"Dy, g-gusto kita"
"gegege"
Senior High School. Bagong environment, bagong classroom, at bagong kaklase. Hindi ko naman inasahan na dadating ka sa buhay ko. Nakatatak na sa utak ko na wala akong magugustuhan sa kaklase ko, kasi nga sila sila pa rin naman yun. Pero ngayon hindi na sila sila lang yun, may bago na, may bagong mukha na nakikita ko lang na pinagchichismisan ng mga kaklase ko nung junior high. Sobrang dali ko maatach, kasi isang linggo pa naman tayo magkakilala diba? Hanggaleng naman nun :(( Gusto pa kita maging seatmate ng mahabang panahon, ang seatmate kong magaling sa math.
FAMINeumann
Dy Ruel: goodbye
papalipat na ako.claudette here : wait
joke ba to?
wait. Hindi pwede, hindi pa ako nakakaranas ng aalis na kaklase sa unang week ng pasukan. Lalo pa't sya yun.
Dy Ruel: Hindi. :((
Pinapalipat na ako ng tatay ko sa STEM 2, Mamimiss ko kayo:))
Aunox: Wag naman sana boi
Layshin: Wala na akong kaparehas ng surname kapag umalis ka.
Dy Ruel: Dalawin ko na lang kayo.
Di na ako nakapagreply, tiningnan ko na lang kung pano nila kumbinsihin si Dy na wag umalis. Wala kasi ako magagawa, seatmate nya lang naman ako eh.
Chinat ko agad ang bestfriend ko about sa nangyayari, di ko pa alam kung sasabihin ko na ba sa kanya yung nararamdaman ko pero minabuti kong wag muna kasi di ko pa naman sure.
pretty soulmate: Hoy FAITH!!!
:mawawalan na ata ako ng tutor sa precal hayst
SOULMATE: Oo nga! Bakit naman kaya yun napaisip na magpalipat.
pretty soulmate: Siguro nahirapan makipagsabayan satin, tsaka nabigla ata.
SOULMATE: Di naman kasi battle tong shs eh, dapat go with the flow lang tayo.
Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at minessage ko sya ng
"hey, wag ka na lumipat. PLS"
"sige na nga"
Hindi ko alam kung dahil ba ang galing mangumbinsi ng mga kaklase ko na wag na lang syang lumipat or .....
Nag backread na lang ako sa gc at masasabi ko ngang napakagaling magadvise ng mga kaklase ko haha.
Kinabukasan nakita ko yung hiya sa mukha nya nung pumasok sya, mabuti na lang at lagi akong pumapasok sa umaga. Gusto ko syang icomfort at sabihin ng magagandang salita kaso nahihiya ako sabihan sya nun kasi nga ang dami nang gumagawa. Nginitian ko na lang sya sa mga oras na yun, kapalit ng mga gusto kong gawin para sa kanya. Tuesday ngayon at naadjust na naman ang sched namin kaya adviser na naman namin ang kaharap namin ngayon. Umayos kami ng upo at bumati sa pagdating nya, syempre konting linis kasi tuesday cleaner ako. hayst
"Kunin nyo ang mga gamit nyo at pumila kayo alphabetically sa labas"
Dahil nga nagwawalis pa ako sa likod ng upuan namin, Napatanong naman ako agad.
"Huh? Bakit po ma'am?"
Napatanong rin ang mga kaklase ko kung bakit pero yung iba ay nagstart nang pumila sa labas.

YOU ARE READING
Please Consider Me
RomanceNo one should always left unloved. Every girl deserve a man that will keep her forever and plan their future together. Pero hindi lahat mahal ng mahal nila. Hindi ka kacrush back crush back. Hindi ka makinis,maputi at talented. Ikaw ay ikaw lang mer...