"Okay Here we are. Malapit lang naman ito sa school natin, Konting lakad lang mula dito. Lima kayong babae ang nakatanggap ng Quest na to. Yung iba, Matagal na sa Quest na to dahil hindi pa nila ginagawa ang dapat gawin. Yung iba katulad mo lang na isang baguhan." Sabi ng Mrs. Lapucon, Head Teacher sa buong school namin.
Tumingin ako sa malaking gate ng school na to. Siguro, yung ka akbayan na babae ni Miguel ay isang Quest din dito. Kaya pala nakakapasok siya ng ganun kalayo. Samantalang ako sa harapan lang ng gate na to.
"This is your.. Buksan mo." May ibinigay si Mrs. Lapucon na card, Binuksan ko naman ito.
Nakita ko ang nakasulat.
"Silence?" Tinignan ko si Mrs. Lapucon. "What does is mean?" Tanong ko.
"Silence..Means, Kailangan maging tahimik ang magiging kaklase o room na pupuntahan mo." Sagot ni Mrs. Lapucon, Teka? Para ba akong tagapagpatahimik dyan sa school na yan?! What the heck?! Ibig sabihin magulo dyan! Fvck. Hirap non!
"Come, Pupuntahan na natin yung room mo." Pumasok na kami sa loob ng Gemanzo University.
Sabi ni Mrs. Lapucon, Hanggang 4th floor ang school na to. May Tatlong building rin dito at may malaking soccer field kung saan naglalaro ang soccer boys. Meron ding Court na malaki kung saan nag babasketball.May Tennis Court at Volleyball Court. Malaki ang School na to kumpara sa pinapasukan namin.
Umakyat kami sa 3rd floor, Psh! Wala bang Elevator? Poor.
"Okay this is it." *toktoktok*
Kumatok si Mrs. Lapucon, My gash! Parang kinakabahan ako ah. Sana sana sana hindi ko kaklase si Miguel.
"Oh Hi, Mrs Lapucon. Come .." Ano ba yan, Pumasok kami sa room at shemaaayy! KAKLASE KO SIYA. Ahrg! I hate youuu.
'Wiwit!'
'Wow! New GIRL Classmate!'
'Ganda pare,Liligawan ko yan.'
'I like you miss..'
What the heck?! Parang mga bata. Leche, Tumingin ako sa way ni miguel at nakatingin siya ng masama, WHAT HIS PROBLEM?!
Fvck yow!
"Silent please.."Tumahimik ang buong klase. Hmm, Mukhang hindi naman pala mahirap ang ipapagawa sakin ah. Mga ilang araw lang kaya ito?
"This is Miss. Kalex Jade Arstelaty." Sabi ng teacher nila. Nag bow ako at ngumiti sa kanila.
"Maam, New Quest girl nanaman ba ito?" Sabi ng lalaki na singkit.
"Hm, Yes it is. But, Kailangan natin siyang sundin para makaalis agad siya dito.." Napatingin ako sa teacher, WHAT THE HECK?! dapat hindi niya sinabi yun at baka kabaliktaran ang gawin nila. Nagbobobohan ba ang teacher na to o sadyang bobo lang?! Kaasar na ha.
"Okay Miss Arstelaty, You may take your sit." Humanap ako ng upuan and tadaa~ Salamat at malayo sa hinayupak na lalaking yun. Nasa malapit na bintana ako na medyo hulihan. Katabi ko ang lalaking natutulog. -___- Yung totoo? Ganun na ba kabait ang teacher nila at may natutulog pa? Fvck this life huh.
Triiiiiiiing!
Nagulat ako sa bell. Ano kaya ibig sabihin nun? Tapos na ba ang klase o Lunch pa lang?
Tumingin ako sa relo ko. Lunch lang pala, Tch!
"Okay Class dismissed. " Ayun! Lutang ang utak ko. Wala man lang akong natutunan, Psh! Ang arte kasi ng University na to at may pa- Quest quest pa! Sheteng tinik na hayup lang.
Pagkalabas na pagkalabas ng teacher nagsipuntahan sakin ang News Classmate ko. Tch!
'Hi Miss.'
'Pede makuha number mo?'
'Can I court you?'
'Please be my girl.'
Yung totoo? Ganun na ba talaga ako kaganda o sadyang gurang lang talaga ang mga lalaki na to at first time atang makakita ng babae.
Nginitian ko lang sila at aalis na sana ako ng may humawak sa wrist ko. Ayoko lumingon, siya yun eh. Problema ba nito? Diba tapos na kami?
"Lets talk.."
---
A/N:Next chapter. :)
-iamKJhaz.
BINABASA MO ANG
Being with you
Teen FictionNaramdaman niyo na bang mainlove? Yung hindi Crush kundi Love. Hindi Paghanga kundi Mahal. Kasi ako 'Oo' .. Weird pero totoo.. Gusto niyo bang malaman ang storya? Basahin mo, Wala namang mawawala diba? :)