KRIZELLE'S POV
"San mo ba ako ipupunta?" Nakatanaw lang ako sa binta simula kanina nang umalis kami. Masyadong tahimik at hindi ako sanay.
"Ipapatapon na kita" Galit ko siyang hinarap. Nakangiti siya kaya hindi agad ako nakapag-salita naramdaman niya naman iyon kaya kaagad siyang sumeryoso.
"Kapag hindi ko nagustuhan itong pinaggagagawa mo ako mismo magtatapon sayo" Banta ko sa kaniya. Syempre joke lang yon baka totoong mapatapon ako ng Don kapag ginawa ko nga yon.
"Less talk do more" Inirapan ko nalang siya at hindi na ulit pinansin. Mas okay na palang tahimik muna kami para makaipon ako ng energy makipagbakbakan sa impaktong ito.
Maya maya lang ay tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking mall. Napatingin ako kay Zord. Naglagay siya ng sunglasses at binuksan ang pinto.
"Baba na" Yun lang ang sinabi niya at iniwan na ako dito.
Anak ng! Hindi ako marunong magtanggal ng seatbelt!
"Hoy!" Sigaw ko pa pero hindi niya na ako marinig. Mukhang iiwan na ako ng impakto, aba matapos niya akong dalhin dito iiwan niya ako! Masasabunutan ko talaga yan e!
"Nakakainis naman eh! Pano ba to?" Pagkausap ko sa sarili ko. Sinubukan kong tanggalin ang seatbelt pero hindi talaga ako marunong.
Nang sumubok pa muli ako ay naipit ang daliri ko kaya napahiyaw ako sa sakit.
"Aray ko!!! Nay!!!" Nagulat ako nang bumukas ang pinto sa may gilid ko.
"Bingi ka ba? Sabi ko—Anong nangyari sayo?" Hinubad niya ang salamin niya at tinignan ako. Maluha luha na kasi ako sa sobrang sakit, napatingin siya sa kamay ko at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko.
Nang dumaan siya sa harap ko ay akala mo ipinaligo niya na ang pabango sa sobrang bango niya.
"Bakit hindi mo kagad sinabi?" Bumaba na ako ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Medyo maraming tao kaya palagi lang akong nakadikit sa kaniya.
"Hindi mo naman ako tinanong, atsaka akala ko ikaw ang magtatanggal ng seatbelt ko dahil ikaw din naman ang nagkabit kanina" Bulong nalang ang pagkakasabi ko sa huli.
"Ano yon PG?" Inirapan ko siya.
"Wala, ang bingi mo" Ngumiti pa ako ng peke sabay irap.
"Natawa naman siya kaya napatingin ako sa kaniya. Weird ng lalaking to.
"I'm gonna buy you a cellphone" Napatingin ako sa kaniya. "Utos ni Mom yon wag kang mag-imagine dyan" Ngumiti ulit ako ng peke.
"Sino namang nagsabi sayong nagi-imagine ako? Teka!" Huminto kami sa paglalakad.
"Ano nanaman?" Inis niyang sabi.
"Hindi ko naman kailangan ng cellphone, ibili mo nalang ang sarili mo ng kung ano dito" Inilibot ko ang paningin ko at nagutom ako nang mapatingin ako sa isang restaurant na ang binibenta ay puro manok.
"You hungry?" Tumango ako at nagpa-cute. "PG ka talaga, this time hindi yan Poor Girl it's Patay gutom yan today" Impakto talaga! Nakakainis!
Hinili niya ako papunta sa restaurant na iyon at siya narin ang umorder ng mga kakainin namin. Habang nag-aantay ay napansin kong nakatingin sakin yung lalaki sa kabilang table.
Lumapit ako kay Zord ng nakatingin padin don sa lalaki. "Bakit kaya ako tinitignan nung lalaking yon Zord oh" Dahil nakatitig sakin si kuya sa kabilang table ay tinititigan ko narin siya.
YOU ARE READING
Poor Wife
De TodoBakit kaya mahirap na babae ang nais maipakasal ng pamilyang Seño sa kanilang anak? I got the photo in google, it's not mine.