Auriel
"Mabuti at buhay ka pa, Miss Auriel Fortalejo," salubong ng babaeng hindi ko kilala bago niya markahan ng tsek ang pangalan ko na nakasulat sa hawak niyang organizer.
Hingal na hingal man, ipinagpasalamat ko na sa wakas ay narating ko ang building na tinutukoy sa mapa nang humihingi pa.
"Mali, malapit ka na palang mamatay." Napansin niya anf walang tigil na pagdurugo ng sugat sa leeg ko. "Gusto mo ng first aid?"
Tango na lang ang isinagot ko.
Panandalian nawala ang babae. Pagbalik ay may dala na siyang kahon na iniabot sa akin. "May bote diyan na may katas ng dahon ng mayana. Patakan mo lang ang sugat mo n'on bago mo lagyan ng Band-Aid o bulak. Sa dorm hall mo na iyan gawin. May announcement ako," walang anumang sabi niya bago nawala sa paningin ko.
Mabigat ang mga paa na pumunta ako sa dorm hall na tinutukoy ng babae. Iyon ang pinakasentro ng apat na palapag na building kung nasaan ako. Para iyong mansiyon sa laki. Nadatnan ko ang mga estudyante na naghihintay roon. Nakatayo ang iba, ang ilan ay kontentong nakaupo sa sahig. Masaya silang nagkukuwentuhan. Simula kanina, ito pa lang ang pinakanormal na sitwasyong nasaksihan ko.
Naupo ako sa isang bakanteng silya na malayo sa karamihan at sinimulang gamutin ang sugat ko. Ang alam ko, hindi naman ganoon kalaki ang hiwa sa leeg ko, pero bakit ganito karaming dugo ang umagos? Halos magkulay-pula na nga ang kuwelyo ng suto kong uniporme. Siniguro kong tumigil na ang pagdurugo ng sugat bago iyon nilapatan ng Band-Aid.
"Kompleto na ba ang mga bago?" tawag ng isang babae sa atensiyon ng lahat. Siya ang nag-abot sa akin kanina ng first aid. Nakatayo siya sa harap habang pansin na pansin sa likuran niya ang isang napakalaking simbolo. "Mukhang kompleto na nga. Akala ko mababawasan na agad ng isa unang araw pa lang."
Sigurado ako ang tinutukoy niya.
"Once again, welcome to K-High. I am Canary Salazar, the trritory manager of Hell's Scythe."RAMDAM agad ang awtoridad ng nagsasalita. Tutok na tutok kay Canary ang mga mata ng lahat, ni walang nangangahas na mag-react. Maliban sa isa.
"That's our faction--Hell's Scythe. Doesn't it sound cool?"
Muntik na akong mapatalon dahil sa biglang pagsulpot ni Unnie sa tabi ko. Hindi ko napansin ang paglapit niya. Napatingin ako sa kamay niyang may bahid ng dugo.
"Ano'ng nangyari diyan?" hindi ko mapigilang itanong. "Bakit may sugat ka? Heto ang first aid." Akmang iaabot ko na sa kanya ang kahon pero hindi niya iyon tinanggap.
"I'm fine. This isn't a wound. May nalinis lang ako," matipid pero nakangiti niyang sagot.
Kahit gusto ko pa sanang usisain si Unnie, ibinalik ko na lang ang tingin kay Canary na patuloy pa rin sa pagsasalita.
"This place will be your home and your life. This dormitory is a safe zone, same as those other dormitories for each faction. Manalig kayo na hindi kayo mapapatay sa loob ng dormitoryo. O kung mapatay man kayo, tiyak na susunod agad sa inyo ang gagong naglakas-loob na pumasok dito. Hindi na siya makakalabas ng buhay."
Dahil sa sinabi ni Canary, napatanto kong parang wala rin naman talagang safe zone.
"Magpakasaya kayo dahil ang nag-iisang Demon Lord ng K-High na siya ring student council president ang may hawak ng buhay n'yo," may pagmamalaking giit ni Canary.
"Ampalaya girl, mukhang malakas ang kapit mo sa suwerte," bulong ni Unnie nang hindi ako nililingon. "You're under the direct command of the student council president."
Sa totoo lang, hindi ko masabi kung sa suwerte ba talaga ako nakakapit o sa malas.
Dapat pa ba akong mabigla na malamang ibang tao na ang may hawak ng buhat ko?
"Unfortunately, wala rito ngayong gabi ang captain natin dahil abala siya sa student council mee--" Naputol ang sasabihin pa sana niya dahil sa biglang pagsasalita ng isang boses sa speaker.
"Assassination report:Double kille. Kill points to Hell's Scythe."
Bago ko pa kompletong marinig ang mensahe, nagtakbuhan na palabas ang lahat ng nasa dorm hall. Wala ako nagawa nang hilahin ako ni Unnie. Sinundan namin ang agos ng mga tao na dinala kami sa open field ng eskuwelahan. Naroon din ang ibang estudyante na mahahalatang galing sa ibang factions dahil sa pinagmulang direksiyon.
Nakipagsiksikan si Unnie nang hindi ako binibitawan. Halos makagat ko naman ang kamay na tinakip ko sa bibig ko nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
"Siguradong ang Demon Lord ang may gawa niyan."
Nagsimula akong makarinig ng mga bulungan.
"Siya lang naman ang waka sa dorm."
Hindi ako puwedeng magkamali. Ang dalawang wala nang buhay sa harap ko ay ang mga humabol sa akin kanina. Magkatalikod silang nakasandal sa isa't isa habang may tig-isang patalim na nakasaksak sa kanilang lalamunan. Bukod sa hindi maipaliwanag na pagkabagabag, nakaramdam ako ng walang mapaglayang takot.
May papel sa kandungan ng isa sa kanila. Nakahuhit doon ang dalawang karit ni Kamatayan, magkapatong at nakaposisyon na parang letrang X. Kapareho ng simbolong nakita ko sa dorm hall kanina.
"What a welcome party," tukoy ni Unnie sa nangyari.
"This is more like a farewell party for me," wala sa sariling nasabi ko na nagpahalakhak sa kanya.
Bilang sa daliri ang mga estudyanteng kakikitaan ng takot. Ang karamihan ay mukhang natutuwa pa nga o kaya naiintriga. Hindi na bago sa kanila ang nasaksihan, samantalang ito ang unang beses na nakakita ako ng mga katawang wala nang buhay. Idagdag pa na pinatay sila sa brutal na paraan.
Hindi mga tao ang nag-aaral dito. This is pure evil. Demons do exist.
BINABASA MO ANG
K-High
Mystery / ThrillerHindi ko lubos maisip kung paanong ang isang ordinaryong babae na tulad ko ay napunta sa isang eskuwelahan na mga demonyo pala ang nagpapatakbo. Ang alam ko kasi, normal na tao lang ako at ang pamilyang pinanggalingan ko. Ang pagpatay ang...