- 1939 -
"Sa.. lahat.. ng.. itinuro.. mo.. sa.. akin.. pag-ibig.. ang.. pinaka.. na.. tutuhan ko.." nakangiting sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot–hindi ako sumagot. Pero alam ko.. Alam kong hindi lang ako ang nagturo, siya rin ang aking guro at ang paborito kong asignatura ay ang pagpintig ng aking puso tuwing nakikita ko ang mga mata niya.
Humarap siya sa malawak na lupain sa harap ng punong sumisilong sa amin. Iniunat kaniyang mga kamay at paa. Tumingin sa mga dahong aming panangga sa nakasisilaw at mainit na araw.
"Ipangako mo.. Na kung dumating ang araw na hindi mo na masilayan ang mga mata kong paboritong titigan ang mga labi mo at mahawakan ang mga kamay kong hinulma para sa'yo.. Ipangako mong sa susunod na buhay ay magkikita pa rin.. tayo.." sinserong sabi niya habang patuloy pa rin ang paninitig sa mga dahong sabay-sabay na umiindayog.
Itinaas ko ang hinliliit ng aking kamay at inabot ang kaniya. "Pangako."
---
Ito ay bunga ng malikot na imahinasyon ng manunulat. Ang mga pangalan, pangyayari o lugar na mababanggit ay bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat.
"Plagiarism is a crime."
Disclaimer:
The story has a lots of grammatical and typo errors. Please be considerate. Thank you.
YOU ARE READING
The Language of Love Between Us
Losowea story between two people who are born in different race but love made them together.