• Anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod.
• May matatalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.TULA NG DAMDAMIN o TULANG LIRIKO
• Ito ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa.
• Maikli at payak ang uring ito ng tula.URI NG TULANG LIRIKO:
A. Pastoral
• Mula sa salitang Lati na "pastor"
• Ito'y hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol.
• Ito'y pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.Sumulat ng Tulang Pastoral: Ang mga sopistikadong alagad ng sining
Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakatao sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. paglagay ng komplikado sa simple• Sa Pilipinas, ito'y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalaga sa gawain at pamumuhay sa bukid.
B. Elehiya
• Pamamanglaw sa madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.C. Soneto
• Tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao.
• May malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao.
• Ito'y naghahatid ng aral sa mambabasa.D. Oda
• Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdanin.
• Walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
• Matayog na damdamin at kaisipan ng makata.E. Awit
• May kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan.
• Kundiman, ayon kay Jose Villa Panganiban.
- Isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan.
• Nilalapatan ng tugtugin.
• Karaniwang maikli.
• Punong-puno ng pagsamo at pagluhog ng isang sinisinta.F. Dalit
• Patungkol aa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.
• Pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal.
• Dalitsamba at dalitbansa, iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit.
• Dalitsamba - patungkol sa Diyos
• Dalitbansa - nagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.MGA ELEMENTO NG TULA
1. Sukat
• Bilang ng pantig sa bawat taludtod.2. Tugma
• Pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.3. Talinghaga
• Matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.
• Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.4. Karaktan
• Malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.
• Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula ay ang kabuuan nito.
• Kagandahan ng tula.

BINABASA MO ANG
Filipino Reviewer (1st-4th Quarter)
AcakHi guys! Para sa mga grade 10 at incoming grade 10 students po ang mga reviewer sa Filipino na ilalagay ko dito.Yung mga ilalagay ko dito is ginamit namin nung grade 10 pa kami sa mga activities namin sa Filipino.From first quarter to the final quar...