Chapter 3

1 1 0
                                    

                        Sana's POV.

     Hindi na umuwi sila Pearl at Heidi para kumuha ng damit. May extra naman kasi akong sleep wear kaya ipapahiram ko na lang sa kanila.

     Pagdating ng bahay, sinalubong ako ng cutie baby sister ko na si Elena. Siya yung youngest sa triplets.

     "Achiiiii!" Hinug niya ako. Medyo bulol pa siya sa S at T pero unti unti na namang nawawala.

     "Ate Sanaaaaaa!" Nagtakbuhan na din si Faith at Gabriella at sabay sabay nila akong hinug.


      "Aww. Ang sweet naman ng mga babii ko. Namiss niyo ba si Ate Sana?" Tanong ko sa kanila. Tumango si Faith at Elena habang umiling naman si Gabriella.

     "Nandito naman po kasi si Clark Kent eh." Sabi ni Gabriella. Clark Kent ang tawag ni Gab kay Kuya Clark kasi gwapo daw at Superman daw ng buhay niya. Ku po! Kebata eh. Crush lang naman eh pero mukhang may karibal si Pearl ah. Hahaha!

     "Magtatampo si Ate Sana niyan." Nagpout ako. "Ala, kaw kachii! Iaaway mo Achi Chana!" Pinalo palo ni Elena si Gabriella. Pinigilan ko naman si Elena.

     "Bb, bad yon. Don't hurt your Ate Gab, ok? I was just kidding when I said that. Say sorry na, bb. Or else Achi will get mad for real. Do you want that?" Umiling si Elena. "Then you know what to do?" Tumango at humarap si Elena kay Gab. "Chowi, Gab." Hinug naman siya ni Gab.

     "Ow shet, ang cucute na mga nilalang." Bulong ni Heidi. Hinampas ko naman siya sa braso. "Hoy, marinig ka." Nag peace sign lang siya.


     "Super cute ng triplets, Sana." Sabi naman ni Pearl habang nasa likod ko.

     Napansin yata ng triplets na may kausap ako kaya tumingin sila sa likod ko. "Hi, Achi Pearl and Achi Aydi!" -Elena.

     "Hi, Ate Heidi and Ate Pearl!" -Faith.


     "Hi, Ate Heidi." Sabi ni Gab kay Heidi. Tinignan niya naman ng masama si Pearl. "Why are you here?" Nagulat ako nung tinanong ni Gab yon kay Pearl.

     "Gab! That's your Ate Pearl. Say hello to her too." Utos ko.

     "I don't want to. She likes my Kuya Clark Kent. She's a rival, Ate Sana!" Sabi niya habang naka-cross arms at nag-walk out. Ha.. hanu daw?

     Natawa naman si Heidi at nilingon si Pearl. "Mukhang di lang acads problema mo kay Kuya Clark ah. Hahaha! Good luck talaga sayo, girl. Mas matindi kalaban mo. Hahahaha!" Tawa siya ng tawa. Si Pearl naman, tahimik lang.

     "Sorry if Gab acted that way, Pearl. I'll talk to her later." Paghingi ko ng paumanhin kay Pearl.

     "Nu ka ba. Ok lang yun. Hahaha!" Buti na lang.

     Bumaba naman ng hagdan si Kuya Clark habang naka-hug sa kanya si Gab. Nakasuot na siya ng pang-alis. "Andyan na pala kayo, Sana. Alis na muna ako ha." He turned to Gab who's still clinging onto him. "Be a good girl, ok?" Nag-nod naman si Gab at pumunta sa mga kapatid niya.

Sana AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon