CHAPTER 1

2.6K 50 9
                                    

"Lai! Lai!" sunod-sunod na mga tawag ni Whian kay Laiza habang walang tigil ang pag-alog nito sa balikat niya.

"Hmm..." nakapikit pa rin ang mga mata niya at tulog na tulog pa rin.

"Lai, gumising ka na. May sasabihin ako sa 'yo.''

Dahan-dahang bumuka ang kanyang mga mata. "Hmm... Ikaw pala Whian,'' inaantok pang sabi niya nang magising at nakita ang nakatunghay na magandang mukha nito. "Ang aga mo naman eh! Inaantok pa ako," tinatamad niyang sabi.

"Kanina pa kaya ako nandito sa kwarto mo. Tulog mantika ka kasi kung matulog eh! Hahaha!" tumayo ito sa kama at tumunghay sa bintana ng silid niya.

Umaktong matutulog pa ulit siya.

"Oy! Lai! Ano ba! Gumising ka na!"

Nang hindi siya nagsalita pilit naman nitong hinihila ang braso niya. "Ayaw mo talagang gumising ha?" tinusok-tusok nito nang paulit-ulit ang tagiliran niya.

"Oy! Ano ba! Tigilan mo 'ko!" napaigtad siya sa ginawa nito at napaupo na lang sa kama. "Ah! Gusto mo talaga ng laro ha?'' ginantihan niya ito sa pamamagitan nang paghawak sa leeg nito kung saan weakness naman ng kanyang kaibigan.

"Oy! Itigil mo na 'yan! Tama na! Hahaha!" pagsuko nito na tawang-tawa sa ginawa niya. "Ayaw mo talagang magpatalo e, 'no?"

Kasunod naman no'n ang malalakas na tawanan nila sa isa't isa.

Ako nga pala si Laiza Dela Cruz. I'm an Architect at the same time a singer on my own band. I really love my job and passion. Ito na talaga 'yong pinapangarap namin ng Dad ko noong nabubuhay pa siya. Yes! Ako na lang mag-isa sa buhay, simula nang mamatay siya at iniwan ako ng Mama. That time, I was just eight years old pero tandang-tanda ko pa ang mga nangyari.

Flashback

It was a rainy day.

Tulog ako no'n nang bigla akong nagising sa isang malakas na boses.

"Ano ba talaga ang totoo Jean? Niloloko mo kami ng anak mo!" boses 'yun ni Dad.

"Huminahon ka Ron! Magigising ang bata! Pwede naman nating pag-usapan sa ibang lugar! H'wag dito!''

"Bakit Jean? Natatakot ka na marinig ng anak natin ang totoo?" galit na galit na sabi nito na parang maiiyak na ang boses.

"Ron, huminahon ka."

Bigla ang paghinto ng kotse sa gilid ng kalsada. Hinawakan naman nito ang magkabilang siko ng Mama paharap sa kanya. "Buntis ka diba? Buntis ka at iiwan mo na kami ng anak mo? Bakit hindi mo sabihin sa anak mo? Ha? Hindi ka na nahiya!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Papa.

Napaiyak na rin ako. Hindi ko alam ang mga nangyayari. "Mommy..." bigla akong niyakap ni Mama.

"Tumahimik ka na diyan Ron! Napakamakasarili mo! Hindi ka na nahiya sa anak mo!" matalim ang mga tingin ni Mama kay Papa.

"Ikaw ang makasarili! Ikaw ang walang hiya Jean!" malakas na sigaw nito at hahampasin na sana nito ang mukha ni Mama nang biglang may paparating na truck at papunta sa kanilang gawi iyon.

End of flashback

''Lai, are you okay?" nagtatakang tanong ni Whian na hinawakan ang balikat niya.

Biglang napukaw ang kanyang atensyon. "Yes! Siya nga pala, ano pala 'yung sasabihin mo?"

"Magugulat ka sa sasabihin ko! Gosh!" kinikilig na sabi nito.

"Ano ba 'yun?" tanong niya habang inaayos na ang higaan.

Tumingin ito sa kisame na parang malalim ang iniisip saka nabalik ang mga tingin sa kanya. "Niyaya ako ni Michael ng date!" masaya at diretsahang sabi nito.

Take My Rainbow HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon