KRIZELLE'S POV
"Magandang hapon po Don Gabriel, Madam Olivia" Nakangiti kong bati at puno ng galak.
"Krizelle hija halika saluhan mo kami" Nagningning sa paningin ko ang mga nakahain na pagkain.
"Sino ka naman?" Napatingin ako sa isang matipunong lalaki. Ngayon ko lang siya nakita kaya wala akong ideya kung sino siya.
"Ako nga po pala si Krizelle Mateo" Ngumiti pa ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Tunog mahirap" Nang madinig ko iyon ay talagang parang naging isa akong halimaw. Umuusok ang ilong ko sa galit sa lalaking ito.
"Ano naman ngayon kung mahirap" Mataray kong sabi. Narinig ko ang tawanan nila Don kaya kaagad akong napa-yuko.
"Anak wag mong awayin ang mapapangasawa mo" Sa gulat ko ay kaagad akong napatingin sa Don.
"Dad! Hindi ko gustong magpakasal sa mahirap! Ano ba yang pinagsasabi niyo?" Napa-tsk ako ng wala sa oras nang marinig ko nanaman ang yabang ng lalaking ito.
"Zord anak mahirap man sina Krizelle ay mabubuti naman ang puso nila" Tumingin sakin yung Zord at galit akong tinignan.
Wag kang magalit sakin dahil kahit ako ayokong pakasalan ang ganyang kapngit na ugali.
"Hindi ba nakakatuwa ang patakarang iyon? Ikakasal ka dahil ang yaman natin ay hindi na kailangan pa na madagdagan" Sabi ni Don.
Tsk gawa gawa din tong si Don Gabriel e sila lang ata ang ganito. Sa mga nababasa ko sa wattpad e ayaw nila ipakasal ang mga anak nila sa mahihirap dahil nga mahirap ang mga iyon.
"Ang mga mahihirap ay para lang sa mahirap!" Inis na sigaw ng lalaking ito.
"Wala akong pake sa yaman mo kung iyon ang ikinakabahala mo atsaka sino bang may gustong maikasal sa ganyang kapangit na ugali? Tsk iharap mo sakin ngayon dadagukan ko talaga!" Inis kong sabi.
Hehe alam ko namang maiintindihan nila Don ang mga pinagsasabi ko, mamaya nalang ako hihingi ng sorry.
"Ha! Ang lakas naman talaga ng loob mo! Dad, akala ko ba eh mabuti puso nito?!" Tinawanan lang siya ni Don.
May saltik na ata silang lahat dito eh ano ba naman yan.
Tinignan ko si Fei, bunsong anak nila Don na babae. Kumakain lang siya at walang pake sa paligid pero naka-ngiti ito.
"Hindi porke mabuti ang puso ay nagpapa-abuso" Inirapan ko siya na lalong ikinagalit niya.
"Tama na iyan halika na dito hija" Ngumiti lang ako sa kanila at umiling.
"Hindi na po sa susunod nalang po baka po kasi hinahanap nadin ako ni Kinnel" Nang banggitin ko si Kinnel ay tinignan ako ni Fei kaya nginitian ko siya. "Pasensya na po kayo, maraming salamat po Don Gabriel at Madam Olivia" Tumango tango sila at pinaalalahanan ako na mag-ingat. Pinapabalik din nila ako bukas para mapagusapan ang kasal daw na magaganap.
Pagkalabas ko palang ng mansion ay tinadtad kona ng mura yung lalaking masama ang ugali.
"Akala mo naman kung sinong gwapo tsk! Taena hindi ko naman gusto magpakasal sa masama ang ugali noh!" Malakas kong sabi. Nagulat nalang ako nang nasa harap ko na si kuya Kole.
"Anong iniingit-ingit mo dyan Kriz?" Lumapit siya sakin at umakbay.
"Kuya ang baho mo. Eh gusto daw kasi akong ipakasal ng Don sa anak nilang impakto ang ugali" Napatigil siya at hinawakan ang batok ko.
"Aray! Kuya masakiiittt" Kinuha ko ang kamay niya at inalis sa batok ko.
"Oh anong sabi mo sa Don?" Hinila ko siya at iniakbay ulit sakin tsaka ako ngumiti.
"Sa bahay na nga lang kuya ayoko ng uulitin ko nanaman kanila Nanay ang kwento" Tinawanan niya ako at ginulo ang buhok.
Pagka-uwi namin ay lumapit kaagad ako kay Kinnel.
"Namiss mo ba si ate?" Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi. Napaka-cute. Four years old pa lang siya kaya alagang-alaga siya nila Nanay.
"Ano ang sabi ng Don?" Bungad ni Nanay. Ikinwento ko na nga ang nangyari kinikilig na tinignan ako ni Kinnel.
Nako itong batang to.
"Ipakakasal ka?! At kay Zord pa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nanay. Tumango naman ako, kahit ako ay di makapaniwala.
"Napagusapan nga namin yan ni Don" Si tatay. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Pumayag na ako sa kasalang iyan" Naka-ngiti niyang sabi. Sa gulat ko ay muntik ko nang maitulak si Kinnel mula sa pagkaka-kandong sa akin.
"Kung ikaw kaya ang magpakasal tay? Tutal naman ikaw ang pumayag" Nagtawanan sila.
"Aba kung gugustuhin ni Zord at kung hindi lang ako kasal sa Nanay niyo ay ako nalang ang magpapakasal" Tinignan naman siya ng masama ni Nanay. Hahahaha "Aba gwapong gwapo ang lalaking iyon" Napataas ang kilay ko.
"Masama naman ang ugali" Tumawa si Tatay.
"Mabait iyon anak, kaya nga gusto ng pamilya niya na maikasal sa iyo ang anak nila" Nagkunwari akong naduduwal.
"Iww tay kung makapag-salita sa akin yung lalaking impakto na yon eh diba asan yung mabait don?" Ngumuso pa ako, lumapit si tatay sakin at kinuha si Kinnel.
"Hindi mo pa naman siya nakikilala anak apat na buwan pa naman bago ang kasal" Galak na sabi ni Tatay.
"Tay! Apat na buwan?! Eh ni hindi ko nga gusto makasal sa kaniya, hindi ko naman siya gusto tay" Ibinigay ni tatay si Kinnel kay Nanay at lumapit sakin. Inipit niya ang buhok ko sa gilid ng tenga ko at hinaplos ang buhok ko.
"Pagbigyan mo na si Tatay, anak" Sabi niya pa. Ngumuso ako at tinignan siya ng may malulungkot na mga mata.
Kahit kailan talaga ay hindi ko matitiis si Tatay.
"Ganito nalang tay, kapag hindi ko siya nagustuhan sa loob ng apat na buwan hindi natin itutuloy ang kasal, deal?" Si tatay naman ang ngumuso.
"Sige na nga alam ko namang mahuhulog ka kay Zord" Pinalo ko si tatay sa balikat niya na ikinatawa nila.
Pansin ko lang hindi nagsasalita si kuya. Kaya napatingin ako sa kaniya at nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
"Sige na tama na iyan" Sabi ni Nanay at nagsitayuan naman kami para pumunta sa hapag.
DISCLAIMER:
ALL THAT I WROTE HERE WAS IN MY HEAD. THE NAMES AND PLACE COULD BE COINCIDENTAL.
YOU ARE READING
Poor Wife
RandomBakit kaya mahirap na babae ang nais maipakasal ng pamilyang Seño sa kanilang anak? I got the photo in google, it's not mine.