PROLOGUE

2K 64 16
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa mansiyon ng mga Santiago. Tamang-tama ang araw na ito dahil nabalitaan kong may okasyon sa mansiyon nila.

Bumuntong-hininga ako ng bumaba ako sa taxi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngunit nilalabanan ko ang takot. Hindi ako makakapayag na baliwalain lang ni John Hency pagkatapos kong ibigay ang sarili ko sa kanya itatapon lang niya akong na parang basura.

Lumapit ako sa security guard na abala sa pagcheck ng invitation card sa mga kotseng pumapasok. Nang pumasok ako ay hinarang ako ng security guard.

"Miss, patingin ng invitation," tanong niya sa'kin.

"Inabot ko sa kanya ang invitation card na pinagawa ko."

"Bakit ganito ang kulay?"tanong ng security guard.

Umarko ang kilay ko. "Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo sa nagbigay ng invitation card." Pagtataray ko.

Nakarinig kami ng busina ng kotse kaya natuon ang pansin ng security guard kaya nagmadali akong pumasok sa loob.

Agad kong hinanap si John Hency upang ipahiya sa maraming tao. Kuyom ang kamao ko nang makita ko siyang may kasamang ibang babae.

"Fuck! Cheater"

Nagmamadali akong lumapit sa kanila. "Babe! Babe!" sigaw ko.

Lumingon naman ito ngunit sumimangot nang makita ako.

"Ikaw naman?" sabi nito.

"Oo, ako naman, walang hiya ka!" sasampalin ko sana siya pero pinigilan ako ng babaing kasama.

"Subukan mo'ng sampalin ang boyfriend ko manghihiram ka ng mukha sa aso," galit na sabi ng babae.

"Fuck! Boyfriend ko siya!" sigaw ko.

Dahilan para maagaw namin ang pansin ng mga tao roon.

"Where is Harvey? Nagwawala ang girlfriend niya," narinig kong sabi ng bagong girlfriend ni John Hency

"Anong nangyayari rito?"tanong ng matangdang babae.

"Mom, she's the girlfriend of my Twin brother," sabad ni John Hency

"Siya po ang boyfriend ko!"

Nagulat ako nang may humila sa'kin.

"Stop it Audrey Mendez!" Nanlaki ang mata ko nag makita ko ang lalaking kaharap ko pagkatapo nilingon ang boyfriend ko. Magka-mukha silang dalawa na halos walang pagkakaiba.

"I'm your boyfriend, John Harvey Santiago, I'm sorry, if I used my twin brother's name."

"Kambal sila."

Kinain ko ang lahat ng hiya ko para habulin ang lalaking inaakala kong boyfriend na akala ko niloko ako. Iyon pala ibang lalaki siya.

"Damn it!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fake Boyfriend (Third Generation series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon