Chap. 6 ♥ News

11 0 0
                                    

Kalex POV

Okay, Inhale..Exhale.. Kaya mo to Kalex, Napakadamdamin ko ngayong araw na'to. Sus! Para yun lang diba? Nakipag..Nakipag...Huhuhu! Ayan nanaman, nararamdaman ko nanaman ang masasakit na nangyari kanina. Tss!

Habang naglalakad ako papuntang susunod na klase ko.Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa wallpaper ng cellphone ko. Tsk tsk!

Siya lang naman kasi ang Wallpaper ko. Tch.

Ang bilis ng araw na'to..Parang Fastforward lang. Nag lunch kami kanina ng mga kaibigan ko at nagulat rin sila sa ikinuwento ni Vanessah at Hanna..At hindi ko akalaing susugurin nila si Naaca sa Gemanzo, Shete..Hindi ko nga alam kung matutuwa o maiinis ako sa ginawa nila kaninang lunch.

"Class dismissed.." Puro yan ang naririnig ko. Mygash, Wala na ata akong natutunan ngayong araw. Kailangan kong makabawi bukas..

Triiiiing!

Okay, Uwian na. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na nanatili sila sa cafeteria. At dumeretso agad ako sa parking lot. At syempre hinanap ang magandang kotse ko na 'Porch' lang naman ang tatak non. Simply but beauty.

Beeeeeppp!

My gad! magpapakamatay ata ang lukong 'to ah. Bumaba ako sa kotse kong maganda. Tinignan ko kung sino ang lokong nakaharang sa gate namin at basta nalang tumakbo..

"My gawd! magpapakamatay ka ba? Gusto mo bang magpakamatay? Samaha--" Shit! Kilala ko 'to. Eto yung..yung...

"Ikaw nanaman?!"Sigaw niya. See? Kilala ko nga 'to. Eto yung binato ako ng bola.

"Oo ako nga..Bakit ba kasi paharang harang ka sa gate? At tumakbo ka pa? Problema mo?" Sabi ko. Biglang nag iba ang aura niya. Tumayo siya dahil nagulat siya kanina nung binusinahan ko siya kaya ayun natumba. Wala namang tama eh.

Nakatingin siya ng masama sakin.Te-teka may nagawa ba akong ikinasama niya?

"Ikaw ang problema ko.Alam mo, kanina ka pa masungit ih. Una, hindi ko naman sinasadya ang pagsambot mo sa bola ko pero sinigawan mo ako. Pangalawa, Eto. May importante akong pupuntahan pero dahil sayo nalate na ako!Shit. Yari ako. Dyan ka na nga! Leche!" Sabi niya habang papalayo na siya sakin. At ako? Eto nakatunganga at nakatingin sa tumatakbo at Hot-- Huh? Teka. Ano ba yan, Sasakay na nga ako baka kung ano pa masabi ko sa mokong na yun. Uuwi na ako para makapagpahinga agad..

Nakauwi na ako sa bahay namin, Ay sorry Mansyon pala. Umakyat agad ako sa kwarto para magpalit ng damit..Pagkatapos pupunta ako sa kusina para kumuha ng paborito kong Fresh Milk at umakyat ulit sa kwarto ko. Wala pa naman sila daddy and mica. For sure busy pa sila hanggang ngayon.

Triing!Triing!

"Ay kabayo!" Lintek na phone.Bigla bigla na lang may tumatawag.Basta ko nalang sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Well, Busy kasi ako sa panonood ng Barney.. Okay, Hindi ako bata. Paborito ko kasi to. So Bakit ba?! Kaya wag niyong lalaitin ang mahal kong barney makakatikim kayo ng SunPa! Suntok na may Sipa! Tch.

"Hello?" Sabi ko sabay inom ng Freshmilk.

[Hi best, napanood mo na ba yung nasa news?]Aah! Si Jovelyn pala 'to.

Anong meron sa news.

"Hindi eh,Ano bang meron don?" Ininum ko ulit yung fresh milk.

[Basta ilipat mo sa News, Teka ayos ka na ba? Gusto mo pumunta ako dyan para i comfort ka.] Aww. Napangiti ako dun. Grabe, Wala ng tatalo pa sa mga kaibigan ko na 'to.

"Well, Im fine. Okay na ako, Dahil dyan napangiti ako. So jovelyn, kahit labag sa kalooban ko dahil ililipat ko sa news. Ililipat ko pa rin." Sabi ko sabay inom ulit ng fresh milk. Inilipat ko naman din agad sa news..

"Pweee!" Hi-hindi ako makapaniwala. T-teka paanong?

---
Sorry guys, Bitin ba?Hayaan niyo bawi ako. :) But thanks sa mga nag babasa.
May pasok na ulit! Hahaha. So goodluck and ingat sa mga papasok bukas. TAKE CARE! Loveyou all.

-LostAndFound123

Being with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon