Simula"Maam Thraianna, nagawa ko na po yung mga pinapagawa niyo" sabi ng sekretarya ko. "At tsaka Ma'am..."
Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan. Agad naman siyang kinabahan at naging balisa.
"What?" tanong ko.
"Hindi po pumayag si S-sir Samaniego..."
Agad akong napatayo sa sinabi niya at hinampas ang lamesa. Napatalon siya sa gulat at kinakabahan akong tiningnan.
"Make him agree, then!"
"O-opo, Ma'am!"
She left my office after that. Napapikit na lamang ako at napahilot sa sentido dahil sa biglaang kong pagsigaw. Hindi pa humuhupa ang galit ko ay bigla na namang pumasok ang sekretarya ko sa office ko.
"M-ma'am..."
"What?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko.
Ilang sandali pa ay hindi siya nagsasalita kaya naman tiningnan ko siya. Nanginginig siya sa takot nang nakitang nakatingin ako sa kaniya.
"Nasa labas po si Sir Villafuerte..."
"Let him in"
My secretary left the office and my great cousin went inside.
"Thraia! Ano itong nabalitaan ko na pinipilit mo raw makasama si Theo sa isang project?" tanong ni Aidan at tiningnan ako ng masama.
"So what? Wala namang problema doon," sagot ko sa kanya.
"Makakasama mo ang ex mo sa isang proyekto, and walang problema? Don't tell me na may pinaplano kang masama? What the hell, Thraia! You need to move on, he has a girlfriend already, tigil-tigilan mo na," at sinamaan niya ako ng tingin.
Napatingin ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Girlfriend? Sino? Si Armetis?
"Tumigil ka nga! Inutusan lang ako ni Dad na isama siya sa isang proyekto," sabi ko.
Tumango-tango siya at umupo sa sofa. Tinaas niya ang kanyang paa sa coffee table at tumingin sa gawi ko.
"By the way, pupunta ka ba sa party mamaya?" tanong niya habang nakatingin sa mga papeles na nagkalat sa table ko.
Birthday ng mommy ni Theodore mamaya and ang alam ko ay may i-aanounce daw doon na mahalaga kaya kailangan ang mga board members na pumunta doon which is kasama ako.
"I'll think about it. Marami pa akong gagawin," sabi ko na lamang kahit wala akong plano pumunta doon dahil makikita ko lamang ang pagmumukha ng bastardong yun.
"You should go, pupunta ako," sabi niya at umalis na sa office ko.
Tingnan mo 'tong bastos kong pinsan. Hindi man lang nagpaalam na aalis na siya. Tsaka ako pupunta? No way.
Tinapos ko muna ang kalahati ng mga gawain ko dahil kailangan ko pang pumunta sa mall para magtingin ng mga gamit para sa condo ko. Kakalipat ko lang kasi kaya wala pa akong masyadong gamit doon.
I left the Villafuerte Inc. before lunch kaya naman dumaan muna ako sa isang restaurant para kumain ng lunch. While waiting for my order, I opened my Instagram to catch up with my friend's life. Ngayon ko na lang ulit ito nabuksan dahil busy ako sa trabaho.
A notification popped out that Artemis just posted. It's a picture of her and Theodore with the caption "I love you babe". Pinagkaguluhan agad iyon ng mga fans ni Armetis at mga kakilala ni Theodore.
'OMG! Are you together na?,' a friend of Armetis replied and she just liked it.
Puro tanong kung sila na ba at papuri ang laman ng comment section. And there's a new comment that caught my eye.
BINABASA MO ANG
Chase Until Death (Samaniego Series #1) [CURRENTLY EDITING]
Romance( SAMANIEGO SERIES #1 ) Thraianna Lopez is such a spoiled brat. Everytime she see beautiful in her eyes, she will not hesitant to go for it. That's why her father disciplined her by cutting her cards and transferring her in a public school. She got...