Chapter 15

47 4 0
                                    

Aahi's POV

"My girlfriend." Pakilala sakin ni Jaylen sa mga kaibigan niya.

Nakuha naman namin ang atensyon ni Eunice, naka dress din ito na kulay blue, medyo mataas din ang heels niya. Walang emosyon na mababakas sa mukha niya.

"Hello, I'm Liam." Pakilala nung guy na natatandaan kong kasama ni Jaylen sa bar, inabot niya nag kamay niya at tinggap ko naman yun.

"Aash." Maikling pakilala ko tsaka kami nag shake hands.

"Ako naman si Owen." Pakilala naman nung isa, ang tanda ko non ay apat sila, kulang yata.

Nakipag shake hands din ako dito gaya nung ginawa ko kay Liam.

"Jayleeen!" Nagulat naman ako nung lumapit si Eunice kay Jaylen saka hinalikan ito sa pisngi, ops akward.

"Eunice." Saway sa kanya ni Jaylen saka inalis yung kamay nito sa braso niya.

"Why? Ganto naman talaga tayo magbatian, right?" Maarteng sabi pa nito, tsk.

"Meet Aash, my girlfriend." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at pinakilala kay Eunice.

"I'm Eunice Jin." Maarteng pakilala niya, nginitian ko na lang siya.

"Siya yung kasama mo sa office? I thought assistant mo lang siya or something e." Maarteng sabi niya, assistant? Buang ba siya?

"Eunice." Warning ni Jaylen sa kanya, nakita ko namang nag rolled eyes ang gaga, problema niya?

"Uy Aash, pasok ka." Aya sakin nung Liam, umupo nga ako sa tabi nito, ang kaso ay sumunod agad si Jaylen at pumagitna samin, hmp seloso!

"Relax man, makikipag kwentuhan lang ako kay Aash." Tatawa tawang sabi ni Liam.

"Then magkwentuhan kayo sa harap ko." Istriktong sabi ni Jaylen, kikiligin na sana ako kaso ay baka palabas niya lang ito.

"Ang possessive naman bro!" Biro ni Owen, hindi ko siya tanda, hindi tulad ni Liam.

"Ikaw yung sa bar, right?" Tanong sakin ni Liam, habang inaalala yung gabing yun.

"Sa bar kayo nagkakilala? How cheap." Maarteng comment ni Eunice, magtimpi kalang Aash!

"Naalala mo ba ako? Ako yung unang bumati sayo!" Maligalig na sabi nito saka hinawakan pa ang kamay ko.

"Remove your fucking hand Liam!" Sigaw ni Jaylen sabay tapik sa kamay ng kaibigan, natawa naman si Liam.

"Chill bro!" Biro pa ni Owen, problema ng isang tao? Bakit ang init ng ulo.

"May kasama kang dalawang babae non diba?" Tanong niya sakin about kay Aliyah at Sabrina.

"Mga bestfriends ko." Maikling sagot ko, naramdaman ko naman ang braso ni Jaylen sa balikat ko.

"Ano ba yan bro, maka bakod ka naman kay Aash, kami lang to oh!" Natatawang biro ni Owen, ang kulit nila parang sila Aliyah.

"Pakilala mo naman ako sa isa don." Kantyaw sakin ni Liam.

"Sino ba don? Kaso ay wag kang mag eexpect na matinong kausap ang mga yon." Natatawang biro ko, I know my friends, mga pilosopotasya ang mga 'yon!

"Really? Muka naman silang mababait! Minsan lumabas naman tayo!" Masayang sabi ni Liam.

"Oo nga, isama mo naman ang mga friends mo." Kantyaw pa ni Owen.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon