Sana's POV.
Tinignan niya lang kaming dalawa na malungkot ang mukha. Cinomfort naman namin siya.
Bigla naman naming napansin na kami na lang yung tao sa loob ng sinehan. Naglabasan na lahat. May guard na pumasok habang may hawak na flashlight. Making sure kung may tao pa ba at nakita niya kami.
"Mga Maam, tapos na po yung pelikula." Hindi na sinabi nung guard direkta na lumabas na kami pero nagets naman namin yung gusto niyang ipahiwatig.
Nag-sorry naman kami kay Manong Guard at lumabas na ng sinehan.
"Uhm, guys..." Napalingon kaming dalawa kay Pearl.
"Bakit?" -Heidi.
Hinintay ko naman na magpatuloy si Pearl sa pagsasalita.
"Sabihin niyo muna 'oo'" Anong pakulo nitong si Pearl? Hindi naman siguro...?
Huwag mong sabihin na si Mark yung pinipili niya. Well, irerespeto ko naman kung ano mang magiging desisyon ni Pearl. Ganon din si Heidi. Wala naman kaming magagawa kung mahal niya talaga si Mark eh.
"Girl, whatever your decision is.. support ka lang namin. We'll understand kung si Mark yung pinipili mo. Nakakalungkot lang if ever kasi..." See? Same lang kami ng iniisip ni Heidi.
Tumawa naman si Pearl. Ha? Ba't naman to tumatawa?
"Of course not. I was just gonna ask lang sana kung ok lang ba na umattitude ako. Hindi ko na kasi talaga kaya pinagsasabi ni Mark sa inyo eh. Ngayon lang naman. Promise!" Niraise niya pa yung kanang kamay niya.
"Yun naman pala eh. Go girl!" Sabi ni Heidi.
"Wait. Tawagan ko lang." Dinial niya na yung number ni Mark.
(Hello, hon? Oh ano? Nakapili ka na? Nasabihan mo na ba yung mga ex-friends mo?) In fairness, confident siya.
"Hi, Mark. Uhm, oo. Nakapili na ako. Bukas ko pa sana gagawin to eh. Kaso you forced me. I guess wala akong choice."
(What do you mean?)
"I'm sorry, but I'm not sorry to bring this up to you pero.. I've. Had. Enough. Wow. Ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan ah? Kapal mo naman. Yes, Mark. I'm choosing my friends. We're officially over from now on. I'm breaking up with you. So assuming mo naman to think na I'll choose you over them. Isang malaking asa ka naman. Bakit, sino ka ba sa tingin mo? Oxygen ka ba kaya I can't live without you? Ha! Hashtag ang kapal ng mukha mo. Pwede ba? Huwag ka na ngang magtaka why my friends don't like you. Have you ever asked yourself kung paano mo ako trineat? Have you ever asked yourself kung nirespeto mo ba yung mga kaibigan ko? I guess, the answer is no. So ayon. It was nice meeting you na lang, Mark Peralta. Adios. Ciao. Toodles." Ieend na sana ni Pearl yung call pero may pahabol pa si Mark.
(Really? Mas pipiliin mo yang mga walang kwenta mong kaibigan?)
"Excuse me? My bestfriends? Walang kwenta? Are you perhaps referring to yourself? Gosh. I'm done wasting 4 years of my precious time with you. Wala ka namang pinagbago eh. Puro ka lang pangako. Why did I even fall in love with you? Anyways, stop calling me na. Toodles~"
Yung mukha naming dalawa ni Heidi di maipinta. Oh my goodness! Is that really Pearl Gregorio? Seryoso ba? Parang ibang tao yung nakita't narinig ko kanina. Like I said, sobrang tahimik na tao ni Pearl pero mukhang masama nga magalit ang mabait kaya sumabog na siya. Sobra na rin kasi.
BINABASA MO ANG
Sana All
Teen Fictionthis is the story of a girl who loves saying "sana ol" whenever she sees a sweet couple and wondering when and where will she meet her "the one".