Chapter 33

36 2 0
                                    

Aashi's POV

"Tapos na ang lahat ng exams niyo and lahat naman ay nakapag-take, right? I want to congratulate you all because your exam is done. You can now rest and wait for the result." Nakangiting sabi samin ng prof namin.

We all smiled. Puwede na kaming mag rest dahil nakasurvive na kami sa lahat ng exams. Ang susunod na nakakakabang parte ay ang magiging resulta.

Jaylen texted me na susunduin niya daw ako ngayon, ang kaso ay lalabas kami nila Aliyah at hindi ko na siya nareplyan kanina kaya kailangan ko pang mag explain.

"Tulad ng sinabi ko, ilang months pa bago niyo malaman ang resulta. Siguro naman lahat ay nag review? Alam kong papasa kayo." Dagdag pa nito sa sinabi niya.

I'm nervous about the result kahit na malayo pa bago namin ito malaman. Nag review naman ako kaso ay naging balisa ako nung mga nagdaang araw.

Hindi ako matalinong estudyante. Noong highschool nga ay hindi manlang ako nasali sa mga with honors, basta ay pumapasok ako.

"Hoy mamaya ha! Baka naman mang- injan ka!" Mataray na sabi ni Aliyah.

Palabas na kami ng gate at alam kong nasa labas na si Jaylen, hindi yata nalalate ang isang 'yon.

Tulad ng dati ay uuwi muna kami saka magkikita-kita sa bar na lagi naming tinatambayaan noon, kung saan ko nakilala si Jaylen.

"Hindi, pero susunduin ako ni Jaylen kaya mag papaalam muna ako." Sabi ko sa kanila nung matanaw na ang pamilyar na sasakyan niya.

Naka office attire pa din siya, mukhang kakagaling niya lang sa trabaho. Alam ko kung gaano siya kaabala, pero heto pa din siya at sinusundo ako.

"Mauna na kami, kitakits na lang!" Paalam ni Sabrina saka humalik sa pisngi ko, nag wave naman ako.

Humarap ako kay Jaylen at mukhang naiintindihan niya ang sinabi ni Sabrina, wag naman sana siya magalit magpapaalam naman ako.

"Get in the car." Sabi niya saka ako pinag buksan ng pinto, mukhang badtrip siya!

Pumasok ako sa loob at sinarado niya ang pinto, umikot siya at sumakay na din. Pinaandar niya ang sasakyan at ilang minuto na ay wala pa ding umiimik saming dalawa.

"Kanina kapa?" Pagbubukas ko ng usapan dahil mukhang wala naman itong planong mag salita.

"Not really." Tipid niyang sagot.

Diretso lang ang paningin nito sa kalsada at seryosong nagmamaneho, mukhang akala niya ay hindi ako mag-papaalam sa kanya!

"Kumain kana? Kain tayo diyan sa malapit na restaurant!" Masayang aya ko sa kanya kaso ay hindi pa din nagbago ang ekspresyon niya.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan pero hindi siya umimik. Mukhang  galit nga talaga siya, magpapaalam naman ako eh!

"Wag na, baka malate kapa kung saan man ang punta niyo." Seryoso ang mukha niya pero sarcastic ang pagkakasabi.

I pouted, mukhang nagtatampo ang isang ito. Bakit kasi hindi niya muna ako pakinggan? Masyado siyang advance mag-isip! Hmp!

"Mag-papaalam naman ako sayo eh, kaso maagang dumating yung prof namin kaya hindi ako nakapag reply kanina." Parang batang sabi ko.

Hindi ito umimik at patuloy lang sa pagmamaneho, naiinis na ako dahil parang hindi niya ako nadidinig. Hindi manlang siya nag-abalang lingunin ako.

"Mag babar kasi kami mamaya." Panimula ko.

"Bar? Kayong tatlong lang? You know how dangerous to go to bar lalo na at wala kayong kasamang lalaki." Magkasalubong ang kilay niya habang sinasabi iyon.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon