PCM - Chapter 1

11 1 0
                                        

"Bakit di mo sinabi agad?"

"Natakot ako, sorry."

Ako si Natalia Claudette isang babaeng napana ni kupido by mistake at pinagdadaanan ang pagkakamali nyang yun sa paraang napasaya ako pero alam kong di yun sapat para sa puso kong gahaman sa pagibig.

May mga taong di alam kung ano ba ang pinagkaiba ng pananaw sa salitang "crush" yung iba paghangang walang masyadong feelings na involve kumbaga humahanga lang talaga dahil sa isang certain na characteristic nung tao,,, pero iba kasi yung akin. Ako yung every new batch of classmate nagkakaroon ng crush. Oo iisipin nyo masyado naman akong malandi kasi every year nagpapalit ng crush, hindi kasi ganon, isang buong highschool life ko isang grupo lang ang kaklase ko, hangga't hindi grumagraduate sila pa rin talaga walang bagobago... siguro na lang kung aalis ka at pupunta kang abroad dun lang mababawasan pero kami pa rin talaga, walang madadagdag walang lilipat. Kaya siguro wala na talaga akong naging crush ngayong highschool nakakasawa na kasi ang mga mukha, sila na lang palagi. Para sakin kasi kapag ako ang nagkacrush bumabase ako sa personality, kung maiintindihan ba ako nito kapag nakasama ko, kaya nya kayang pasayahin ako kapag bugnot na bugnot na ang buhay ko plus point na lang kung may itsura pero syempre karamihan ng may ganung personality di naman ganun kagwapuhan sa ilan, pero gwapong gwapo ako.Ewan ko nga rin ba kung bakit ako nagkakagusto dun sa mga yun. Kung hindi ako ang gusto, may gustong iba KINGINA.

Ikwekwento ko muna sainyo ang aking crush, "Dyruel", DY for short nakilala ko sya sa room syempre. Grade 11 na kasi kami nun eh syempre epekto ng implasyon kulang sa room ang batch namin kaya ayun pinagsama ang section 1 at 2 pero may naligaw na siyam na taga ibang section. Masaya ako kasi di ako napahiwalay sa mga kaklase ko dati pero natatakot ako sa mga bagong kasama. Dahil nga dakilang palakaibigan ako nilapitan ko sila lahat at nakipagkwentuhan maliban dun sa 4 na lalaki. Napagkwentuhan na namin ang mga kachurvahan sa academics ng mga transferee at mga taga ibang section, maliban nga dun sa apat na wala akong planong iapproach kaya hinayaan ko na.

"Uy nagdrdrawing ka pala"

"San ka nagboboarding?"

"Mataas ba mag grade sainyo si Ma'am dati"

"Saang strand napapunta si Olux?"

Sobrang ingay ng klase at ayos lang iyon,kasi nakahiwalay naman ang aming classroom sa iba.Pinagkaitan kung baga pero keri lang kasi angkin namin ang compound na yun pwedeng magingay at magpatugtog ng malakas at walang maninita.Syempre kelangan may seating arrangement na sobrang typical na sa first day of school. Napatapat ako sa pinsan ng kaklase ko dati, kaya syempre kelangan ko na rin daldalin kasi nakiusap yun na kausapin ko daw sya minsan. Nasa tabi ko ay yung taga ibang section na pabibong nakauniform huwew,syempre ngumiti na lang ako kasi isa rin sya dun sa mga hindi ko nakausap. Tuloy lang ang pakikipagclose ko sa kanila hanggang magsimula na ang klase at aba nga naman ang bungad na subject ay Precalculus, potek kasumpa sumpa ang subject na yan. Sobrang bobo ko sa Math super kaya kahit sobrang basic ng mga tinatanong nya hindi ko alam pero yung nasa tabi ko na pabibo parang best in math kung makasagot. Napahuwaw naman ako sa kanya kaya nagpaturo ako kung paano ba yung equation na yun at paano nakuha,approachable naman sya nung kausap ko kaya sinabi ko sa mga kaibigan ko na makakapasa na ako kasi may katabi na akong magaling sa math hahaha.

Kwentuhan lang kami lagi tas bulungan kasi nagdidiscuss si teacher sa unahan, sharing of knowledge ganun. Pagdating ng hapon may pinagawa saming related sa research. Napansin ko na yung galing ng ibang section walang idea sa ganun kaya akong si pabibo sumagot nang sumagot sa group output. Tapos tinuturuan ko na rin sya about dun kapalit nung kanina sa math.

Umuwi akong masaya nun kasi maliban sa pagsuot ko ng civillian sa first day of class ay may nakaclose ako na magaling sa math.

Dy Ruel sent you a message

Please Consider MeWhere stories live. Discover now