ADDITIONAL INFO:LIONGO

31 1 0
                                    

▶️ Si Fumo Liyongo ay isang lider ng mga Swahili na namuhay noon sa Aprika.
▶️ Hindi tiyak kung kailan talaga siya ipinanganak ngunit malamang ito ay sa pagitan ng ika-9 at ika-13 siglo.
▶️ Sinasabing si Liongo ang kumatha sa karamihan sa mga tradisyunal na tula, kuwento at awit ng mga Swahili.
▶️ Habang nakakulong, umaawit si Liongo at tuwang-tuwa ang mga nakarinig sa kanyang mga awit, kahit hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kinakanta.
▶️ Nakitira siya sa mga taong-gubat (Wasanye at Wadahalo) - WATWA

TEMA O PAKSA NG AKDA
- Ang akda ay may kaugnayan sa temang pagkakanulo. Ipinakulong ni Sultan Ahmad (pinsan ni Liongo) si Liongo. Sa bandang wakas, si Liongo ay pinatay ng sarili niyang anak.

LAYUNIN NG AKDA
- Layunin ng akda na ipaliwanag sa mga mambabasa ang kasaysayan, kultura at mga paniniwala ng mga taga-Africa. Ang sistema ng pamumuno sa Kenya ay naisaad sa mito, pati na rin ang mga pook ay totoo.

MGA TAUHAN
- Liongo – isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya
- Mbwasho – ina ni Liongo; Siya lamang ang nakaaalam ng lihim ng kanyang anak (Liongo)
- Haring Ahmad (Hemedi) – pinsan ni Liongo; Nais niyang mawala si Liongo, kaya naman ipinakulong niya ito at ikinadena.

IDEYANG TAGLAY NG AKDA
- Minsan kahit ikaw na ang pinakamalakas, pinakamakapangyarihan, kahit bayani ka pa, may mga tao paring kagagalitan at ipagkakanulo ka. Kung minsan, ang mga malalapit pa sa buhay mo ang gagawa ng masama sayo.

Filipino Reviewer (1st-4th Quarter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon