakalain mong kabilang siya sa akyat-bahay gang. Nakablack ba naman na hoodie samantalang ang init-init sa Pilipinas.

Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil nagmadali na ako sa pagbaba mula sa rooftop ngunit ng makarating ako sa 3rd floor narinig ko nanaman ang pangalan ko na tinawag ng kung sinu-sino.

WARNING! Playboys Are WanderingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon