1

0 0 0
                                    

Confuse

The person you love or the person who loves you?

Are you confuse too? Like other people who cannot choose between two person.

Between someone you love, who can't love you back or someone who loves you, whom you can't love back.

Well it's not easy to choose, kelan ba naging madali ang mamili sa dalawang tao na alam mong maaring kang masaktan at makasakit.

My name is Ashanti Canizares, I am 21 years old and currently taking bachelor of torn between two gorgeous guys. Kidding, though yeah I am really torn between two guys.

Guy number one: The Gentle Paasa

Graye Lacson.

Graye is a guy who is sweet, gentlemen, and caring. Graye is yung sinasabi nilang the almost perfect kind of guy yes.. ALMOST kasi naman dahil sa charming niyang personality maraming nahuhulog sakanya. INCLUDING ME!...

Sad right? I know. I know.

Okay yan nga yung sinasabi kong Graye is the ALMOST perfect kind of guy kasi nga.... Isa siyang dakilang paasa.

Or

umaasa lang talaga ako?

Guy number two: The Willing Mag-Paaasa

Colton Andrews

Colton is the masungit type. Yes.. You read it right masungit, well hindi naman totally masungit sadyang tahimik lang talaga siya. Colton is a guy who isn't perfect pero he's the type of guy you'll wish to have.

Now going back. Yan, yang dalawang lalake na yan ang nagpapalito saakin di ko na alam kung paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito.

Before napapa SANA ALL ako sa mga babaeng pinag aagawan pero ngayon narealize kong nakaka-STRESS pala.

"Ashanti"
"Ashanti"

And yes ayan na nag start na po sila. Sabay pa talaga silang nagpakita ngayon, at ano yang dala nila flowers? Wow.. Note the sarcasm please......

"Ano nanaman ang ginagawa niyo dito? Ang aga-aga kakaloka itong mga to.. Wala ba kayong orasan sa bahay, 5am pa lang mga boi." hindi ko mapigilang ma-stress ang aga aga, dapat tulog pa ako eh. Naman talaga.

"Flowers and pancakes," Graye
"Flowers and pandesal," Colton

Flowers and P's for morning great. But hey!, hindi naman talaga ganito ang set up ko before. My mornings aren't stressful like this before. Kung di lang talaga ako napadpad sa sitwasyon na yon, kung di lang talaga.. edi sana wala ako sa sitwasyon na ito.

"Cara bilis! Ano ba bilisan mo!" hila hila ko si Cara habang tumatakbo kami sa hallway, hello malelate na kami alangan naman magmodel pa kami dito. First day na first day late.

"Ang exagg girl ah, first day pa lang for sure like the usual introduce yourself nanaman lang yan.. Teka... Aray mababali na kamay ko ah loka to.." sabi ni Cara habang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Manahimik ka kasalanan mo to. Ang bagal bagal mo kasi."

Malapit na nakikita ko na ang pintuan ng room 304...

What?....

Bakit kaunti pa lang ang tao.. Anong oras na na. Tiningnan ko ang relo ko 9:05 na bakit...

"Oh anong sabi ko sayo? Girl exagg ka kasi eh di ka pa nasanay 3rd year college na tayo di mo pa din alam patakaran. Halika na nga" hinila na ako papasok ni Cara sa loob. Magka-klase kami ngayon sa isang subject.Naupo kami sa may bandang gitna dahil di naman daw kami sobrang talino para maupo sa harap at lalong hindi kami sobrang pasaway para maupo sa likod. Daming alam.

Akala ko ang first day ko magging hindi memorable pero nang makarinig ako ng tilian ng mga babae alam kong ayan na siya. Dadaan na ang prince charming ko..

"OMG!"
"SI GRAYE!"
"ANDIYAN NA SI GRAYE"
"TABI, DADAAN ANG ASAWA KO!"

Prince charming ko yan. Akin lang si GRAYE mga bruhang to.

"Hey Hon" sabi ni Graye

"Ay uwian na girl may nanalo na." narinig kong sabi ni Stephan, pangalang ang lakas maka-gwapo kaya lang binibini ang nagmamay-ari.

"Oh stop na may nag-uwi na ng korona"
"Sayang"
"Di bale bagay namn sila ni Hannah"

Napairap ako sa narinig ko.... Oo HANNAH! yun lang naman ang pangalan ng girlfriend ni Graye.

Prince charming ko siya.. Oo. At akin din siya.. Oo.

Sa panaginip nga lang.

Tuwing naaalala ko ang panahon na yun naa-alala ko na tahimik lang naman ang buhay ko noon, nung hindi pa nila ako ginugulo. At nung wala pa sila sa mundo ko.

Caught In The Middle (on-going)Where stories live. Discover now