Hinaing ng Unan

2 0 0
                                    

Hindi lang naman buwan
Ang lilisan pagdating ng araw
Kundi pati rin ikaw
Sasamahan mo ko sa malamig na gabi
Minsan yakap , minsan ay nasa tabi
Ipaparamdam ko sayo ang komportable
Para sa pagtulog ay may ngiti ka sa labi
Sa umaga ay bigla kang mawawala
Lilisan na parang bula
Lalapit lamang sa akin pag ikaw ay pagod
Yayakap lang sa akin pag gustong makatulog
Huwag na
Huwag mo na akong yakapin
Kung ang sasaluhin kong luha ay di para sa akin
Huwag mo na akong gawing pahinga
Kung napapagod ka sa iba
Huwag mo na akong hanapin sa gabi
Kung hindi naman ako ang nais mong makatabi
Tama na,
Isa lang naman akong hamak na unan
Na pagdating ng araw ay iyong iiwan.

Mga HinaingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon