Chapter 20

1.2K 83 4
                                    

Sheki Pov

Napaka tagal naman ni Abby mag ayos na bag. Kanina ko pa siya hinihintay kasi pupunta kami sa tambayan namin sa canteen Kung saan laging meron pagkain. Huwag na kayong magtaka dahil doon ako nabubusog.

"Abby matagal paba yan?" Tanong ko dito habang nakatingin sa kanya. Napahinto naman ito sa ginagawa niya at tumingin sakin.

"Mauna ka nalang sheki pang ilang ulit mo naba tinanong yan?" Tumahimik nalang ako naasar agad si Shonda e.

"Abby nagugu----"

"Tara na nga" Sagot ni Abby at naunang lumabas ng room. Kita mo to hinintay ko iniwan lang ako nito.

Naglalakad kami papunta ni Abby sa Canteen ng biglang may nakabangga dito at natapunan yung uniform niya ng Tubig.

"Mag ingat ka naman" Sita ni abby sa lalakeng nakabangga sa kanya. Infyernes gwapo yung boy.

"Sorry miss Ayos kalang ba?" Tanong nung lalake kay abby. Habang ako naman nakatingin lang sakanilang dalawa pinapanood sila.

"Ako ayos yung uniform ko hindi. Sasali kaba sa competition at dito kapa sa hallwat tumatakbo" Bakas na sa tono ni Abby ang pagkairita nito sa lalake. Dapat pala bumili ako ng chips kanina.

"May Extra t-shirt naman ako pwede ko ipahiram sayo" Sabi naman ni Guy. Bumuntong hininga naman si abby. Bago pa siya mag salita sumabat nako.

"Abby kunti lang naman yang natapon sa Uniform mo tutuyo naman agad yan" Sabi ko dito habang nakatingin sa uniform niya buti sana buong uniform niya yung nabasa diba?

"Tsk. Oo na sa susunod ikaw lalake Ka huwag kang tatakbo dito sa hallway wala ka sa running competition" Iritang sabi ni Abby habang masama ang tingin niya sa lalake.

Ngumiti naman yung guy bago magsalita "Sorry ulit Ms. Nga pala ako si Justin Lim sino kayong dalawa pwede ko bang malaman pangalan niyo?" Tanong nito samin at nilahad pa yung kamay niya kay abby

"Hindi namin tinanong pangalan mo" Sagot mi abby siniko ko naman siya sa tagiliran. Mukha kasing wala siyang balak makipag shake hands dito kaya hinawakan ko nalang yung kamay nung lalake.

"Shekinah Arzaga nga pala" Sagot ko dito. Si abby nakatingin lang ng masama sa lalake kaya siniko ko ulit siya.

"Abelaine Trinidad" Walang ganang sagot ni abby. Hindi naman halata na medyo inis siya sa guy.

"Ikaw si Abelaine?" Tanong ni Justin dito. bahagya ko naman Tinignan tong katabi ko.

"Oh bakit may problema ka?" Maangas na sabi nito. Pasalamat si abby may kausap kami kundi pinag kukurot ko to sa tagiliran.

"Nice name. Ang ganda" Sabi nito at ngumiti ulit ang cute naman ngumiti ng lalakeng to nawawalan ng mata.

"Justin Bye na. May pupuntahan kami ni Abby Mauna na kami" Pag papaalam ko at hinila na palayo si Abby sa lalakeng yun baka mamaya masapak pa niya yun ako pa magkaroon ng problema.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon