Start
Pagkatapos ng nangyari sa bookstore nawalan na kaming ganang gumala, kaya napag desisyonan naming tatlo na umuwi na lang.
"Mag-ingat kayo pauwi," sabi ko sa dalawa nang maihatid na nila ako pauwi.
"Oh ija ang aga niyo ata" sabi ni mama nang maabutan ko siyang nanonood ng palabas sa sala.
"Tinamad na kaming gumala ma." sabi ko habang paakyat sa hagdanan.
Pagkapasok ko sa kwarto nagpapalit ako ng damit ng biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Cara.
"Hello?" Cars?" tiningnan ko muna kung nakapatay na ba ang tawag hindi pa naman
"Hello Ash, sleepover tayo!" sabi ni Cara habang tumitili. Problema nito?
"Hello Ash? ano sleepover tayo ah, nakaready na kami Vin, ikaw na lang inaantay namin susunduin ka namin"
"Ano bang sleepover sinasabi mo? Hindi ako papayagan ni mama" sagot ko kay Cara, napahilot ako sa nuo ko dahil naiistress ako, kakauwi ko lang papaalisin nanaman ako.
"Nasa labas na kami ng gate niyo" si Vin na ang nagsalita.
"Ashanti yung mga kaibigan mo nasa labas, bumaba ka nga." sigaw ni mama galing sa baba.
Patakbo na akong bumaba sa hagdan dahil mahirap na baka kung ano ano nanaman ang sabihin nila kay mama. Ang kukulit talaga.
"May sleepover daw kayo?" tanong ni mama saakin habang nakataas ang isang kilay niya. Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi nila Cara.
"Uh.. Ma kasi.." hindi ko alam ang isasagot kay mama, habang nakatitig si mama at nag aantay ng sagot ko, tinitingnan ko sila Cara at Vin ng masama, at ang dalawa tinatawanan lang ako, mga loka loka.
"Kayong tatlo lang ba?" tanong bigla ni mama.
"Yes tita wag po kayong mag-alala kami lang pong tatlo." sabi ni Cara
"Osiya siya sige, papayagan na kitang mag sleepover, pero.. Sleepover lang Ashanti Canizares naiintindihan mo?" tanong ni mama habang tinitingnan ako mg mariin.
"Opo ma, magre ready lang ako ng gamit ko." sabi ko habang tinatakbo na ang hagdanan baka magbago pa ang isip ni mama eh.
"Tulungan ko lang po si Ash tita," narinig kong sabi ni Cara kay mama.
Habang hinahanda ko ang bag pumasok si Cara sa kwarto ko sabay diretso sa cabinet ko.
"Ano nanaman ang kinakalkal mo dyan?" tanong ko habang kinukuha sa Cr ang mga kailangan kong pang freshen up pati mga toothbrush.
"Damit malamang, ano ba nakalagay sa cabinet, alangan naman pagkain." pamimilosopo ni Cara, inirapan ko na lang siya, ang galing galing sumagot eh.
"Nahanap ko na." sabi ni Cara habang pinapakita saakin ang isang lacy black dress na kita ang likod. Regalo yan saakin ni mama nung bago matapos ang school year.
"Ano yan Cars bagong uri ng pang tulog?" sarkastikong tanong ko kay Cara
"Shunga!, oh ilagay mo yan diyan sa bag mo" sabi niya habang pilit na nilalagay yung dress.
"Tara na nga, baka kung ano pa paglalagayin mo sa bag ko." inirapan lang ako ng bruha at bumaba na ng hagdan.
"Ma aalis na po kami." paalam ko kay mama habang hinahalikan siya sa pisnge
"Bye Tita"
"Bye Tita"Habang nasa daan panay ang pindot ni Cara sa cellphone niya, may tatawagan may itetext hindi siya mapakali. Tiningnan ko si Arvin ng nagtatanong pero umiling lang siya dahil wala din siyang ideya, pero ako mukhang meron na, yang mga ganyang gestures ni Cara alam na alam ko na.
"Okay na, may party tayong pupuntahan mamaya" sabi ni Cara na nangigisi, sabi na nga ba muntik ko nang malimutan na mahilig nga pala sa party ang kaibigan kong ito.
"Sabi na nga ba may hidden agenda ang sleepover na ito."
"Party?" tanong ni Vin sabay sulyap saamin habang nagda drive.
"Yes Vin party, ito kasing si Cara mahilig magparty yan, hindi lang ulit siya nakaka-gimik kasi nga busy tayo sa school." sagot ko kay Vin habang tinuturo si Cara na busy nanaman sa cellphone niya.
"Ikaw Vin nakapag party ka na ba ever?" tanong ko sakanya
"Party? Yeah nakapag party na din ako before." sagot niya na nakapag pagulat saakin.
"See I told you Ash maglala labas ka din kasi minsan" sabi ni Cara na natatawa tawa pa. Kasalanan ko bang akala ko walang social life si Arvin eh tahimik lang siya tapos belong pa sa mga loner. Inirapan ko na lang silang dalawa.
Pagdating namin sa bahay nila Cara sinalubong kaagad kami ng mga katulong nila, kinuha nila ang mga bags na dala namin at dinala sa kwarto kung saan kami matutulog.
"The party starts at 10pm so dapat mga 8pm pa lang nag-aayos na tayo Ash, or better yet mga 7pm na lang since magdadrive pa tayo, I don't wanna be late." panimula ni Cara habang tinititigan kaming dalawa ni Arvin.
"Cars wag kang OA mga 8pm okay na yun, masyadong maaga ang 7pm."
"Fine... Manang! Paready naman po ng bath ko milk ha, I want my skin extra smooth today.. Ay Manang si Ash din pala iready niyo din yung kanya.. Thanks."
Habang panay ang utos ni Cara kay Manang naupo ako sa tabi ni Arvin na feel na feel at home dahil may juice na siyang iniinom habang nagbabasa ng magazine.
At exactly 8pm after ng milk bath namin nagstart na kami ni Cara mag ayos ng mga sarili namin, I maybe a studious type pero marunong naman ako mag make-up at mag-inarte ng kaunti.
Since mya dress is black, I make sure to make myself a natural looking make-up, though my lipstick is a red shade. Since kita ang likod ko, I put my hair in a bun na may kaunting laglag ng buhok sa gilid. The only accessory I have is a bangle and a plain looking yet elegant earing. My look for tonight is the simple yet sexy dangerous type.
While,
Cara is the smokin hot dangerous type as usual. Cara is wearing a sexy red dress na kita ang magkabilang gilid ng bewang niya even her back is showing too, and a bit of her cleavage since the sexy dress is may korteng bilog na design sa may bandang dibdib. Kung pahaba ang hikaw ko pabilog naman ang kay Cara, nakalugay siya na kulot kulot ang mga dulo ng buhok. And she partnered that with a 4inches red heels while mine is black.
Bago pa man kami makapasok sa loob may mga kakilala na kaming nakikita, bati dito, bati doon. Plastikan dito, plastikan doon. Pagpasok sa loob mapapansin mo kaagad how wild the guest are, paano ba naman 10pm pa lang yung iba eh may mga kalampungan na kaagad, some are even drunk I think.
"9pm daw nag start ang party sabi ni Tracy ang aga daw kasi ng ibang guest so sinumulan na kaagad nila kaya lasing na yung iba." sigaw ni Cara saakin since hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtog.
"Cara si Arvin?" bago kami mag-ayos kanina nagpaalam si Vin na uuwi muna siya para magpalit dahil wala daw siyang dalang extrang damit for a party like this.
"Papunta na yun, antayin na lang natin.. Come on Ash dun tayo sa sofa na yun." hila hila ako ni Cara ng biglang may nakabunggo saakin muntikan na akong matumba kung hindi lang ako naka hawak sa braso niya.
"Ano ba yan kuya mag-ingat ka naman." sabi ko sakanya habang inaayos ko ang nagusot kong damit.
"Uh.... Ash." tawag saakin ni Cara habang may nginunguso at may naaasiwang ngiti.
Nilingon ko ang taong nakabunggo saakin, na bigla kong pinagsisihan dahil ang nagbabaga niyang mga mata ang siyang sumalubong saakin.
YOU ARE READING
Caught In The Middle (on-going)
Teen FictionLove is wonderful, although sometimes, it is full of tricks to make it look magical.