CHAPTER 2:

9 1 0
                                    

Pinilit kong tumakbo, nakakatakbo ako ngunit mabagal lamang dahil naginginig ako. Hindi ko maiwasan matrauma dahil sa putok ng baril.

Takbo lang ako ng takbo, bahala na kung saan ko dadalhin ng paa ko.

Ngunit bakit ako dinala ng paa ko sa taong ito. Natauhan ako pero hingal na hingal. Inilahad niya ang kamay niya, ngunit hindi ko ito inabot at tumayo kahit nahihirapan ako. Ibinaba naman niya ang kamay niya atsaka binangga ako, kaya natumba ule ako.

"Sorry." Nanlalamig netong tugon. At inilahad ule ang kamay, sa puntong iyon ay inabot ko na ang kamay niya. Nakatayo na ako ng napansin kong nagkasugat ako dahil pagkakatumba ko.

Pero nagulat ako ng bigla niyang buhatin.

"Ibaba mo'ko! Hindi mo'ko kailangan buhatin, kaya ibaba mo'ko!" Ani ko, nagulat naman ako ng bitawan niya talaga ko, kaya ang kaninang sugat lang sa tuhod at nadagdagan pa dahil biglang sumakit ang pwet ko.

"ARAY KO!!" tugon ko, ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Hoy tutube, saan ka pupunta. Tulungan mo'ko dito, ang sakit ng pwet ko. Bat mo naman ako binitawan!" Tugon ko at tinignan ang kamay kong madumi, ngunit hindi ito nagpatinag patuloy paren siya sa paglalakad.

"Hoy ano ba, gago ka ba ha?" Tugon ko, at hindi ko inaasahang tumigil siya at naglakad papabalik sa pwesto ko.

Nanlaki naman ang mata ko at kinabahan. Pumikt nalang ako dahil sobrang papalapit na siya, di ko alam kung anong gagaw----,

Tila ba naging magaan ang pakiramdam ko kaya dinilat ko ang mata ko at napaatras ako ng makita ko ng malapitan ang mukha ng nagiisang Spencer, diretso lang ang tingin niya at hindi man lang nagsasalita.

Ilang minutong tahimik ang aming paligid.

"Anong room number mo?" Nabasag ang katahimikan ng bigla siyang magtanong.

"Ah h'wag na kahit sa tapat ng bldng mo nalang ako ibaba." Tugon ko.

Sa tapat na kami ng bldng ngunit hindi niya paren ako ibinababa.

"Ibaba mo na'ko dito." Tugon ko.

"Ihahatid na kita sa room mo!" Tugon pa neto.

"H'wag na, hindi naman mo ako kailangan tulungan." Tugon ko.

Nagulat ako ng bigla niya kong titigan, hindi ako sanay sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako napofall. "Hindi kita tinutulungan, kagagawan ko kung bakit ka napilay." Tugon pa niya.

"Hindi, ayos lang naman. Kaya ibab----,"

"Spencer!" Parehas kaming napalingon sa tumawag sakanya.

"Ay sorry," Nagulat siya ng makita niya kaming dalawa, hindi ko alam pero may nakikita akong inggit sa mga mata niya.

"Ah, kase kailangan ka na namin, kaya kung pwede lang paakyatin mo nalang siya magisa." Tugon pa nito.

Kaya kusa na akong umalis sa pagkakabuhat sa akin ni spencer at humawak sa gilid ng hagdanan.

"Mauna na'ko, salamat nalang." Tugon ko at ngumiti.

"Oh sige, tara na Nicole." Tugon ni Spencer.

Dahan dahan akong umakyat ng makasalubong ko si sian, kaya agad niya kong binuhat.

"Anong nangyare sayo? Kanina pa kita hinahanap." Tanong ni sian. 

"Ah nadapa ako, ang sakit nga eh." Tugon ko.

"Talaga? Ang lampa mo talaga." Pangaasar ni sian kaya tumawa nalang ako, mabuti at nakasalubong ko siya kung hindi ay matutuloyan na'kong hindi makakalakad dahil pang 7th floor pa ang dorm ko.

Nang makarating na kami sa harap ng dorm ay naabutan naming bukas ang pinto, at nandoon sila Summy, Irene, Trina at missha, tatlo kase ang double deck. Kaya lang ay kulang pa ng isa.

"Oh anong nangyare sayo?" Tanong ni trina ng ibaba na ako ng sian, at siya naman ang umalalay. Tinulungan niya akong makaupo sa kama ko.

"Mabuti nalang at hindi sa taas ang kama mo." Sambit ni summy habang nagbabasa ng libro.

Ngunit hindi nalang namin ito pinanasin.

"Sige sian, pwede ka nang pumunta sa dorm mo." Tugon ko 

"Ayoko, babantayan kita." Sambit pa neto.

"Hoy lalake? Nasa tapat lang ang dorm niyo, pwede ba girls time muna, lagi ka nalang nakadikit sa bestfriend ko." Pagtataray ni trina.

"Hoy babae, kaibigan ko rin siya. H'wag kang assumera! Pangit mo." Tugon ni sian, kaya hinampas naman siya ni trina.

"Sige na sian, ayos na'ko! Salamat." Tugon ko, kaya lumbas na siya ng pinto.

"May gusto ba sayo yan? Halatang halata eh." Tugon ni trina.

"Ano kaba, kaibigan ko lang yan. Sabay sabay tayong lumaki kaya kaibigan lang ang turing sakin niyan." Tugon ko pa.

"Osha, inaantok na'ko. Sobrang sakit ng katawan ko." Sambit ko atsaka humiga.

Hindi ko paren makalimutan kung sino ba sa buhay niya ang babaeng tumawag sakanya kanina, nicole ang pangalan niya.

'KINAUMAGAHAN'

Nagising ako dahil sa sobrang sikat ng araw. Nakita ko naman kung anong oras na kaya dali dali akong kumilos at nagbihis.

After 30 Minutes, natapos na'kong magayos. Kaya bumaba na'ko para pumasok, hindi paren ako makalakad ng maayos pero mas okey na ngayon kesa kahapon.

Papunta ako sa cafeteria dahil bigla akong nakaramdam ng gutom, napatigil ako sa paglalakad nang bigla kong makita sa di kalayuan si Spencer at Nicole. Hindi ko alam kung baket may nararamdaman akong sakit at kirot sa dibdib ko, hindi ko ren alam kung bakit unti unting tumutulo ang mga luha ko papunta sa aking pisnge.

'Trina Point Of View'

Naglalakad kami papunta cafeteria dahil inanounce na walang guro kaya kakain na lamang kami, nang bigla naming makita si Bria ng nakatayo lamang at para bang may tinitignan at para bang... Para bang umi... Umiiyak?
Kaya tumakbo ako papunta dito at tama akong umiiyak nga siya, tulala siya at umiiyak. Pero dahil kanino? Kaya sinundan ko ang tinitignan niya, at nakita ko si Spencer? Si Spencer?

Tinapik ko siya, ngunit para bang manhid na siya. Kaya hinarap ko siya patalikod ngunit nagulat ako ng humagulgol lamang ito at napaupo.

Inangat ko ang ulo niya, tinatapik ang mukha. Kaya bigla na siyang tumahimik at tumayo, tinignan niya ang paligid at nagtatakang pinunasan ang mga luha.

KILLER SCHOOL (Incomplete)Where stories live. Discover now