Korosu High

168 6 0
                                    

Auriel

"Mistress, nandito na po tayo."
          Bahagya kong inkinagulat ang biglang pagsasalita ng family driver namin na si Manong Danny. Mula sa bintana, sinilip ko ang lugar na tinutukoy ng matanda. Isang napakataas at matibay na pader ang bumungad sa akin na nakapagpadagdag sa kuryosidad na kanina ko pa nararamdaman. Bago kasi marating ang bakod, masukal na kagubatan muna ang dinaanan namin.
          Mayamaya pa, pinagbuksan kami ng isang unipormadong lalaki na mukhang sundalo.
          "Registration form," narinig kong sabi niya mula sa labas ng bintana.
          Marahan kong ibinaba ang bintanang salamin at iniabot sa kanya ang hinihingi niya. Nang matiyak ang mga impormasyon sa kapirasong papel, agad niya iyong binalik nang hindi umimik. Sinenyasan ng lalaki ang kasama sa loob para buksan ang gate. Mabilis na pinaandar papasok ni Manong Danny ang sasaktan. Gubat na naman ang sumalubong sa amin.
          "Manong Danny, may alam po ba kayo tungkol sa ideyang ito ng mga magulang ko?" hindi ko mapigilang tanong bago sinulyapan ng matandang driver mula sa rearview mirro. "Balak ba nila akong pag-aralin sa isang military school?"
          Muntik pa siyang matawa. "Naku, Mistress, wala ho silang naikuwento sa akin. Ang alam ko lang ho ay gusto nilang ihatid ko kayo rito," nakangiti niyang sagot habang nakatuon ang atensiyon sa daan.
          Sampung taon nang nagmamaneho si Manong Danny para sa pamilya namin at malapit siya sa mga magulang ko kaya ang akala ko ay may nabanggit sila sa kanya tungkol doon.
          Ibinalik ko ang tingin sa gubat. Ano kaya ang pumasok sa isip nina Mama? Hindi rin malinaw ang ibinigay nilang paliwanag tungkol sa eskuwelahang gusto nila para sa akin. Ang alam ko lang, mananatili ako roon hanggang sa makapagtapos ng high school. Hindi ko naman magawang umapela. Ni minsan kasi ay wala pa akong sinuway sa kahit anong kagusuthan nila.
          Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa isa na namang gate. Inihatid ni Manong Danny ang mga gamit ko sa dorm. Dumeretso naman ako sa classroom kung saan gaganapin ang orientation ng mga bagong estudante.
          "Newcomer," narinig kong bulong ng isa sa mga nadaanan ko sa kasama niya habang nakatingin sa akin.
          "Mukhang maraming bago ngayon."
          "Mukha nga."
          Nakakalokong ngiti ang ibinigay nila sa akin.
          Napahinto ako sa harap ng pinto ng classroom dahil sa kakaibang pagtitig ng mga estudyanteng nasa paligid. Halos lahat din ng mga nakasalubong ko kanina ay puro ngisi at matatalim ng tingin ang ibinato sa akin.
          "The students here are really unwelcoming," sabi ko bago pumasok sa loob ng classroom.
          Sandaling natuon sa akin ang atensiyon ng mga nasa loob pero agad din nila akong binale-wala. Itinuloy na lang nila ang ginagawa kanina bago pa ako dumating. Dahil doon, hindi ako mapalagay.
          Napailing nalang ako bago naghanap ng bakanteng upuan. Hindi na nila ako muling tinapunan ng tingin at malaya na akong nakakilos. Napili kong umupo sa likuran. Sanay akong mapag-isa at hindi gaanong nagsasalita. Wala talaga akong hilig sa pakikipag-usap.
          "Hi. I'm Eunice," bati ng babaeng nakaupo ilang silya ang layo sa akin.
          Tinanguan ko lang siya, saka nag-iwas ng tingin.
          "Bago ka lang din, 'no?" dagdag pa niya. "Ano'ng dahilan kung bakit nandito ka? Alam mo ba ang pinapasok mo?"
          Muli akong napatingin sa kanya nang may halong pagtataka. Hindi kasi iyon mga tanong na pangkaraniwang naririnig sa unang araw ng klase.
          "Ako kasi, mukhang napagod na ang mga magulang ko sa kabaliwan ko kaya ipinatapon nila ako rito," nakangisi niyang dugtong
          Ipinatapon?
          Kanina pa ako hindi mapalagay. Pero ngayon, talagang hindi na ako mapakali. Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan para lumabas nang may lalaking pumasok at dumeretso sa mesa sa harap.
          "Please settle down and remain seated. Mahaba-habang oras din tayong magkakasama." nakangiti niyang bungad.
          Wala akong nagawa kundi ang umupo uli. Ibinaling na ng babaeng kumausap sa akin kanina ang atensiyon niya sa lalaking kakatapos lang magsalita.
          "Welcome to Korosu High. Kakaibang pangalan, 'no? Ang totoo kasi niyan, mahilig si Madam Principal sa anime kaya ganyan ang pangalan ng mahal nating eskuwelahan," paliwanag niya na malakas pang tumawa.
          Halos mabingi naman kami dahil sa pagtikhim ng kung sino mula sa speaker na nasa loob pala ng classroom--boses ng isang babae.
          "At muntik ko nang makalimutan na kasama nga pala natin siya. Everyone, say 'hi to our beloved principal." Kumaway ang lalaki sa isang camera na noon ko lang din napansin.
          Nilingon ko ang bawat sulok ng kuwarto. Sinong tao ang maglalagay ng higit sa sampung camera sa loob lang ng isang maliit na kuwarto?
          "Anyway, I'm Stephan Sebastian, sergeant at arms ng student council. Natalo ako sa jack en poy kaya ako ang nasa harap n'yo ngayon."
          Jack en poy?
          Hindi lang ako ang nagulat sa sinabi niya. Umugong ang bulungan. The guy in front of us was very peculiar. Parang hindi na naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ba siya napapagod ngumiti?
          "Nasaan na nga ba ako?" wala sa sariling sabi ng tatawa-tawang si Stephan.
          "This is total waste of time! Listening to you is nonsense!" Akmang aalis na ang isang lalaki sa kinauupuan niya nang may kung anong bagay ang mabilis na dumaan sa harap niya at tumama sa manggas ng kanyang uniporme. Nagawa siyang ipako ng bagay na iyon sa kinapupuwestuhan niya.
          Natigilan ang lahat. Ang bagay na nagpako sa lalaki sa puwesto nito ay isang ball pen! Halos hindi na siya gumalaw at umupo na lang dahil sa takot.
          Hindi ako nag-iisa. Halatang lahat ng nasa kuwarto ay nagsimula nang makaramdam ng kakaibang kikabot at matinding panlalamig.
          The way Stephan looked now was very far from how he looked awhile ago. Parang ibang tao na ang nasa harap namin. Nababalutan na siya ng madilim na aura.
          "Walang lalabas hangga't wala akong sinasabi!" Wala na ang nakangiting ekspresyon sa mukha ni Stephan, napalitan iyon ng mga matang nanlilisik na nakatuon sa lalaking tatayo pa sana. "If you move an inch from where you are, lalamunan mo na ang susunod na tatamaan ng ball pen na hawak ko!"
          Napahawak ako sa sariling lalamunan kahit hindi naman para sa akin ang mga sinabi niya.
         

K-HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon