Chapter 8 closer together

38 0 0
                                    

Angel's POV

Nagising ako sa lakas ng tugtog ng demonyo kong lolo. Buong bahay ba naman na may speaker, in-on niya! Ang matindi pa dun. Shake it off ni taylor swift ang pinatugtog. Whatda- sino bang di magigising. Nung bumaba na ko sa may sala, naabutan ko siya na nililipsync yun tas naka cheering uniform pa! Bwiset! Sana naman wala akong lahing baliw. Puta makaalis na nga "bye apo!" sigaw ni tanda nung nasa may pintuan na ko. Nung nilingon ko siya, nag lagay siya ng lipstick na lampas lampas at nag flying kiss sakin. Napaface palm na lang ako at nilayasan siya. Sura yung matandang yun! Kabanas!

~
Kotse~

Nakasilip ako sa may bintana ng kotse habang may iniisip. Napakasira na ng araw ko! Di ako papayag na walang mangyayareng maganda ngayon.

Bigla namang napataas yung gilid ng labi ko and form into evilgrin.

Dinukot ko yung papel kong iphone at saka dinial si kulangot.

Riiingg~ toot toot.

Wala pang isang ring ng pinatay niya yung tawag ko. Riiing~ RIING tinawagan ko siya ulit at sinagot naman niya iyon "angel! Ano ba yun! Nasa klase ako! Nakakadistorbo ka!" sabi niya at binabaan ako. Aba! Bastos ito ah! Wala siyang karapatang ganyanin ako.

Tinext ko siya at sinabing....

Hoy! Gago ka! Tanginamu! Wala kang karapatang ganyanin ako! Pag dating ko jan sa school gusto ko sunduin mo ko sa may gate dahil kung hindi! Malalagot ka sakin!

Sa sobrang tamad ko mag type, vinoice mail ko na lang yun at nagkusa na lang ang cellphone na itype iyon. Nakakabuisit yung kulangot na yun!

~
School~

Pagbaba ko ng kotse nakita ko naman agad si kulangot sa may gate, nag aantay. Nung napatingin siya sakin. Agad naman siyang lumapit at hinagis ko sa kanya yung bag ko "unang una! Ayoko sa lahat ng binababaan ako. AKO lang ang may karapatang gawin yon!" sabi ko sabay tingin sa may mata niya "pangalawa! Wala kang karapatang sabihan ako ng distorbo dahil kahit magulang ko, di ako sinasabihan ng ganon" pagpapatuloy ko. "At huling huli! Slave kita kaya SUSUNDIN MO LAHAT NG GUSTO KO!" Sigaw ko a kanya at nauna ng umalis. Siya namn, nasa likuran ko dala dala yung bag ko. "Eh kase angel, may klase na tayo. Napagalitan na nga ako ng teacher kase maingay yung cp ko. Saka ayoko masira ung record ng grades ko'!" sagot niya sakin. "Wala akong pakialam. Di ako tumatanggap ng dahilan. Basta sinabi ko, gawin mo. Kayang kaya kitang pag-aralin dito sa school KO kaya wala akong paki alam kung masira yang scholarship mo." sabi ko at pinagpatuloy na ang paglalakad papuntang room. Ng nasa hagdan na kami papuntang 2nd floor, may nakita naman akong batang umiiyak doon. Kahit bully ako, kahinaan ko pa din ang nakikitang may umiiyak. Kaya pag nambubully ako, umaalis agad ako para di ko nakikitang umiiyak ung binully ko.

Tinignan ko yung bata at kinausap ko. "Kung nawawala ka, pumunta ka sa may guard sa baba at ipahanap mo yang burara mong kasama" sabi ko dun sa bata at tuluyan nang umalis. Nakita ko naman yung kulangot na kyle na napangiti ata sa ginawa ko. Inirapan ko na lang din siya.

Pag dating sa may tapat  ng room, sinipa ko naman yung pinto at napunta nanamn sakin yung atensyon nila. Umirap ako at tinignan yung teacher tas sinabing "mula ngayon, etong kyle nato (sabay turo kay kulangot) ay slave ko na kaya naman lilipat na siya dun sa malapit saakin" sabi ko at tuloy tuloy sa may upuan, nadaanan ko si Allyan na nakangisi at tinadyakan ko naman yung paa niya. "Ow. Nakalimutan ko yung usapan natin. Gusto mo ituloy natin mamaya? Dun tayo sa may hallway para walang makakita pag napatay na kita huh?" bulong ko sa kanya pero di padin na tatanggal ung ngisi sa labi niya. Inirapan ko naman siya at dumeretso na sa upuan ko. Nakita ko naman na doon si kulangot kyle at nakaupo na sa tabi namin ni marie. Bigla naman akong kinindatan ng tatlong bruha at parang sinasabing madami ka pang ikekwento samin. Inirapan ko naman sila at natulog na sa may desk ko...

Angel of the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon