Party
Tinititigan ko lang ang taong nakabunggo saakin. He's here, Colton is here.
"Ash tara na" napatingin ako kay Cara dahil bigla nalang niya akong hinili habang naglalakad kami lumingon ulit ako kung nasaan si Colton at nagulat ako nang tumitingin pa din pala siya saakin.
"Ano ba yan Ash bakit ka nakikipagtitigan sa bebe ko?" kunwaring naiinis na tanong ni Cara, napatingin lang ako kay Cara, hindi pa din ako makapaniwala na after that incident sa Cr ng school dito ulit kami magkikita.
"Hey guys," napatingin ako sa nagsalita and to my surprised, it's Vin, ibang-iba ang itsura niya ngayon, malayong malayo sa usual look niya. He's wearing a plain white shirt na pinatungan niya ng black leather jacket and a black pants hindi din siya nakasuot ng glasses.
"Arvin?" paninigurado ko
"Yes Ash it's me, Vin." natatawa niyang sagot habang tinuturo turo pa ang sarili
Hindi pa man nakaka upo si Vin may kung sino sino nang lumalapit sakanya para bumati, some are even from our school na hindi ko akalaing kilala niya, and ang mga girls babatiin nila si Vin then they will kiss his cheeks, nakatitig lang ako sa kanila at hindi ko mapigilang mamanghanga sa nakikita ko.
"So anong gusto niyong inumin? Kukuha ako" tanong ni Vin saamin ni Cara
"Tequilla" sabi ni Cara
"Mojito" sagot ko at tiningnan ako ng masama ni Cara
"What? I don't wanna get drunk, para naman there's at least one person who is sober enough to drive diba?." sagot ko kay Cara na inirapan lang ako.
11pm mas lalong naging wild ang mga tao, nakaka dagdag pa sa energy nila ang mga hype music played by a DJ. Cara is on the dance floor already maging si Arvin ay nandoon na din at may kasayaw na dalawang babae na hindi ko alam kung saan niya nakilala while me, nandito lang sa isang tabi at pinapanood sila. I don't hate parties pero hindi ko din naman ganoon kagusto, and besides kapag umalis ako dito baka mawala sa paningin ko ang dalawang kaibigan ko ano pa ang mangyari.
I was alone and quiet for a minute or so nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Why are you alone?" napatingin ako sa nagsalita it was Colton. Tinititigan ko lang siya hindi alam kung anong dapat sabihin.
"So..." pag uulit niya
"Uh... Binabantayan ko mga kaibigan ko." sabi ko hindi sigurado kung tama ba ang sinagot ko
"How come a beautiful lady like you is a babysitter? Hmmm."
"So you're a gardener." sabi ko sakanya while rolling my eyes.
"A gardener?" tanong niya na tila na-a-amuse sa sinabi ko
"You're a gardener, because of your flowery tongue." marrin kong sabi sakaniya
"I like you."
"Yeah.. I like myself too."
After that mahabang katahimikan ang namayani saamin. Akala ko aalis na siya kasi may lumapit sakanyang mga babae pero napatingin ako sakanya nang umupo ulit siya.
"So where are your friends?" tanong niya saakin. Sasagutin ko na sana siya nang biglang magring ang phone ko.
An alarm. 12am na, kailangan na pala namin umuwi. Tumayo na ako at aalis na sana para hanapin sila Cara nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Where are you going?" tanong niya habang hawak pa din ang kamay ko.
"To find my friends, kailangan na naming umuwi," sabi ko sakanya habang tinatanggal ang pagkaka hawak niya saakin.
Nung una tinitingnan niya lang ako nang bigla siyang may nginuso na kung ano at nung nilingon ko, there, si Cara naka-kandong paharap sa isang lalake habang naghahalikan silang dalawa not caring kung may nanonood sakanila.
"Do you really wanna disturb them?" tanong ni Colton
"Yes." sagot ko, at dire diretsong naglakad papunta kung nasaan si Cara.
"Cars halika na." sabi ko kay Cara habang hinihila siya patayo at palayo sa lalaking hindi ko kilala.
"Woah Miss, where are you taking her?" hindi ko pinansin ang lalaki at ina alalayan ko na lang si Cara na makatayo ng maayos.
Hindi pa kami nakakalayo nang pigilan ako ng kung sino at pilit na pina paharap sakanya, but before I can even lash out on him may pumigil sa kamay nung lalaki, it was Colton.
"They're with me." yun lang ang sinabi niya at hinayaan na kaming maka alis nung mga lalaki.
Tinulungan ako ni Colton na alalayan si Cara hanggang sa sasakyan, hindi na ako nag inarte dahil hindi ko naman kaya si Cara. Nung nailagay na namin ng maayos si Cara sa kotse, lumabas ako sandali para magpasalamat.
"Uh.. Thank you. You didn't have to do this pero, thank you." I sincerely told him.
Nginitian niya lang ako at umalis na siya para pumasok ulit sa loob. Bago kami umalis tinawagan ko muna si Arvin pero hindi siya sumasagot, so I just left a message na umuwi na kami.
While on the way home I kept thinking about Colton, hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako. I always thought that Colton is a harsh kind of guy because of his history with girls pero he's a bit gentle naman pala.
"Who would have thought I'll enjoy the party kahit wala naman akong ginawa, right Cars?" tanong ko kay Cara kahit alam kong hindi naman ako sasagutin nito. Napailing na lang ako sa sarili ko at nababaliw na ata ako.
YOU ARE READING
Caught In The Middle (on-going)
Teen FictionLove is wonderful, although sometimes, it is full of tricks to make it look magical.