Chapter 6- Be my Slave...

19 1 0
                                    


Angel's POV

time check: it's 1:00pm

HAAAAAY!! Sana laging sabado. Walang gigising sa akin ng maaga. Pwede akong matulog hanggat kelan ko gusto. At dahil maganda ang araw ko bumangon na ako mula sa kama ko at kusa ng pumunta sa banyo at naligo, nag tooth brush. Syempre kelangan mag ayos kase Sabado eh, ang favorite na araw ko. HAAAAYY! at dahil SABADO nga, medyo magpapakabait ako NGAYON. Bumaba na ako sa may sala at dumiretso sa kusina at pag dating ko dun, may nakahanda ng pagkain. Wow, ngayon lang ako natuwa sa mga katulong dito. Kain, nguya, lunok. Pa-ulit ulit kong ginagawa hanggang sa maubos ang pag kain ko. Syempre para sakin food is life. MABAIT ako ngayon kaya mag papakadaldal ako.

Naupo na ko sa may sala at binuksan ang T.v. Palipat lipat lang ang channel dahil walang magandang palabas kaya naman pinatay ko na lang. Abah delikado na, baka sirain lang ng T.V-ing yan ang Napakaganda kong araw.

Tinext ko yung tatlong babae at pinapunta dito. Pero parepareho silang busy, OK ayoko masira ang araw ko. Dahil sa naboboring ako dito, di naman pwedeng makipag daldalan ako sa mga peste kong katulong, nag pasya akong magbihis. Isang puting sando at red na shorts at nag rubber shoes. Di ko na tinignan ang sarili ko sa salamin dahil MATIK na, na maganda talaga ako. Di na din ako nag suklay dahil di na kailangan ng napaka ganda kong buhok yun, nag tali na lang ako. Kinuha ko na yung purse ko at yung iphone ko. (Check Angel's pic sa side >>>)

Dinala ko yung sarili kong kotse dahil ayoko magkomute noh! NEVER in this world na magcocomute ako. Nag punta ako ng mall at nag tingin tingin lang don kung ano ang matripan kong bilhin. Nung matapos ang one hour ng paglilibot. Nag pasya akong dumaan sa isang ice cream parlor at binili ang pinaka mahal at malaking ice cream nila. At ng makuha ko na nang ice cream KO lumabas na ako ng parlor na yun. Naabutan naman ako ng kaboringan kaya nag isip ako ng pedeng gawin, sakto naman may nakita ako sa unahan ko na couple na mag kaholding hands, isang bright idea ang pumasok sa utak ko. Binilisan ko mag lakad hanggang sa maabutan ko yung dalawa. Dumaan ako sa gitna nila na naging dahilan ng pag bitaw nila sa isa't isa. Napatingin naman sila sakin at hinarap ko sila. Shempre BORING ako eh. Tinulak ako nung babae pero mahina lang. Pinagpag ko naman yung parte ng damit ko na hinawakan niya. "Anong problema mo miss?" sabi nung girl at inirapan ko siya. "Miss di naman ata tama yung ginawa mo sa girlfriend ko. Ikaw na nga tong may kasalanan tas iirapan mo lang siya?" sabi naman nung boy. HAY NAKO. di nako nag taka kung bakit nag katuluyan ang dalawang ito. Parehas mahihina. "So anong gusto mo manyare? Na mag sorry ako sa girl friend mong pangit? Sorry KA na lang kase di nahihingi ang SORRY KO." sabi ko sa kanila at tinalikuran na sila. Pero bago pa ko makaalis, bigla naman hinawakan nung lalaki yung braso ko para makaharap ako sa kanila. Tinaggal ko naman agad yun. "Wag mo nga akong mahawakan. Mas mahal pa ang lotion na ginagamit ko sa buhay niyo!" sigaw ko. Napatingin ang mga tao saamin at nag silapit at nakinuod. "Alam mo miss? Di lang naman namin maintindihan kung bakit kelangan mong gumitna samin kanina. Sa laki ng daan, bakit sa gitna pa namin?" sabi naman nung babae. Tapusin ko na nga to. Ang boring naman ng dalawang to. "Kase kung makapagholding hands naman kayo sa harap ko, akala niyo nakakakilig kayo. At saka ikaw? *Turo sa babae* Payong kaaway lang  huh, kung manunulak ka, dapat sigarudiuhin mong malakas yun at mapapatalsik mo ang kaaway mo. At ikaw naman *turo sa boy* kung mamimili ka ng girl friend, dapat yung maganda naman. Pangit ka na nga, pati yung girlfriend mo pa. Sabagay di na ko mag tataka, mahirap talaga para sa kagaya kong maganda ang pumatol sa mga kagaya mong pangit." sabi ko sabay tapik sa balikat nilang dalawa. Tumalikod na ko at paalis na sana, pero nakita ko naman yung kamay ko na kanina pa may hawak.

Hinarap ko ulit silang dalawa at napa "awwwww" na lang ang mga tao sa paligid matapos kung ibuhos sa pagmumukha ng babae ang ice cream ko. "Yan. Thanks to me kase sa mukha mo binuhos yung ice cream. Atleast nakatikim ka ng mamahalin. Saka pala. *pak* sinampal ko yung lalaki kabayaran ng pag dampi ng napakagaspang mong kamay sa braso ko. Thanks to me ulit kase nadapuan ng napaka kinis at napaka lambot kong kamay yang magaspang mong pag mumukha" sabi ko sabay layas na. Nag sihawi naman ang mga tao dun at binigyang daan ako.

Chin up akong naglalakad habang may ngiti sa mga labi ko. What a beautiful day. Dumaan ako sa toilet room at nag hugas ng kamay. Mahirap na, baka mavirusan ako.

Pag labas ko ng cr. Nagulat naman ako ng makita ko yung kulangot na kyle sa may labas ng toilet room. "Nakita ko yung palabas mo kanina sa tapat ng ice cream parlor" bungad niya at bingyan ako ng malokong ngiti. "So? Ano naman ngayon sayo?" sabi ko. "Mali yung ginawa mo." sagot niya sakin. "Alam ko. Gagawin ko ba yun kung TAMA yun?". Sagot ko din sa kanya at nauna na. "WAIT!" Sigaw niya. Nilapitan niya naman ako agad. "P-p-pwede bang makisabay sa kotse mo. Kahit hanggang kay manang rosy lang. Pagdating natin. Ililibre kita ng kwek kwek. Kahit ilan." sabi niya sakin. Tumaas naman ang isa kong kilay. "Bakit tingin mo ba wala akong pambayad at kelangan mo pa akong ilibre?" sagot ko sa kanya. "Meron. Kaso di naman tumatanggap ng CREDIT CARD si manang" sabi niya sabay ngisi. Tinignan ko naman yung purse ko at nakita kong wala nga pala akong barya. Bigla naman akong natakam sa kwek kwek kaya "tara. Dalian mo. Di kita aantayin pag babagal ka mag lakad!" sabi ko sa kanya at binilisan ng mag lakad. Nagulat naman ako ng maunahan niya ko kaya halos sabay lang kami makarating sa parking lot.

Habang nagmamaneho. Kwento naman siya ng kwento pero di ako nakikinig. Nakarating kami kay manang rosy at bigla naman akong kinawayan ng kwek kwek kaya napatakbo ako palapit doon. Nag umpisa na akong kumuha at kainin yun. Habang kumakain naman ako. Saka ko lang napansin na may dala pa lang maleta ang kulangot na kyle. "Manang, pwede po bang makituloy sa bahay ninyo. Isa po kasi ako dun sa nasunugan. Binigyan kami ng gobyerno ng pera pero di sapat yun para makarenta ako ng bahay" sabi niya. Ah nasunugan pala siya. Malay ko ba. Eh di naman ako nanonood ng balita. "Nako iho. Pasensya ka na. Maliit pa nga para sa pamilya ko yung bahay namin. Kung pede lang kitang tulungan iho." sagot sa kanya ni manang. Nag uusap sila habang ako busying busy pa din sa pagkain. "Di bale na po manang. Hahanap na lang ako ng matitirhan ko." sabi ni kulangot kyle. At paalis na sana siya pero hinila ko. "Hoy! Bayaran mo muna tong kinain ko. Matapos kitang ipagdrive jan" sabi ko at kumuha pa ulit ng kwek kwek. Nagbigay naman siya ng 200 kay manang saka umalis. Natawa na lang si manang. "Nako alam mo iha? Napakabait at napakasipag ng batang yan. Sayang nga lang at di ko siya matulungan. Wala na kasi yan siyang magulang. Pero sa talino niya. Naka pasok siya sa isang napaka gandang school" sabi niya sabay turo sa School KO. Na malapit lang dito. "Ipagdadasal ko na lang siya na sana may mahanap na siyang matirhan niya." dugtong pa niya sa sinabi niya. Nag paalam na lang ako sa kanya at umalis na. Habang nag dadrive ako. Napaisip ako sa sinabi ni manang kanina tungkol kay kulangot kyle. At bigla akong tinamaan ng awa. PSHH AKO? maawa? Never!

Pero  san siya titira ngayon? Bigla namang kumulimlim at bumuhos ang malakas na ulan. On the way pauwi na ko ng madaanan ko si kulangot sa gilid ng kalsada at basang basa. Naalala ko na naman yung sinabi ni manang kanina
"Nako alam mo iha? Napakabait at napakasipag ng batang yan. Sayang nga lang at di ko siya matulungan. Wala na kasi yan siyang magulang. Pero sa talino niya. Naka pasok siya sa isang napaka gandang school"

Di ko alam pero nag kusa kong hininto ang kotse sa tabi niya at "sakay na!" sigaw ko .  di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pina sakay ko ang tofer na to. Sumakay naman siya. Aba kulangot to walang pag dadalawang isip sumakay talaga. Hinayaan ko na lang. Tutal nandito naman na. Wala ng bawian.

~

Nakita ko ang sarili ko na may pinipirmahang mga papel. "Si-sigurado ka bang ibibigay mo sakin yung condo? Masyado naman atang mahal to." angal ng kulangot na kyle na nakatingin sa harap ng isang condo na ibibigay ko sa kanya. Manghang mangha ang gunggong eh.  "Oh sige. Babawiin ko na. Choosy ka pa!" sagot ko sa kanya. "Hi-hindi joke lang. Pero di ba magagalit parents mo nito?" sabi niya ulit. "Manahimik ka na nga lang. Dami mong tanong. Saka bakit naman sila magagalit? Eh sakin naman nakapangalan ang building na to?" sabi ko. "S-s-sabi ko nga. Mananahimik na ko. S-salamat Angel. May hihilingin ka bang kapalit? Kahit ano." offer niya sakin. Napalingon naman ako. At isang napaka Laking ngiti ang nabuo sa labi ko. ......


"Be my Slave"

Angel of the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon