Chapter 1

1 0 0
                                    

Tina

"Tina bumaba ka na dyan mag aalas syete na malelate ka na sa klase mo!"

"Opo,Ma!"

Dali dali ko namang inayos ang necktie ko at lumabas na ng kwarto...

Grabe naman to si Mama,alas otso emedya pa magsisimula yung klase namin kung makasabi na malelate nako parang alas nuwebe na ah.

"Oh señorita,eto na ang almusal kamahalan."

Natawa nalang ako sa biro ni Mama at umupo na sa bakanteng upuan sa harapan niya...

"Ang sarap neto,ah."

Tortang talong ang nakahain sa harap namin,tamang tama dahil paborito ko to at kanina pa kumukulo ang tiyan ko...

"Syempre,Masarap talaga magluto ang chef ni kamahalan."

Napabusangot nalang ako at kumuha ng tortang talong at naghain ng kanin sa plato ko...

"Nga pala papasok nako sa trabaho malelate na ko e...ubusin mo yang hinanda ko ah."

"Kumain ka kaya muna Ma."

Pinagmasdan ko lang siyang dali daling tumayo at hinalikan ako sa pisngi at kinuha yung bag niya.

"Sa trabaho nako kakain,Tinang...May almusal naman dun e.."sabi niya habang dali dali ng lumabas sa pinto. "...sige na lalakad nako yung baon mo wag mong kakalimutan!"bilin niya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako at dali daling kumain...

Sana totoo talagang may almusal dun.Ayoko pa namang nagugutom yun...

Todo kayod talaga si Mama para makapag-aral ako,at pangako ko sa kaniyang makakapagtapos ako ng may award syempre!Para kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa paghihirap niya...

At kapag nakatapos nako at grumaduate nako at matupad ko na ang pangarap kong maging piloto,Makakapagpahinga na si Mama at hindi na niya kailangan mag trabaho!

Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko at pumunta sa lababo para mahugasan na ang pinagkainan ko...

Planadong planado na ang future ko ah!Sisikapin kong totohanin ang mga yun kasi para sakin tayo ang gagawa ng kinabukasan natin!

napangiti nalang ako habang nilagay sa lalagyan ang mga pinagkainan ko matapos ko tong hugasan...

Grabe,4th year high school pako pero buo na ang mga plano ko sa hinaharap.

Pero mas mabuti na rin yun diba!It's better to be advance than sorry...hehe

Matapos kong mag tooth brush ay kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng bahay at nilock yun...

Grabe ang init sa labas kahit mag aalas syete pa!

Agad naman akong pumara ng may maaninag akong tricycle at huminto naman ito sa harapan ko.

"Sa **** University po,kuya"

Agad naman akong sumakay sa likod.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harap na kami ng Unibersidad na pinapasukan ko...

Agad naman akong bumaba at inabot ang bayad ko kay kuya at nagpasalamat.

As usual ang aga-aga ko pa nga...Alas syete pa ng tingnan ko ang relo ko.Si mama kasi e...

"Tierraaaaa!"

Agad naman akong napalingon sa likuran ko at sumalubong sakin si Evangelyn...my bestfriend.

Her other sideWhere stories live. Discover now