One Shot
Punchline Pa More
Damn! Its Monday, meaning, papasok na naman ako sa school. Nakakaboring na! *hikab*
Papasok na sana ako sa room ng biglang
"Cindy!!!!!!!!!!!!!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Jasper na papalapit sa akin
"Huwag!!!!!" sigaw nito
"Ano na namang ginawa ko?!"
"Muntik mo na kasi matapakan ang puso ko na nahulog ng makita ka"
"Luh?! Ang korni ah! Mangtitrip ka na naman ba? " ako
Nagpatuloy na ako sa paglalakad
"Cindy!!"
"Ano na naman?"
"Pwede bang makahiram ng cellphone?"
"At ano namang gagawin mo sa cellphone ko?"
"Nagpromise kasi ako sa magulang ko na tatawagan ko sila agad kapag nakita ko na ang babaeng nagpatibok sa puso ko at nasa harapan ko na ito ngayon"
Tumingin ako sa likod ko. Ako lang ang nasa harapan niya
"Ako bay niloloko mo Jasper? Napapagod na ako ah!"
"Bakit ka pa mapapagod kung nasa harapan mo na ang lakas mo?"
"Gagi ka talaga Jasper! Ano ba talagang gusto mo?"
"Cindy wag mong itanong sakin kung anong gusto ko, kung ayaw mong madulas ako at ikaw ang masabi ko"
O/////O
"Bwisit ka talaga!"
Nilagpasan ko na siya at umupo na sa chair ko
"Arayy!! Ang sakit"
Napatingin ako bigla sa gilid ko at nakita ko doon si Jasper na nasa sahig
"Ano bang katangahan yan?!!"
"Cindy, Isa akong anghel na nahulog mula sa langit.Nagkagusto kasi ako sa isang tao kaya pinatapon ako sa lupa. At ikaw ang may kasalanan nun dahil sayo nahulog ang puso ko."
>///<
DUG DUG DUG
Tumayo na ito at Humarap sa akin
"Cindy, Alam mo ba kung bakit Jasper ang Pangalan ko?"
"Aba malay ko sa nanay mo!"
"Pinanganak kasi ako Jas per you"
DUG DUG DUG
"Bwisit ka Jasper!"
"Eh alam mo rin ba kung bakit Cindy ang pinangalan sayo?"
"Trip ng mama ko, paki mo ba!!!"
Hinawakan nito ang aking mga kamay at tumingin sa aking mga mata
"Ikaw kasi ang mag ci cindy sa madilim kong mundo"
DUGUDUGUDUGUDUGUDUGU
"Gagi ka talaga Jasper! Alam mo ba kung anong manyayari sayo kapag hindi ka pa tumigil?"
"Ano namang mangya...."
Tsup
:3
O_O
"Isa pa talagang punchline mo, Lagot ka na sa akin. Kung gusto mo manligaw, sabihin mo lang. Hindi yung kung ano ano pang katangahan ang ginagawa mo. Ano manliligaw ka ba?!!"
*tungo* - jasper
"Oh edi Oo na!" ako
"Huh?" naguluhan si Jasper kaya napatingin siya sa akin
"Oo na. sinasagot na kita. tayo na. Bakit ko pa kailangan patagalin kung nasa harapan ko na ang magbibigay sa akin ng Forever"
"Cindy, please lang wag mo kong pakiligin" ang tanging naisagot ni Jasper
Luh?! ako pa ngayon ang nagpakilig? Sino kaya muntik ng atakihin dito dahil sa pinagsasasabi mo. Ayos ah! ako na may kasalanan
Pero ok na rin. At least kami na, ng crush ko :P
THE END
BINABASA MO ANG
Punchline Pa More - One Shot
RomancePaano manligaw? Madali lang basta may Punchline ka *wink*