CHAPTER 2

1 1 0
                                    

"Saan ka naman nanggaling ha? Eh! Ang gabi na! At basang- basa ka pa!" Singhal sa akin Ng Tita ko.

"Diyan lang po tita". Sagot kong naka yuko.

"Oh siya! ipag luto mo kami, kanina pa kami nagugutom kakahanap sa iyo!" Sabi ng pinsan Kong si Cassandra.

"Sige mag bibihis lang ako". Sagot ko pagkatapos nag tungo sa banyo upang mag bihis.

Nagluto ako Ng hapunan tapos iniligpit Ang mga pinagkainan.

Pagod akong bumagsak sa kama habang nakatingin sa kisame. Umagos na naman Ang aking luha habang inaalala ang nanyari ngayong araw.

Kailan pa kaya ako makakaranas uli ng payapang buhay tulad noon. Walang ibang iniisip kundi ang masayang pamilya, ang pagmamahalan ng bawat isa.
Hindi ganitong nag sasakitan at nag susumbatan, nakakasawa na.

Dahil sa pagod nakatulog ako. Gumising ako Ng maaga upang gawin Ang mga Gawain ko ngayong maaga inisip ko na malapit na pala Ang pasukan.

"Hayy, Kulang pa pala Ang pera ko. Kailang ko pang pumunta kina Nay Soling para tumulong sa pag tinda."

Kinuha ko Ang mga niluto ko at inilagay sa lamesa at kumuha narin ako Ng mga kubyertos.

"Heto na po tita"  sabi ko habang inilalagay ang mga ulam sa hapag.

"Mommy malapit na po ang pasukan sa college, can you give me money to buy my things?" Habang inilalahad Ang kaniyang kamay.

"Sure baby, teka lang, ubos naba ang perang binigay ko sayo few days ago?"  Sagot ng tita ko habang kumukuha ng pera sa wallet niya.

"Yes Mom, bumili kasi ako ng bagong damit."

" Tita" tawag ko sa kaniya.

"Bakit? manghihingi ka Ng pera?" Habang nakataas Ang isa nitong kilay.

"Opo Sana eh, kasi hindi pa po sapat Ang kinikita Kong pera sa pag tatrabaho kasi palagi lang po akong nandito sa bahay eh, dahil alam kong walang mag aasikaso dito sa bahay." Sagot ko sa kaniya.

"Ahh so ganon sinisisi mo kami ha! Pasalamat ka at pinakain ka pa namin at binigyan Ng matutulugan." Habang hinihila Ang buhok ko.

"Pero tita sa Papa ko po Ang bahay na ito, hindi po ito sa inyo". Sagot ko habang iniinda Ang sakit sa ulo ko dahil sa pag sabunot nya sa buhok ko.

"Sumasagot-sagot ka pa ha lumayas ka dito! Wag munang ipapakita Ang pag mumukha mo! Parihas Lang kayo ng mama mo! At wag na wag ka nang tutung-tong sa pamamahay ko!". Sigaw nya habang tinatapon ang mga gamit ko.

Un-healed SCARS (On Going) Book 2Where stories live. Discover now