Chapter 2

87 9 0
                                    

Aashi's POV 

Hangover ang pinaka ayokong parte kapag nagiinom kaming magkakaibigan. Kahit ayoko pang tumayo sa higaan ay mapipilitan akong tumayo para gamutin yun.

Tumayo na ako at hindi ko na talaga matiis ang sakit. Sabado ngayon kaya walang pasok, tuwing Friday ang gala namin. Kaya sure ako na nandito ang buong pamilya ko, tsk!

Hindi naman sa ayoko silang makita, pero kabisado ko na ang takbo ng usapan namin kapag nagsama-sama kami sa hapag.

"Aashi Calista! Bumaba ka na riyan, nandito na lahat sa hapag." Tawag sakin ni Manang Lourdes, lagi na lang niya akong tinatawag sa full name ko.

"Bababa na ho ako." Sigaw ko pabalik, hindi ko siya kayang bastusin at sagutin ng pabalang dahil mataas ang respeto ko sa kanya kahit kasambahay namin siya.

Pumasok na ako sa banyo ko at ayun pa din ang pang tulog na suot ko, naaalala ko nanaman yung nangyari kagabi, kainis ka talaga Sabrina!

Inabot ko lang ang toothbrush ko at sabong pang hilamos, pagtapos ay nag shower lang ako ng mabilis dahil nasa katawan ko pa din ang amoy ng alak.

Nag pajama pa din ako, Saturday ngayon at sure ako na wala akong gagawin maghapon, mahirap tumakas pag nandito silang lahat.

Pumunta ako sa walk in closet ko at namili ng damit. Lahat ng kwarto namin ay may walk in closet.

Kulay pink ang pintura ng kwarto, It's mom's choice. Kulay puti ang kama ko pati ang headboard nito. Kulay puti din ang vanity table ko kung saan naka lagay ang mga make up ko, nasa kanang parte yun. May carpet din ako sa harap ng kama, nagiging tambayan namin yun. May dalawang couch na puti din. May dalawang bintana sa tapat ng kama ko, kaya maliwanag kapag umaga. Kung ako ang tatanungin, kulay puti ang gusto kong pintura ng kwarto ko.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang kama ko, gusto ko tuwing umaga ay inaayos ang kama ko, nakakatulong daw yun para maging productive, ewan ko lang kung totoo.

Dalawang palapag ang bahay namin, ang kwarto ko ay nasa kanang parte kasama ang kwarto ni Aaria, kapatid ko. Sa kaliwa naman ay ang kila mom and dad, sa tabi non ay guest room.

Sa baba ay ang mga maid's room. Tatlo ang kasambahay namin, si Aling Lourdes, her daughter mik mik, and si Ate Lennie. May driver din kami si Kuya Ronan. Stay in sila kaya tuwing Christmas break or may okasyon lang sila makakauwi.

Nasa hagdan pa lang ako ay dinig ko na ang tawa ni dad, siguro ay pinupuri nanaman niya ang ate. Ako ang bunso at parehas kaming babae.

"I'm so proud of you ija!" Malaki ang ngiti ni dad ng makapasok ako sa kusina, may sliding door ang kusina namin bago ka makapasok, kaya hindi ka kita sa loob dahil kulay itim ito.

"Thanks dad." Ngiting ngiti namang sabi ni ate. Ate is 5 years older than me. Tapos na siya sa pag-aaral kaya sa Business na namin siya nag pofocus.

"E Ikaw Aash? Kamusta ang pag aaral? Baka nanaman mamaya e puro tres nanaman ang grado mo." Iiling iling na sabi ni Daddy. Napaka gandang bungad, hindi pa nagiinit ang puwet ko sa pag kakaupo ay ako na agad ang gusto niyang pagdiskitahan. Nung nakaraang sem ay dalawa ang tres ko, hindi naman lahat.

"Inaayos ko po ang pag-aaral ko." Malumanay na sabi ko habang ang mga mata ay nasa kinakain, tahimik lang si mommy sa gilid. Kaya ayoko ng second name ko, my mom's name is Blythe Calista, talagang kinuha pa niya sa name niya, hindi naman niya ako kayang ipagtanggol kay dad.

"Talagang dapat lang ay ayusin mo, hindi mo na nga kinuha ang kursong gusto ko para sayo." Gusto niya kasing tungkol sa pag nenegosyo ang kunin ko, pero ang gusto ko talaga ay maging Flight Attendant.

"Aaron." Malumanay na sabi ni mama. Tinatawag pa niya, hindi naman niya ako kayang ipagtanggol kay dad.

"Why honey? Pinapangaralan ko lang ang anak mo, hindi na siya pabata kaya hindi dapat puro barkada ang inaatupag niya, bakit hindi mo gayahin ang ate mo?" Sabi pa nito habang tinuturo si Ate Aaria.

"Inaayos ko po ang pag-aaral ko." Konti na lang ay maiiyak na ako sa kinauupuan ko, ganto ang laging nangyayari kapag sabay-sabay kaming kumakain. Walang tigil na pagkumpara at patama ni dad ang natatanggapn ko.

"Nalaman ko pa kagabi na tumakas nanaman daw ito para mag bar kasama ang mga kaibigan niya. Kababaeng tao ay ganyan ang asal." Dismayang sabi ni dad. Gusto ko ng sumagot pero mataas ang respeto ko kay dad.

"Kumain na lang tayo." Pigil ni mom kay dad, siguro ay naka trenta minutos na siyang pagpapahiya sakin kaya sapat nayun.

Halos hindi ko maisubo ang pagkain sa plato ko, pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil sa pag pipigil ko ng luha.

Simula nung nalaman ni dad na pagiging Flight Attendant ang gusto ko, wala na itong bukang bibig kundi si ate. Dahil sinunod niya ang gusto ni dad.

Si Aaria na matalino, Si Aaria na mabait, Si Aaria na masunurin. Pilit niya akong kinukumpara kahit na magkaiba kaming dalawa. Ni hindi nga siguro niya alam na magaling akong kumanta, dahil ang gusto niya ay mag focus lang sa pag-aaral.

Strict si dad at ayaw niyang sinusuway siya, kaya ang tingin niya sakin ay sakit ng ulo. Nung Highschool pa lang ay laman na ako ng guidance, hindi kasi ako nagpapatalo kapag may gustong umapi sain, pero hindi nila naiintindihan yun. Ang tingin nila sakin ay sanggano at puro pakikipag-away lang ang alam.

"Tapos na po akong kumain." Malumanay na sabi ko at tumayo na, hindi ko na sila tinapunan ng kahit isang tingin.

Paglabas ko palang ng pinto ay ayun na si Manang Lourdes, nakangiti ito sakin, siguro ay nadinig nanaman niya ang pag-uusap namin ni dad.

Lumapit ako dito at niyakap siya, simula nung dumating siya dito ay hindi niya ako pinabayaan, lagi niya din akong pinagtatakpan kay dad.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ito, isang pilit na ngiti para ipaalam sa kanya na ayos lang ako.

Dumiretso ako sa kwarto at doon nagkulong, iniyak ko ang lahat ng sakit na sinabi ni dad. Sa totoo lang ay ginagawa ko ang lahat para maging proud siya sakin, pero business lang ang mahalaga sa kanya.

Nahiga ulit ako at niyakap ang unan ko, ito ang laging ganap tuwing umaga. Iniyak ko ang lahat, lahat ng sakit na dulot ng mga sinabi nila.

Nadinig kong kumakatok si mom pero ayoko siyang makausap, alam ko namang papangaralan niya lang ako at ipagtatanggol si dad.

Pinikit ko na ang mga mata ko at patuloy na nagpalamon sa sakit.

-----
<333

Pronunciation:
Aa- eyy
Aashi-Aashi
Aaria- Arya
Aaron-eyron

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon