CHAPTER 3

90 3 0
                                    

======++++++=====

After ng long vacant hours, dumiretso na ko sa Delta building, 15:35 na pala. Papunta na ko sa elevator na may nabasa ako, ‘ Out of Service’ Nakngsiopao naman yan! Okay, no choice. Stairway to hell. Tsk. Baket kasi 5th floor ‘tong building na ‘to?!

After 45676541200 years, finally! nandito na ko sa tapat ng pinto ng rooftop. Half open pa, kaya nakita ko si Higs (Higante) na nakaupo sa bench malapit banda sa railings ng rooftop, nakaheadphones pa sya habang nakapikit. Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala sya nakauniform, sabagay kakatransfer pa lang naman nya. Pero anong ginagwa ny dito sa GU? Hmm.

Lumapit na ko sa kanya.

“Hoy!”Sabay kalabit sa kanya. Minulat naman nya yung mga mata nya sabay tanggal ng headphones.

“Andito ka na pala.”

“Hindi, wala pa. aparisyon ko lang ‘to. Tss .” I heard him sighed. Pumunta na lang ako sa may railings ng rooftop, dinungaw ko na lang yung mga tao sa baba. Habang sya nakaupo lang dun bench sa likod ko.

“Ano bang kelangan mo?” Tanong ko sa kanya  ng nakatalikod.

“Alam mo bang isang beses pa lang akong nakahanap ng taong makakapagpasaya sakin?” Napalingon naman ako sa kanya at tinaasan ko na lang sya ng kilay.

“Ano naman ngayon sakin?”

“Pero dahil sayo nawala sya. Nawalan na ko ng pagkakataon na makapiling at makasama sya.” Eh? Drama marathon? At lalong napataas pa ang kilay ko sa mga sinasabi nya.

“Kung eto yung nangyare kahapon, di ko na kasalanan yun. Tandaan mo kasalanan mo rin yun” Sinabi ko yun ng may mataray na tono.

“I’m chasing her for almost one year. Chance ko na yung kahapon pero nawala dahil sayo.” Aba!

“Hoy, ang tigas naman ng mukha mo, kasalanan mo rin kasi yun! Boplengs!”. Sigaw ko sa kanya, aba HB ‘to ah. This time tumayo na sya, napaatras ako bigla. Di na bago sakin na matangkad talaga sya. Pero nakakapanliit talaga pag kaharap ko sya, hanggang chest nya lang ata ko. Lumapit na din sya sa may railings. At tumingin sa baba.

“Sabi nya sakin na sasagutin na nya ko kahapon, magiging kami na din sana sa wakas kung nahabol ko lang sana sya.” He said it with a sad tone.

“Kung pinadaan mo na lang sana ko kahapon, kung hinayaan mo na lang ako na mahabol sya, sana kami na ng babaeng minamahal ko ngayon.” Aba! Sobra na ‘to ah!

“Siguro nga may mali din ako, and sorry for that pero alam mo, sating dalawa mas mali ka.” Napatingin naman sya sakin bigla. Nagseryoso muna ko.

“Mali?” tanong nya.

“Mali talaga. Kasi unang una HINDI AKYATAN ANG PABABANG ESCALATOR!” Sigaw ko sakanya. Nabigla naman sya.

“At pangalawa, kung gusto ka talaga ng babaeng sinasabe mo, simpleng oo lang naman ang isasagot nya sayo. Pero anong ginawa nya, Pinagmukha ka pang tanga para pahabulin ka pa nya. Ano ka, aso? Tss.” Napayuko naman sya sa sinabi ko. Tama naman diba?

“Kaya please lang, wag mong isisi yung mga kamalian mo sa ibang tao. Kaya nga siguro nangyari yung kahapon e, kasi di talaga kayo destined for each other. Aba isip isip din kasi.” At iniwan ko na lang sya dun na tulaley. Naglalakad na ko papuntang pinto ng rooftop at  pababa na sana ng bigla nya kong tianawag.

Your Existence, Complementing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon