Kabanata 1

7 2 0
                                    


Kabanata 1

Break

"Thraianna! Di ba sinabi ko na sa'yo na magtipid-tipid ka naman! Ano na naman 'to? Mga relo?! Kakabili mo lang kahapon ng dalawa ah!" my Dad shouted while looking at the shopping bags on the floor.

Once I entered the house, pinagalitan na agad ako ni Daddy dahil nagshopping na naman ako.

"Dad! I bought seven watches because I want to have different watches every other day," I explained.

"You don't need seven watches! You can just have one or two!"

Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Dad, "Dad, promise last na 'to, magshoshopping na lang po ako once or twice a week"

"No! Hindi mo na ako madadaan sa promise mo na yan, you said it before but after a month bumalik ka na ulit sa shopping habit mo. You're grounded and sa Lola Yna mo ka na muna magpapatuloy ng summer at doon ka na rin mag-aaral"

My eyes widened. Summer? Eh, kakasimula pa lang ng summer namin eh!

"Dad! Ayoko kay Lola, ang boring doon puro mga baka lang ang makikita ko doon," reklamo ko, almost throwing a tantrums.

Hindi ako pinansin ni Dad at umalis na. Napapadyak naman ako sa inis. Napatingin ako kay Mom na nakatingin na sa akin ngayon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Mom, I don't want to be with Lola. Her house is boring, their province is boring. Please Mom, pilitin mo si Dad na huwag na akong patirahin kina Lola. I promise na hindi na po talaga ako magshoshopping araw-araw"

She sighed and hugged me, "Sweetie, gusto man kitang tulungan but your Dad already made his decision"

Lalo naman akong nainis doon at humiwalay na kay Mom, "Ugh! I hate Dad!" I exclaimed.

Umalis na ako doon at umakyat pataas. Tinatawag pa ako ni Mommy but I want to be alone in my room. Nakita ko si Dad na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sa akin sa pagdadabog ko. I glared at him and walked to my bedroom. I locked the door so he can't go in.

"Thraianna!" Dad shouted before I closed the door.

Napahinga na lang ako ng malalim, to calm myself. Tinanggal ko muna ang stilettos ko at nilagay iyon sa shoe rack bago ako pumunta sa banyo para maglinis ng katawan and did my skincare routine.

Pagkatapos kong maligo sinuot ko muna ang robe ko bago lumabas ng banyo. I blow dried my hair before wearing my pajamas. Nang patapos na akong magblower biglang tumawag si Veniece, a friend of mine since elementary.

"Thraia! Where are you?" she asked after I answered her call.

"House. Why? Is there anything wrong?"

"You need to go here! Steven is cheating on you! May kasama siyang babae, she seems familiar but I don't know where I saw her dati. I'll message you the address, bilisan mo!" she said and ended the call.

Pagkatapos ng tawag ni Verniece, sinend niya agad sa akin ang address kung saan niya nakita si Steven. Tinapos ko muna ang pagbloblower ng buhok ko at pumunta na sa closet para kumuha ng maisusuot. I just wore a white tube top and black leather skirt for the bottom. I partnered it with black loafer shoes and sliver hoop earrings. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pumunta na sa harap ng pintuan.

I opened that door and I saw Dad sitting in the sofa while working some business matter. Sinarado ko naman agad ang pinto dahil baka makita pa ako ni Dad.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Pumunta ako doon at tiningnan kung gaano kataas ang pagbabaan ko. Medyo mataas taas.

Pumunta naman ako sa veranda ko. Pwede na 'to.

I removed my loafers at binagsak iyon sa baba. I waited for five minutes to know kung may taong nakapansin doon. There's no sign na may tao sa baba kaya dahan dahan akong bumaba sa veranda.

Umakyat ako sa bakod ng veranda ko at bumaba. Nang marating ko na ang poste na nagsusuporta sa veranda kumapit ako doon at bumaba na nang tuluyan.

Agad ko namang sinuot ang loafers ko at pumunta sa kotse ko. Sumakay na agad ako roon at pinaandar ito. Automatic na nagbubukas ang gate namin kaya mabilis akong nakaalis doon.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa kaba ko kanina. Pumunta na ako sa BGC kung nasaan sina Steven at Verniece. 

Nang makarating na ako sa BGC at agad ko itong pinarada. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas at pumunta sa sikat na bar na minessage sa akin ni Verniece.

Nasa labas si Verniece ng makarating ako sa bar. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

"Where's Steven?" I asked.

Napatingin naman siya sa akin dahil sa tanong ko. She looks worried kaya naman ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Let's go," she said.

Sumunod naman ako sa kanya papasok sa bar. Marami-rami na ang tao dahil almost 12 na rin kasi.

Mabilis namin nakita ang table nina Steven. Malapit lang kasi sa entrance ang table nila. Sobrang lapit nila sa isa't-isa, si Steven naman parang tuwang-tuwa pa.

Nakakadiri.

Binilisan ko ang paglalakad ko ng makita kong hahalikan ni Steven yung babae. Bago pa siya makahalik ay nakalapit na ako sa kanya at sinampal siya.

Matalim siyang tumingin sa akin dahil sa ginawa ko pero ng makilala niya kung sino ang sumampal sa kanya agad napalitan ng pagkagulat ang reaksyon niya.

"T-thraia! Anong ginagawa mo dito?" he asked.

"And you? Why are you here with..." Napatingin ako sa katabi niya and gave her a disgusting look,"some slut?"

"Excuse me!?" she exclaimed.

"Thraia, please let's talk about this outside. She doesn't know–" Steven said.

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tinitigan siya ng matalim.

"Bakit sa labas pa? Why not here? Para naman malaman ng kasama mo kung sino ako"

Napahinga siya ng malalim at tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya pabalik habang nanlilisik ang mga mata ko.

"Let's go, Thraia. Ayaw ko gumawa ng gulo," He said and turned his back on me, papalabas na ng bar.

Sumunod ako sa kanya dahil baka makarating pa kay Daddy na nag-eskandalo ako sa isang bar.

Nang makarating na kami sa labas ay agad siyang humarap sa akin at hinalikan ako. Tinulak ko siya papalayo at sinampal siya.

"How dare you kissed me after kissing that slut!?" I shouted at him.

Ginulo niya ang buhok niya at tumingin sa akin. "I'm sorry..."

"I also need your explanation, Steven"

Huminga muna ulit siya ng malalim bago siya ulit nagsalita.

"She's my ex. She's the one I'm talking about when we were in high school. My first love," he explained.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa. I didn't cry. I also didn't beg him to stay with me. I got hurt but I don't want to give up my pride for some asshole like him.

"Then, let's break up. Nakabalik na siya," I said still staring at him.

"You won't beg?" he confusedly asked after the silenced.

I laughed sarcatically. This jerk.

I grinned, "Why would I? If I beg, will you leave her? Diba hindi naman? And I don't want to be with an asshole like you anymore"

"You're unbelievable..." he said.

I smiled at him and said my goodbye before I turned my back. As soon as I turned my back, a tear flowed in my eye but I quickly wiped it. That asshole doesn't deserve a tear from me!

Chase Until Death (Samaniego Series #1) [CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon