Chapter 43

1K 77 4
                                        

Sheki POV

Siraulo ba tong si Abby? Kala niya nakakatuwa yung desisyon niya kung sakali pano na si Sela? iiwan niya ng ganun ganun nalang. Hindi din kami sigurado kung ibabalik nila mga kaibigan namin. Naapektuhan talaga si Abby sa napanood niya si Coleen alam namin na hirap na hirap na siya pero wala kaming magagawa. gustohin ko man makatulong kahit ako di ko alam ang gagawin sa mga oras na to.

Lumapit naman sakin si Abby bago niya nilapag sa lamesa yung hawak niyang envelope at tinapik ako ng nakangiti. huwag kang ngumiti na parang ito na ang last sarap mong kutongan.

"Don't worry i'll bring back your girlfriend.. My bestfriends" Dahil sa sinabi ni Abby napatingin yung ibang kasama namin lalo na si Sela na nag aalala sa kanya simula kanina.

Tumayo naman si Sela at lumapit samin "Abelaine pinag sasabi mo diyan? Makakahanap tayo ng ibang paraan ayuko hindi ako papayag!" Sigaw ni Sela niyakap naman siya ni abby ng mahigpit. Agad kong iniwas ang tingin ko sa dalawa.

"Tandaan mo to Kung sakaling di ako makakabalik gusto ko maging masaya ka pa din, Huwag kang iiyak" Yakap yakap ni Abby Si Sela habang sinasabi niya yun di ko naman maiwasan di malungkot sa mga nasaksihan kung kailan ngayon lang naging okay sila syaka naman aalis si Abby.

Hindi kana nakakatuwa tadhana.

"Paano ako magiging masaya kung wala kana? Ikaw nalang meron ako ngayon tapos mawawala kapa abby please huwag mo ng ituloy ang binabalak mo sasama kami" Maiyak iyak na sabi ni Sela habang yakap yakap na mahigpit si Abby.

"Marsela ikaw lang ang una't huli kung mamahalin, Hinding hindi magbabago yan mahal na mahal kita okay huwag kanang malungkot diyan" Hinalikan naman ni Abby si Sela sa noo. "Babalik ka Abby Siguradohin mong babalik ka" Sagot ni Sela at hinawakan yung mukhang dalawang pisngi ni abby.

Hindi na sumagot si Abby at ngumiti nalang sa kanya. "Abby naman sumagot ka! babalik ka Papakasalan pa kita" Nagulat ako sa sinabi ni Sela kahit sila Gabb nagulat din sa sinambit ni Sela.

"Mangako ka sakin na babalik ka, Babalik ka para pakasalan ako abby Kung mahal mo ko babalikan mo ko at papakasalan mo ko" Pinunasan naman ni abby ang luha ni Sela sa mata. "Sela hindi ko kayang mag promise na walang kasiguradohan" Ngiti ni abby.

"Ate abby...Tutulongan ka namin" Napalingon ako kay Ella na nasalikodan ni Gabb. "Makakabalik ka dito promise yan!" Ngiti ni Ella kay abby.

"Sela bitaw na aalis pako. Paano ako makakaalis kung Nakayakap ka sakin?" Tanong ni Abby kay Sela na nakayakap pa din sa kanya. "I love you abby" Hinalikan naman ni Sela si Abby sa labi bago kumalas. Tumakbo naman si Sela papasok sa kwarto.

nakatingin lang si abby kung saan diretson pumunta si Sela. "I love you too sela" Sabi nito. Bigla naman pumatak ang luha sa mga mata niya lumapit na ako dito.

"Hindi ka nag iisa sasama ako" Tumingkayad pako para mahawakan yung balikat niya. "Sasama kami Ate Abby" Seryosong sabi ni Gabb.

"See? Hanggang sa huling laban sasama kami sayo. Hindi naman pwede na ikaw lang ang hero dito joke sasama kami" Nagbiro nalang ako para kahit gaano hindi bumigat ang kalooban nitong kasama ko.

"Gabi na matulog na kayo Maaga pa ang laban Niyo bukas" Biglang singit ni Ella sa usapan namin. "Oo nga matulog na tayo" Inakbayan naman ni Gabb si Ella.

"Mauna nakong pumasok sa kwarto ko" Sagot ni Abby at umalis sa harapan namin. Bumuntong hininga nalang ako pag kaalis niya.

Tutulongan ko si abby hindi naman pwede na siya lang mag suffer, Kahit papano matalik na kaibigan ko yan. Pero inaalala ko ang mangyayare ngayon, bukas at susunod na araw pa. Dahil hindi namin alam ang susunod na mangyayare.

Abby POV

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad kong nilock ang pinto umupo ako sa kama ko. Kahit ako kinakabahan sa ginagawa ko hindi ko alam kung makakabalik pako sa bahay nato.

Atlis kung sakaling mawala ako nalaman ko na gusto akong pakasalan ni Sela, Sisikapin kong makabalik para sakanila At lalong lalo na si Sela ayukong iwan siyang mag isa. Pero sino ba naman ako para mapredict amg mangyayare samin.

Bigla naman nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?" Patanong na sagot ko habang hinihintay magsalita ang caller. "Ate Abby! huwag kang pupun----Arrrrrrggh!" Agad akong napatayo sa narinig ko.

"Coleen! naririnig mo ba ako Hintayin mo ko diyan ililigtas ko kayo" Natatarantang sabi ko na hindi alam ang gagawin. "gusto mo nabang makita ang mga kaibigan mo? Ikaw din gusto ka nanamin makita abby." Medyo creepy na boses ang narinig ko. nilayo ko naman kuntiang phone ko sa tenga ko.

"Nasaan sila? Pupuntahan ko sila siguradohin mong hinding hindi mo sila sasaktan" Seryosong sagot ko dito "Ititigil nanamin Pag dumating ka dito magpapadala ako ng tauhan na mag hahatid sayo papunta dito kung saan pwede mo silang puntahan at kunin" Sagot nito at binaba ang tawag hinagis ko naman ang phone ko sa higaan ko.

"Ate abby! huwag kang pupun--Arrrrrrrgh!" Bigla ko naman narinig sa utak ko yung boses ni Coleen. Damn bakit si Coleen nalang lagi? hindi nalang ako. Gusto ko makipag palit ng position sa kanya ng sa ganun ay hindi na siya masaktan pa.

Bigla naman akong may narinig na bosena mula sa labas ng bahay. Tumayo ako at sumilip sa bintana ko. Nakita ko ang isang itim na van at isang taong nakamaskara na naghihintay sa labas.

"Mukhang ito na nga" Hindi nako nag ayos pa at mabilis na lumabas sa kwarto ko. lumingon lingon pako kung May tao pang gising. Nakahinga naman ako ng malalim ng mapansin kung tulog na ang mga kasama ko.

Bago ako lumabas ay Pumunta muna ako sa Kwarto ni Sela pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Sela na Mahimbing na natutulog umupo ako sa tabi nito at tinitigan muna ang mukha niya.

"Sela tandaan mo na mahal na mahal kita hindi magbabago yun, Maraming babae ang dumating pero ikaw lang hinintay ko ngayon bumalik ka ako naman ang aalis" Hinawi ko naman ang buhok nito. "Abby....Babalik ka" Sabi nito habang nakapikit. kahit sa pagtulog napapanaginipan pa din niya ako lmao.

"Iloveyou ingatan mo sarili mo" Hinalikan ko naman siya sa noo bago ako umalis sa kwarto niya.

Pumikit ako saglit bago at minulat ko agad ang aking mata bago ako lumabas ng aming bahay. Bigla naman may tumakip na kung ano sa mukha ko At naramdaman kong pinasok ako nito sa van.

"Boss hawak nanamin siya papunta na kami diyan" Rinig kong sabi nito itim lang ang nakikita ko dahil sa kung anong bagay na nakatakip sa buong mukha ko.

Pumikit nalang ako at hinintay ko ang oras na makikita ko ulit ang mga kasama ko. Ibabalik ko lahat sa normal ibabalik ko sila sa mga taong mahal nila. Kahit mamatay man ako ngayon atlis naligtas ko ang mga kaibigan ko.

----

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon