KRIZELLE'S POV
Maaga akong nagising para pumunta sa mansion ng Seño gusto daw kasi nila makisabay ako sa umagahan nila dahil hindi ako sumalo kahapon.
Kung alam lang nila kung gano ko pinigilan ang sarili ko na huwag tignan ang mga pagkain kahapon.
Nang makita ko ang kasambahay nilang tropa ko dito ay kaagad akong kumaway at lumapit.
"Hi Cy!" Bati ko kay Wency. "Buti di ka nai-impakto dito noh?" Tumawa lang siya at pinalo ako sa balikat tapos ay nilagpasan na ako.
Attitude si Wency ah.
"Krizelle hija" Bati ni Don. Yumuko ako bilang pagbigay galang.
"Magandang umaga Don Gabriel" Ngumiti ito sakin at tinapik ako sa balikat.
"Gisingin mo na si Zord" Napanguso ako. "Basta huwag ka lang masiyadong lumapit para hindi ka masaktan" Lalo akong napanguso. "Biro lang hija hahahahaha, sige na akyatin mo na" Hindi nalang ako nag-salita at umakyat na.
Bakit kailangang ako ang gumising don? Tsk naknang tinapa naman eh enemy nga kami ng lalaking yon eh.
Kumatok ako sa pinto pero wala akong nakuhang sagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Lumapit ako sa kama at nakita doon na mahimbing na natutulog ang impakto. Gigisingin ko na sana siya nang mapatitig ako sa mukha niya.
"Hmm gwapo naman talaga" Mahina kong bulong.
Kahit natutulog ay talaga namang pinapamukha sa akin na gwapo siya. Matangos ang ilong, mapula ang labi, nakapilantik na pilik mata, makakapal na kilay.
Bigla siyang gumalaw kaya napadiretso ako nang tayo. Hindi siya nagising, ngumiti lang siya kaya nakita ko ang dimple niyang mas malalim pa sa hukay ni Chubchub na aso namin.
Nangunot ang noo ko at kaagad na umiling -iling.
Masama parin ang ugali niya.
"Hoy! Gising!" Hindi siya natinag kaya niyugyug ko siya ng niyugyog. "Kakain na raw" Dagdag ko pa. "Ay kalabaw!" Sigaw ko nang mahuli niya ang kamay ko.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at titig na titig akong tinignan. Napatikom ako ng bibig. Inihagis niya ang kamay ko kaya tumalsik ako.
"Labas" Mahina niyang siya. Ang bango ng bibig niya bakit ganon? Kapag ako bagong gising amoy bulok ang bunganga ko.
"Kakain na ra—" Napatigil ako nang umupo siya at makitang wala pala siyang pang-itaas na damit.
"Stop staring at me poor girl" Inirapan ko siya. Sabi ko nga impakto ang ugali ng lalaking to.
"Wag mo ako ma-english english baka mainis mo ako" Tuluyan na nga siyang tumayo at potek naka boxer lang siya mga bhe.
Kitang kita ko ang V line niya at ang abs niyang akala mo ay monay pero siguro bato yan kapg hinawakan noh? Ay erase! erase!
"Laway mo" Hinawakan ko ang gilid ng labi ko pero wala namang laway.
"Kahit wala! Bilisan mo na pinapatawag ka ni Don" Tinulak niya ako ng bahagya pero masiyado siyang malakas kaya nawala ang balanse ko. Kaagad akong napahawak sa leeg niya para hindi matumba.
"Aba tsumatsansing ka ah" Sa inis ko ay itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. "Ano ba!" Inis niyang sabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumapit na sa pinto.

YOU ARE READING
Poor Wife
AcakBakit kaya mahirap na babae ang nais maipakasal ng pamilyang Seño sa kanilang anak? I got the photo in google, it's not mine.