Freda"I hate you!" Nakakunot ang noo ng babae at nakahawak ang kamay sa kaniyang namamagang ulo.
Hindi alintana ng babae ang kadiliman sa kinalalagyan niya ngayon na para bang sanay na siyang magpunta rito
"Gosh Daddy!" Tila may kinakausap siya na hindi nakikita.
Tinignan niya ang kamay niya at akmang nagbibilang gamit ang daliri."Its been uhm.....960 times?,Hindi pa ba tama ang ginawa ko?"
Dahan dahang Nagliwanag ng pulang ilaw ang paligid at unti unting naliwanagan ang sahig.
Walang kisame at wala ding pader,pulang ilaw lang maaaainag mo sa paligid na parang nasa impyerno ka.
Napapatapilok ang naglalakad na babae habang naglalakad,May mga nagkalat na katawan na wala ang ulo at nawawala ang ibang parte ng katawan,Inuuod na katawan,Bangkay na binalatan ang mukha at kung ano ano pang pwedeng maging senaryo kung paano namatay ang isang tao."Nauubusan na ako ng pasensiya dad!,"Reklamo niya,Hindi pa rin mawala ang kaniyang nakakunot na mukha at busangot na labi,naglakad lakad pa pero siya wala naman siyang patutunguhan.Hindi niya alintana ang mga daan daang bangkay na inaapakan niya sa daan,Mayroon pa siyang natapakan na Bituka ng tao na nakakalat lang.
"Keep your job clean"
Umalingawngaw na parang kulog ang tinig ng isang malalim na boses na nakapagtindig sa balahibo niya dahilan para mapaupo siya sa babaeng malaki ang umbok ng tiyan.
Nabahiran ng dugo ang palda niya na mas nakapagpausok ng kaniyan ilong.
Agad siyang napabalikwas tayo at pinagtatadyak ang tiyan ng patay na babae hanggang sa lumabas ang fetus na nasa loob ng kaniyang tiyan.Matalim at walang awa ang kaniyang pagtingin sa kaawa awang buntis, napangisi nalang ang babaeng nagiisang buhay sa nagkalat na patay animo sanay siya sa mga patay na tao,Hindi man lang siya hiningal.
"i need mirror"Saad niya na dahan dahang lumitaw sa harapan niya ang isang pabilog na salamin.
Kumurba ang labi niya habang pinagmamasdan ang sariling hitsura sa salamin,Inayos niya ang kaniyang bangs na nakatakip sa kaniyang noo.Napagtanto niya na namumutla ang labi kaya mula sa duguang nanay kanina na hindi naipanganak ang kaniyang sanggol, kumuha ng dugo ang babae at ipinahid iyon sa labi niya.
"Better!"Napapalakpak pa siya,sunod niya namang kinapa ang baril sa bulsa ng isang security guard na sunog ang mukha.
"Favorite pa naman kita Freda sa lahat ng mga taong na ginamit ko" Buntong hininga niya at nabilog ang nagngingitngit na mata habang itinutok ang baril sa utak.
Walang pag aalinlangan ay maingay na tumagos ang bala at bumaon sa utak niya sanhi upang bumagsak si freda na isa na ring nakalatag kasama ang mga nilalangaw at hindi na humihingang mga bangkay.Isang saglit lang ay naliwanagan ng ilaw ang paligid,puti at makinis ang pader,ngunit sa gitna nito ay isang bangkay na nakalagapak sa lupa na nalulunod sa sariling dugo habang basag ang bungo.
•••
Levi
Hindi na maawat dahil magulo ang lahat na animoy mga hayop na nakawala sa zoo,Ito ang Humss-2.
Pumasok nang hinihingal si matthew at agad na dumiretso sa tabi ko at umupo,inapiran niya ako,mabuti hindi naunahan ng teacher namin 'tong laging late na kaibigan ko,"Goodmorning class"Tuloy tuloy kung dumaan si maam krisha patungong table niya habang nakakurba ang kaniyang mga labi,Nagsiayos naman ng upo ang mga kaklase sa biglaang pagdating ng aming Adviser.
Tumingin siya ng diretso sa amin at muling nagsalita habang nakangiti. "Okay class please welcome your new classmate,Lucy Ell" Masigla niyang sinabi at mula sa kanan kung saan pumasok si Mam Krisha,pumasok ang isang babae,Sing puti ng malinis na papel ang balat,Natatakpan ang noo niya ng kanyang bangs at hanggang balikat ang haba ng buhok,
Lumingon lingon siya sa paligid habang suot ang kaniyang nakakabighaning ngiti.Nakakahalina ang ganda niya kapag nakangiti siya,Naniningkit ang mata.
BINABASA MO ANG
Part time human
Mystery / ThrillerI want to test the humanity,how far can they do just to claim their God's forgiveness. guess you already prepared a good excuse as an exchange for your sin. Im Lucy one of the damned creation of all time and im here in the human world to collect unw...