KRIZELLE'S POV
"Tigilan mo na nga ang kakatawa kundi ay iiwan kita sa daan" Inis na sabi niya ang paningin ay nasa daan. Tumigil naman na ako kahit na sa loob loob ko ay gusto ko pa siyang tawanan at inisin.
"Ano kayang magandang ipangalan dito?" Iniharap ko sa kaniya ang elepante. "Pinky? Elle?...ano sa tingin mo?" Tanong ko pa habang naka-ngiti.
"That's a boy okay? Don't use girl names on him" Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit naman ikaw ang magdedesisyon? Nagtatanong lang ako ng ipapangalan hindi ko sinabing ikaw ang masusunod" Inirapan ko pa siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Name it Zv" Tinitigan ko ang elepante hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ang Zv.
"Hmm parang maganda" Ngumuso pa ako at ini-angat si Zv. Mukhang babagay nga sa kaniya ang Zv.
"Anong parang maganda? Gwapo ang pangalan na iyon dahil mula sakin" Hindi ko nalang siya pinansin at nakangiti kong tinititigan si Zv.
Napansin ko lang na medyo, medyo lang naman na nag-iba ang ugali nitong impaktong Zord. Hindi ko alam kung anong nangyari dito baka naumpog at ganito ang trato sakin.
Pero nang makarating kami sa mansion nila ay binabawi ko na ang sinabi kong nag-iba ang trato niya sakin.
Hindi niya manlang ako inihatid sa bahay namin tapos ay iba nanaman ang tingin niya sakin pagka dating namin.
"Go home and rest" Pagka-sabi niya non ay tumalikod na siya papasok ng mansyon.
"Go home and rest" Ginaya ko ang sinabi niya pati narin ang tono kung paano niya iyon binanggit.
Habang nakatalikod siya sakin ay naalala kong magpa-salamat kaya kaagad ko siyang tinawag.
"Zord!" Humarap siya ng naka-kunot ang mga noo. "Salamat" Hindi siya sumagot at tumalikod lang kaagad. Napanguso ako at napaisip kung napano ba ang impaktong ito.
Pabago bago ng ugali akala ko pa naman ay okay na kami pero mukhang impakto parin ang ugali niya sakin.
Nang maka-uwi ako ay todo tanong si tatay kung anong nangyari sa 'date' daw namin ni Zord.
"Tay ibinili niya ako ng bagong cellphone" Naka-ngiti kong sabi at ipinakita ang phone.
"Ang ganda naman nito anak pero sana ay tinanggihan mo nalang" Hinawi ko ang buhok ko nang iyuko ko ang ulo ko na parang pagod.
"Tinanggihan ko talaga tay kaso ipinilit niya" Tumango-tango si tatay at tinignan ako ng may nanunuksong tingin.
"Hindi ba ang bait niya?" Tumaas taas pa ang kilay ni tatay.
"Tigilan mo nga ang anak mo Philip" Lumapit ako kay Nanay at nagmano.
"Ayan Nay pagalitan mo yang si tatay" Yumakap pa ako kay nanay na parang bata.
Nang matapos naming mag-kwentuhan ay kaagad akong umakyat sa taas para makapag-bihis ng damit.
Magbibihis na sana ako nang tumunog ang cellphone kaya napatingin ako roon.
"Bago palang to ah? Tsaka may sim na ba to?" Nagtataka kong tanong.
"Hello?" Napakunot ako ng noo at tinignan ang pangalan ng tumatawag pero numero lang ang nakalagay.
"Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.
"This is my number, save this" Inis akong naupo sa kama ko.
YOU ARE READING
Poor Wife
RandomBakit kaya mahirap na babae ang nais maipakasal ng pamilyang Seño sa kanilang anak? I got the photo in google, it's not mine.