༺ YASMIN ༻
Pag-flip ng card ko..
"Death.." ang sabi ng fortune teller.
"S-so.. anong meaning..?" Tanong ko. Knowing na booth lang 'to, creepy pa rin na gantong card yung nakuha ko, lalo na sa loob ng madilim na tent tapos 'di ko pa makita yung mukha ng kausap kong naka-hood.
"It's fine. 'Di mo kailangang mag-alala ng sobra. Yun lang-"
"Slowpoke!"
Lumingon ako agad sa likuran nung marinig ko yung paghawi sa kurtina, syempre dahil na rin sa nakakatakot na boses ni Kc, kasama yung dalawang alipores nya."Finally, nakita ka rin namin." Sabi ni Diane na akala mo napagod sa paghahanap, eh trabaho lang naman nilang utusan yung iba. Malamang may informant silang nagsabing 'nandon si Yasmin', mga sipsip.
"Bring the speakers into our booth right away." Palaging straight face at may low tone of voice. Kaya sa aura nya, kung wala ka talagang lakas ng loob mapapasunod ka nalang ng kusa.
"Sorry.. hihiramin ko palang talaga dapat sa faculty-"
"You still haven't-?! What a slowpoke. Go get it, NOW."
"P-pero-"
Lumabas na sya agad ng tent. Nahuli si Jane para lang sabihin na.. "Go use yours." .. iwan ko yung ID ko sa faculty para makuha yung gamit na sila naman yung may gustong humiram.
Nagbayad nalang ako agad para makaalis na sa tent kahit medyo nakakahiya yung nangyari. Nasumbatan pa 'ko sa harap nung babae.
And yep, dumating na'ng long awaited school fest na cine-celebrate namin every January. Ngayon ang 26th anniversary ng Río Cristalino kaya syempre meron nanamang matinde-tinding preparations para sa lahat ng booths and stalls. Pero first day palang ng festival hindi na agad naging maganda. Feeling ko matatapos 'tong nakakabagot gaya last year.
---
Gaya ng utos nila Kc, kailangan ko pumunta sa faculty para kunin yung speakers.
Papunta 'ko ron nung madaanan ko yung bulletin board, kaya binasa ko na rin kung anu-anong booths and stalls yung nasa list. Naka-toka sa club namin yung mini bar kaya gusto nilang kunin yung speakers, since mga party goers yung mga babaeng 'yon. Pero wala namang illegal heavy drinks samin, yari kami sa principal 'pag ganon.
Paalis na 'ko para pumunta sa faculty. Pero teka..Walang Fortune Telling Booth sa list..?
"Sa lahat ng tao dito, ikaw yung unang nakita ko na walang ginagawa."
"Ah-! Anong- wag ka ngang bigla-bigla nagsasalita sa likuran ko.."Teka sino ba 'to? Ngayon ko lang sya nakita.
Ah-yung speaker nga pala!
"Actually, may gagawin naman talaga dapat ako. Dyan ka na."
Pero pagdating ko sa faculty..
"Nahiram na??"
Nakita ko sa table yung Id nung nakakuha ng speakers. Sya yung.. babae kanina sa may bulletin board! Ni hindi ko napansin na may dala sya. Yari ako kay Kc nito, anong gagawin ko? Hahanapin ko nalang siguro sya sa section nya..
Class.. B-3?!
---
Mas maganda sana kung sa club ko sya mismo pupuntahan pero hindi ko naman alam kung saan. Anyways, nandito na 'ko sa classroom.
"Yung naka-all blue. May hairband and hair bun tas may sweater, ano bang club nya?"
"Ahh, yung new student."
"Topknot, hindi hair bun."
![](https://img.wattpad.com/cover/235101599-288-k82430.jpg)
BINABASA MO ANG
C.H.A.O.S
KurzgeschichtenExpose your malice! Confess your sins! Five different stories about five fallen angels who'll create chaos and will reveal the demon inside you. Different motives, different personalities, and different ways on playing with people. Conceal your iden...