Chapter 7

1.3K 89 1
                                    

Coleen POV

Nasa tapat ako ng classroom ko ngayon nakatayo habang Hawak hawak ko yung tatlong libro, Pinarusahan lang naman ako ng prof ko dahil kay Ate Brei -.- Imbes na siya yung nandito ako tuloy, Hindi naman ako Yung bumato ng papel sa teacher kundi si Ate Brei tapos tinuro niya ako.

Si cole naman kahit alam niyang si Ate Brei hindi niya sinumbong, Gustong gusto talaga nila na napapagalitan ako.

Nakita ko naman naglalakad sa hallway si Mari habang nakatingin sa phone niya kaya naman tumungo ako para di niya ako makita nakakahiya sa kanya, Lagi niya nalang akong nakikitang Ganto nakakahiya na sa kanya.

"Coleen!" Sigaw ni Ate Brei, Napahinto naman si Mari sa tapat ko.

Ito na nga ba sinasabi ko kung minamalas ka nga naman.

"Coleen naparusahan ka nanaman ba?" Tanong ni mari sakin syaka kinuha yung hawak kong libro at nilapag sa sahig.

Thanks god ngalay na ngalay na kasi ako.

"Ginagawa mo dito Mari? diba sa kabilang building room mo?" Sabat ni Brei, nakakalimutan niya yata na siya yung dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa labas.

"May hinatid lang akong records kay Prof Ramos" Nakatingin to kay Ate brei habang kinakausap ito.

"Hoy mari lalong mapapatagal yan si Coleen dahil nilapag mo yang libro na yan" Nakanguso na sabi ni rans, Malapit kasi sila sa Bintana ni Ate brei actually katabi lang nila yung bintana.

"I will talk to your prof first. Lagi ka nalang pinag iinitan ng Prof mo coleen" Nag aalalang sabi nito. napakagat labi naman ako at tumango.

Lumabas naman si Ate Brei at nakacross arm pa to ang angas talaga nito lakas ng dating mala Gabb pero kabaliktaran ng ugali ni Gabb.

"Wala si prof dito umalis sino kakausapin mo ulit?" Naparoll eyes nalang si Mari dito, Habang ako tahimik na nakamasid sa kanila.

"Did you enjoy?" tanong ni Mari dito, Anong enjoy tinutukoy nito?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ate brei pabalik dito, Mag aaway ba sila sa Hallway mismo?

"Lagi mo nalang pinag tritripan si Coleen baka nga ikaw ang dahilan kung bakit siya napaparusahan lagi, Sinisira mo image niya" Nakangiting sabi ni Mari na parang nang aasar pa.

"Ako? Pinagtritripan ba kita coleen?" Ate brei at Tumingin na sakin, Yung tingin niya parang nanakot pa sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Coco Huwag ka ngang matakot sa pandak nato" Sabat ni Mari at hinawakan yung kamay ko.

"Bitawan mo nga si Coleen. Sino ka para hawakan siya?" Napatingin naman ako kat Ate brei ulit.

Ang haba naman ng hair ko sa pinag gagawa nilang dalawa, Medyo nahiya ako kasi may mga Students na nakatingin sa kanila Mga chismakers talaga.

"Sino ka para pagtripan siya?" Pabalik nito kay Ate brei.

Nag sitilian naman yung mga students na nakatingin samin, kaya agad napahinto sa pag babangayan sila Ate Brei at Mari.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon