Nahulog nang di ko namalayan, hinahanap na kita nang hindi sinasadya

8 0 0
                                    

STACEY

Lunes ngayon. Nagpasama ako kay Jay sa supermarket. Ubos na stocks ko? Hindi.

Wala lang, gusto ko lang syang makasama. Kaibigan ko sya simula pagkabata. Pero hindi ibigsabihin non eh hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing ko sakanya.

Mahal ko sya. Hindi nya lang alam. Hindi nya lang napapansin at nahahalata.

Siya na lang kasi yung laging nasa tabi ko at hinding-hindi ako iniiwan. Siya yung taong nagpakita sa akin kung gaano ako ka-worth it bilang isang tao. Siya na lang yung taong nagmamahal sa akin at tanggap kung sino ako.

Yun nga lang, hindi ko masabi sakanya. Baka layuan ako, baka mailang sya, kahit na alam kong hindi  ganon yung ugali at magiging reaksyon nya.

Pero alam ko na kung ano yung sasabihin nya. Na "pasensya na pero, hanggang mag kaibigan lang tayo."

Masakit. Pero mas masakit kung malalaman nya at marereject pa ako. Isa pa, may gusto na yata syang babae.

Pero before it's too late, I need to do something.

Habang namimili kami nakita ko syang nakatitig sa isang kahera. Nakakapukaw nga naman talaga sya ng pansin, ang ganda nya, maputi, matangkad.

"Uy baka matunaw yan." Biro ko sakanya, pero di nya yata ako narinig.

Umalis na lang muna ako, di ko kinakaya yung nakikita ko.

Alam kong mangyayari ito, yung magkakagusto yung bestfriend ko sa iba at unti-unti na akong nagiging invisible. OA pero, nakakalungkot lang isipin na pag nagkaroon sya ng girlfriend baka layuan at iwan nya na ako.

Nasa counter na ako pero nandoon pa rin sya sa pwesto nya. Nakatitig pa rin sa babae. I have no choice, tatawagan ko na sya.

Habang papalapit siya sa akin, nakangiti sya, yung para bang ngiting abot langit at ngiting nanalo sa lotto pero yung prize nya ay yung babae. At eto nga ako, NAHULOG NA NG DI NAMALAYAN, sa bestfriend ko.

-------------------------------------------------------------

TRAVIS

Dahil nga napatunganga ako sa ganda nung babae, haha kidding, slight HAHA. Naiwan na pala ako ni Stacey kaya sya tumawag.

Papalapit ako sa bestfriend ko nang mapansin ko na iba yung titig nya sa akin. Yung titig na para bang na love at first sight sya sa akin. Could it be possible na mahal nya ko? Wait, what am I thinking? We are just bestfriends and hinding-hindi namin naiisip na maging over that yung relasyon namin sa isa't-isa. We got each other's back as bestfriends and siblings by heart. Yun nga lang, ganoon rin kaya ang iniisip nya? Na hanggang mag kaibigan lang kami?

"Oh baka matunaw na ako nyan" pang-aasar ko sakanya.

"Ang kapal nito! Ikaw nga may babaeng tinititigan lang kanina tas biglang di mo na ako narinig. Nag seselos tuloy ako" pabulong nyang sambit, pero rinig na rinig ko pa rin HSHAHA

"Ano sabi mo? Nagseselos ka? Best?" tinawanan ko na lang sya, ang cute nya pag nagbblush.

"Ha? Wala iyon. Wala akong sinasabi." kita ko sa mukha nya ang hiya. Napayuko na lang sya.

"Talaga? Akala ko may narinig ako HAHA" hindi ko na sya inasar ulit, baka magalit pa sa akin eh.

Pagkaraan namin sa supermarket ay agad na kaming umuwi. Tahimik lang kami sa byahe. Walang gustong mag bring up ng nangyari sa grocery. Nagulat ako nang biglang umimik si Stacey.

"Jay, can you just try to be my boyfriend?" She is desperate, I can feel it.

"Just for a month, para lang malaman mo kung gaano kita kamahal. Jay, I love you and I can't hide it."

-------------------------------------------------------------

STACEY

What the freak am I saying? Why am I doing this? Why am I crying?

"Stacey, I-"

"It's okay, alam ko namang sasabihin mong magkaibigan lang talaga tayo." sanay na ako sa pakiramdam ng rejection.

I don't know what to do anymore, I am desperate and maybe he would learn to love me during the process.

"Stacey, I don't know what to say. I don't get it, why? Why are you desperate like that?"

Ofcourse, I have to explain.

"You see and I know that you know na lagi akong iniiwan and you are the only person who stayed with me through ups and downs. And accepted me for who I am. Whenever i'm alone, ikaw lang naiisip ko, gusto kong makasama ka. HINAHANAP NA LANG KITA NANG HINDI KO SINASADYA."

"I don't know what to say, Stacey. Parang ang bilis? You just want it happen right away? Parang di naman yata tama yon. And you are wrong, hindi ko naman ipagkakait yung pagmamahal na hinihingi mo mula sa akin. You are not just my bestfriend or sibling by heart, I can also be your boyfriend you deserve. So is it okay? That, hmm, i'll court you?"

Wait, am I just hearing things? Is this just my imagination? Totoo ba ito?

"Uhm, okay, you agreed. Pilit ba ito? or willing ka? Teka i'm overwhelmed." natawa na lang din ako kasi hindi ko ineexpect na papayag sya.

"ARE YOU SERIOUS? HAHAHAH"

"Stacey, sa bawat heartbreak mo, nandyan ako sa tabi mo. And nakikita ko na deserve mo talagang sumaya. I'm doing this for you, kahit na-"

"Kahit na ano?"

"Kahit na may babaeng nakabihag ng puso ko. Handa akong kalimutan sya para sayo. Tutal hindi ko pa rin naman sya gaanong kilala."

"Thank you Jay! So much" I hugged him very tight.

What a great day!

-------------------------------------------------------------

TRAVIS 

"Kahit na may babaeng nakabihag ng puso ko. Handa akong kalimutan sya para sayo. Tutal hindi ko pa rin naman sya gaanong kilala."

Seryoso ba ako sa desisyon na ito? Handa ba talaga akong kalimutan si Aubree? Natatakot din naman ako na baka masaktan ko rin si Stacey.

Pero I have to do this for Stacey. I have to atleast try to make her happy.

"A month? Jay, deal? If it works, then great. If it didn't work, okay i'll let you go and sige balikan mo yung girl na sinasabi mo, hanapin mo sya."

We shook hands, tomorrow is another day, i'll be Stacey's boyfriend and I need to forget everything about Aubree. Will I succeed?

Bahala na si spiderman😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nahulog Nang Di NamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon