Chapter 7 Deal? or nuh?

30 1 1
                                    

Kyle's  imaginary photo bago siya mag pa gupit. =}}}}

Third Person's POV

2:00 pm na ng magising si Angel, wala kaseng nag tatangkang manggising sa kanya lalo na't alam nila na wala namang dahilan para gisingin siya.

Pagkagising na pagkagising niya, tinignan niya ang iphone niya para malaman kung anong oras na pero di iyon ang umagaw ng pansin niya. Nakita niya ang 5 msgs na galing sa iisang tao lang. Inopen niya isa isa ang mga text at merong unregistered number ang nakita niya. Bigla namang kumunot ang noo niya.

Fr:09**********

Angel wala ka bang iuutos sakin ngayon?

Sa pag basa niya non, nalaman niyang isang tao ang nagtext sa kanya. Walang iba kundi ang nag iisa niyang SLAVE.

~

Angel's POV

Binuksan ko pa yung ibang msgs at merong mga nakalagay na

Angel gising kana ba?

Ah Angel, salamat talaga sa condong binigay mo.

Psst Angel?

Tulog ka pa ba?

At yan ang mga texts na nanggaling kay 09******* at dahil sa tinatamad mag reply, di ko na lang pinansin. Nilapag ko ang iphone ko at pumunta ng banyo. Doon nag magic ako. At humarap ako sa salamin, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at saka lumabas.

Pababa na ako sa may hagdan ng marinig ko ang boses ng tatlong bruha mula sa kusina . Aba siyempre sa laki ng bahay ko nag eecho na ang mga boses nila. Ang aga aga nang bubulabog ang mga to. Pumunta ako sa kusina at di ako nag kamali na nandon nfga sila. "Anong ginagawa niyo dito sa pamamahay ko?" sabi ko sa kanila at sabay sabay naman silang napalingon sa akin. Aba dapat lang. "Grabe ka naman babes. Di mo man lang ba kami iwewelcome?" sabi ni marie. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. At binigyan sila ng isang sino-ba-kayo-look? Sabay sabay naman silang nag pout kaya pinag nbato ko sila ng tsinelas. Nakaiwas naman sila agad kaya di sila tinamaan. "Wag nga kayo mag ganyan sa harap ko. Nakakasira ng umaga" sabi ko sa kanila at nag tungo sa may mesa at nagstart kumain. "Umaga ka jan? 2 pm na babes kanina pa kami dito. Matapos ka naming antayin ng 2 oras ganyan yung bungad mo samin" sabi naman ni Camille. Umirap lang ako sa kanila. "Eh sino ba kasi may sabi sa inyo na antayin niyo ko? " pag mamataray ko sa kanila. "W-wala. BTW babe. Sorry nga pala kasi di kami nakapunta kahapon. Nag kataon kasing busy kaming tatlo." sabi ni marie. Iniraan ko naman sila. Alam kong naintindihan na nila ang ibig kong sabihin na wala akong pake. "Pero gel, nabalitaan namin yung palabas mo kahapon sa mall. Grabe ka talaga. Kwento mo naman saminyung whole details" dugtong ni marie. "SANDALI NGA. DI BA PWEDENG DI NIYO MUNA AKO KAUSAPIN? KITA NIYONG KUMAKAIN PA KO EH!" Sigaw ko sa kanila. Agad naman silang napatikom ng bibig nila. Hushhhh kasura ang mga toh. Nag punta lang dito para makipag daldalan? Ayus ah.

~

Matapos kong kumain, nag punta na kami sa may sala at tuwang tuwa naman yung tatlong bruha. Kinwento ko nasa kanila yung nangyare kahapon. Nung umpisa bawat kwento ko may tanong sila na isisingit kaya nung nainis ako, sinabi ko na magtanong na lang kayo? Tas kayo na bahalang sumagot sa sarili niyo. Nanahimik naman sila. Kinwento ko na din sa kanila yung tungkol sa pag tulong ko kay kyle. Ah ehem. Di ko siya tinulungan. Ah-eh sadyang namomroblema lang ako kung pano iwaldas ang condo saka pera. Pero DI KO SIYA TINULUNGAN. matapos kong magkwento, pinauwi ko na sila. Panggulo lang sila dito.

Ng makauwi sila, umakyat na ko sa may kwarto ko at maliligo na ko. Di ko na idedetalye sa inyo yung pag hubad ko ng damit,short, bra, at panty dahil malamang ganon naman talaga. Alangan namang maligo ako ng nakadamit, nahiya naman ako sa sarili ko nun.

Angel of the BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon