Hinaing ng Duyan

2 0 0
                                    

Tama na sa pag ugoy ng duyan
Kung pagkatapos nito ay ako'y iyong iiwan.
Sa una ay palagi niyo akong pinagaagawan
Minsan pa'y sabay akong sinasakyan
Sa huli ay bigla na lang lilisan
Wag ka na sakin magpahinga
Kung hindi ka naman sakin nagpapakapagod
Wag ka na sakin magliwaliw
Kung di ka naman sa akin naaaliw
Nakakapagod ng itulak mo palayo
Porket alam mo,
Na babalik at babalik ako sayo.
Kaya parang awa mo na
Kung ako ang dahilan ng iyong pagkahilo
Itigil mo na ang pag ugoy mo.

Mga HinaingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon