Kabanata 2Home
When I came back home, napagalitan ako ni Daddy. Inaasahan ko na iyon dahil nilabag ko ang utos niya.
"Thraianna! Hindi ka na talaga nakikinig sa akin! Bukas na bukas, pupunta tayo sa Lola Yna mo. Doon ka na muna hangga't hindi ka umaayos!" sigaw ni Daddy.
Nakatingin lang ako sa kanya habang si Mommy naman ay nasa tabi ko, umiiyak.
"Dad, I will. Pwede na po ba akong umakyat?"
Tumikhim si Daddy at sinamaan ako ng tingin. "You may," he said.
Hunarap naman ako kay Mommy para halikan siya sa pisngi. Lumapit din ako kay Daddy para halikan siya sa pisngi bago umakyat.
Tinanggal ko muna ang sapatos ko at dumiretso sa kama. May tumatawag sa cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin.
Nakatulala ako sa kisame habang may pumapatak na luha sa mga mata ko.
That jerk.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. That jerk don't deserve my tears.
I got my phone on the night stand and check who called me earlier. It was Verniece and Aidan. May text din sila. Una kong binuksan ang kay Verniece.
Verniece:
Where are you? Pumasok mag-isa si Steven dito sa bar at umalis din. May ginawa ba siya sa'yong masama?
Ako:
Sorry, Vern. Umuwi na ako. Wala naman siyang ginawang masama sa akin. You should go home, wala ka nang kasama diyan.
Binuksan ko naman yung kay Aidan.
Aidan:
Vern, what happened to you and Steven? Nandito siya sa amin, nag-iinom. Ayaw sabihin sa akin ang dahilan.
Aidan and Steven we're bestfriends kaya kami nagkakakilala ni Steven hanggang sa naging magkakaklase kami noong highschool.
Ako:
I broke up with him.
Agad naman siyang nagreply.
Aidan:
Why? Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?
Hindi ko na sinagot si Aidan dahil ayokong malaman niya ang nangyari. Ayaw ko namang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Steven dahil sa akin.
Pinatong ko na sa night stand ang phone ko at natulog na. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa pagod.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Pumunta muna ako para magshower dahil hindi ako nakapaglinis kagabi pagkauwi ko. Nagsuot lang ako ng oversized tee shirt at dolphin shorts bago bumaba.
"Thraia, hija, sabi nga pala ng Mommy at Daddy mo na aalis lang sila at may aasikasuhin lang sila sa business niyo para daw makapagbakasyon kayo sa Batangas," sabi ni Manang ng makababa ako. Naabutan ko siyang naglilinis sa sala.
Tumango ako kay Manang bilang tugon, "Kanina pa po sila nakaalis?"
"Oo, kanina pa. Kumain ka muna nang umagahan, hija bago ka mag-impake ng dadalhin mo sa mga Lola mo," Manang said.
Tumango ako kay Manang bago pumunta sa kusina. Pagkapasok ko sa kusina naabutan ko doon si Frida. Hinahanda niya ang kakain kong agahan.
"Good morning, Ma'am!" bati ni Frida ng mapansin niya ako.
I smiled at her, "Morning, Frida"
"Fried rice, bacon, and sunny side up for breakfast, Ma'am!" bibong sabi ni Frida.
BINABASA MO ANG
Chase Until Death (Samaniego Series #1) [CURRENTLY EDITING]
Romance( SAMANIEGO SERIES #1 ) Thraianna Lopez is such a spoiled brat. Everytime she see beautiful in her eyes, she will not hesitant to go for it. That's why her father disciplined her by cutting her cards and transferring her in a public school. She got...