Chap. 7 ♥ Fighting

17 0 0
                                    


[Ano best nakita mo na ang gawa ng daddy mo? Suprise niya daw yan.]Sabi niya.

At ako? Nanginginig dito..Ayoko ng suprise ni daddy.AYOKOOOO!

*toot toot*

Pinatay ko ang cellphone ko. Alam kong marami ang tatawag sakin ngayon..Nararamdaman ko dahil sa bwisit na suprise ni dad.Hindi naman sa nagagalit ako sa kanya pero ayoko ng suprise niya. Huhu! Paano na to bukas?

Kinabukasan...

Triiiiiing! *Pak*

Pinatay ko na ang alarm clock ko. Actually naunahan ko pa yan eh.Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa..sa news kagabi at suprise ng dad ko.

Bumaba ako sa hagdan ng dahan dahan.Nakita ko si daddy na nagbabasa ng dyaryo niya at si mica na kumakain na ng breakfast.

"Ate did you like--"Hindi ko siya pinatapos at tinitigan ko siya ng masama.
"I like but.."Mahina kong sabi,Habang umuupo na ako sa harap ng pagkain.

"But?" Tanong ni dad. Bigla akong napatingin sa kanya at pinilit na ngumiti.

"But..But..But i like?" Tae,mukhang mali ang sagot ko..Ayokong mapahiya sakin si daddy.Kasi ayoko lang ng suprise niya sakin.

"Hmm?"Napayuko ako at kumain na lang ng tahimik.

"Ahm, Dad. I have to go..Nag text na yung classmate ko na nasa coffee shop sila gawa nung project ko." Sabi ni mica at hinalikan na si dad at umalis.

Hmm..Gusto ko na rin makaalis,"Iha?Hindi ka pa ba aalis? What time is it?"Napatingin ako kay dad.Tama! Aalis na ako kahit ayoko pa talagang umalis na gusto ko na rin umalis.Ahrg! Nalilito na ako dahil sa Suprise na yan!

"Ah,Sige..Bye po dad. Thanks nga pala! iloveyou.."Sabi ko at hinalikan siya sa kanang pisngi. Tumango lang siya sakin at ngumiti.

Sumakay na agad ako sa kotse ko at pumuntang school. Sa gate palang nakita ko na ang mga kaibigan ko.

Bumaba ako sa parking Lot.

"Best, Ang ganda mo dun sa news ah. Ayun yung suprise na ginawa ng dad mo." Salubong agad sakin ni patricia.

"Hehe, ayoko nga kasi nakakahiya.Saka alam niyo naman siguro na secret ko lang yun eh." Nag pout ako. Nakakainis talaga, Ang sarap maka suntok! Ayoko talaga ng inilalabas ang secret ko.

"Best, Ano ka ba. Alam kong hindi mo pinagsasabi na magaling ka sa drawing pero yung sa news. Para kang totoong Artist na!" Sabi ni jommelyn habang hinahawakan pa ang magkabilang braso ko. Ngumiti lang ako.

Pero secret ko lang yun..

Alam ko masyado na akong te-Arts dito pero kasi ayoko talaga ng may nakaka'alam. Tch!

Triiiing!

Okay,oras na ng klase at nag punta na kami sa kanya kanyang klase.

Mabilis na tapos ang klase at ngayon nandito kami sa cafeteria. Nagkakanya kanya kaming research.

May bigla naman akong naalala na kailangan kong bumili ng libro sa bookstore..Well, katapat lang naman ng School gate namin yun eh.

Nag paalam muna ako sa kanila na bibili ako ng libro para sa sarili kong ginagawa. Sa totoo lang kaya ko naman ng walang libro, Tinatamad lang ako..

Hmm, Nandito na ako sa bookstore.
"Good afternoon ma'am" Sabi nung babae sa may counter. I nonned.

Tumingin ako sa mga maninipis na libro lang. At Aha! Found it. T-teka..

"Sorry miss pero ako ang nauna dito."Nakatalikod ako sa lalaki kaya hindi ko nakita ang mukha.Pero, yung boses..Kilalang kilala ko.

Humarap ako at pinagsisisihan ko na dapat hindi nalang ako humarap pa.

"Ano ba miguel, ako ang unang nakahawak kaya ibig sabihin ako ang nauna."Kinuha ko yung libro at binayaran sa counter.Mabilis akong lumabas ng may biglang humigit sa braso ko.

"Ano ba!? Nasasaktan ako." Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Lasing k-ka ba?" Napansin ko ang pagmumula ng mata niya."HINDI."Napapikit ako sa pagkakasigaw niya sa harapan ko. Nanggigilid nanaman ang mga luha ko dahil bukod na sinasakta niya na ako,Sinigawan pa.
*Booogshhh!*

Bigla nalang napaupo si miguel at hawak hawak ang magkabilang pisngi niya.Bigla naman sumugod si miguel sa lalaki at sinuntok rin pabalik,Pero nakailag yung lalaki.

Hindi ko namalayan na tapos na pala sila sa pagaaway at ako nakayuko sa harapan nilang dalawa.Umiiyak na pala ako.

"Are you okay?"Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha. Bigla akong tumakbo palayo sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang mga paa ko. Namalayan ko nalang na nasa rooftop ako ng school namin..Dito muna ako magpapalipas oras hanggang sa maging okay na ako..

---
Hi guyss. Please vote! :)

-LostAndFound123 #Fighting

Being with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon