Sana's POV.
Hello po! Ako nga po pala si Rosana Olivares, but you can call me Sana. 19 years old. Nakatira ako sa... hep! Hep! Hep! Ano ba namang introduction yan. Ano, sasali lang ng Little Miss Philippines? Hahaha!
Kasalukuyan akong nanonood ng KDrama at nandoon na ako sa part na magtatapat na yung lalaki sa babae. Isang malaking "sana ol". Ngayon kasi sa internet na lang lahat. Iaadd ka niya, aaccept mo tapos magha-hi siya sayo sa chat tapos after ng ilang araw aaminin niyang in love na siya sayo. E ikaw, marupok ka kasi nadali ka niya sa mga, "kumain ka na ba?" , "wag kang papagutom ah" "magtatampo ako kapag nagpagutom ka" o diba? Kaya ayon, na-fall ang gaga.
Pero syempre, oo na. Bitter lang ako kasi wala akong jowa. Lahat ng friends ko, may lovelife samantalang ako, finding Mr. Right na icing sa ibabaw ng cupcake ko pa din ampeg. Dakilang taga-advice lang sa mga marurupok kong friends kapag may hindi sila pagkakaunawaan ng mga jowa nila. Sabi nga nila ang galing ko daw mag-advice sa isang taong NBSB. Ah, based kasi yun sa mga nababasa ko at napapanood. Totoo naman ah.
Hindi din ako yung tipong naniniwala sa destiny. Naniniwala ako na ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran. Unless, yung "the one" ko pala ay isang tao na hindi ko nakita ng ilang years tapos bigla kaming magkikita ng hindi sinasadya. Wuw. Movie?
Maganda naman ako sabi ng friends ko pero sa totoo lang, ayoko din kasi. Natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong maranasan yung katulad sa mga movies na magkakaroon ako ng sleepless nights dahil sa walang tigil na pag iyak lalo na kapag nakipagbreak si jowa. Ayoko nun. Kahit oo, aminin kong may times talaga na naiinggit ako sa mga couple lalo na kapag sobrang sweet at ideal nung guy. Hays, sana ol.
Nung natapos ko yung isang episode, napagpasyahan kong tignan muna yung facebook ko. Aba, aba. Yung notification ko 20. 0 messages. Alam niyo na? Syempre kaka-shared post. Gawain ko yan eh. Yung maghahanap ng nakakatawang meme sa internet tapos ishe-share ko. Kailangang i-flood yung timeline ko ng ganon lang at least good vibes. Kaysa naman puro negative yung nakikita ko diba?
Kailangan din syempre ng kiligity. Kaya puro fan page ng mga crush kong local celeb at KPOP ang laman ng news feed ko. Pampaganda ng umaga. Hahaha!
Nakita kong may shinare si Kevin na nakakatawang meme kaya nag-react ako ng 'haha' doon. Papampam lang. Uy, secret lang natin to ah. Crush ko kasi yan si Kevin since high school pa. Wala naman akong nababalitaang jowa niya. Never ko ding nakita na nagchange yung "Single" status niya into "In a relationship" status sa Facebook. Stalker ako eh. Aminado. Hahaha! Ewan ko kung talagang single siya o sadyang private lang talaga. Hindi naman kasi kami nag-uusap niyan eh. Ice lang din naman kung may girlfriend man siya kasi happy crush ko lang naman siya eh. Tuluguh buh?
Nagsimula yung pagkakacrush ko sa kanya nung nag-transfer ako sa school nila. Naging classmate ko siya dun. Hiningi niya sakin yung pangalan ko. Ganda ko diba? Charrot lang. Hindi, hiningi niya sakin yung pangalan ko kasi kailangan niyang isulat sa masterlist na pinagawa sa kanya nung homeroom teacher namin. Siya kasi yung president. Nagsalubong yung mata naming dalawa at agad akong nabighani sa kanyang singkit na mga mata. Weakness ko yun eh. Dun nagsimula ang lahat. Well, nagiging magkagroup naman kami sa mga subjects pero never kaming naging close. Hindi ko nga din alam kung bakit. Close ko yung mga tropa niya, nakakausap ko din naman yung iba naming classmates, pero siya? Waley talaga. Naging friends lang kami sa Facebook kasi inadd ko siya. Tamang stalk lang kapag may time. Hehehe.
Habang busy sa pagdedaydream, bigla namang nag ring ang phone ko.
Heidi calling...
O, huwag mong sabihin? Ano, nag-away nanaman sila ng boyfriend niya? Nakuuuuu!
BINABASA MO ANG
Sana All
Ficção Adolescentethis is the story of a girl who loves saying "sana ol" whenever she sees a sweet couple and wondering when and where will she meet her "the one".