At sa isang tingin, nagbago ihip ng hangin

5 0 0
                                    

AUBREE

Makikita ko kaya ulit sya?

Sana oo, sana hindi.

Oo, kasi gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko syang maging kaibigan. Di naman siguro  mahirap yung hinahangad ko diba?

Hindi, kasi nakakahiya yung inakto ko sa harap nya nung nakaraan. At saka baka pagtaguan ko nanaman sya katulad nung nangyari sa supermarket. Isa pa, naiilang din ako nung nagkatinginan kami.

Katulad nang sabi ko dati, mag-isa lang ako sa bahay. Weekend ngayon at wala na akong magawa. Minsan pala nakakalungkot din ang mag-isa. Hindi ko naman mapapunta yung mga kaibigan ko rito kasi busy sila dahil may sarili na silang mga pamilya. Tatawagan ko na lang siguro sila. Gusto ko lang ng makakausap.

"Oh, napatawag kang babae ka" aba HAHAHA

"Ngayon na nga lang tumawag eh, parang ayaw mo yata??"

"Ito naman joke lang, kamusta ka na Aub?"

Hindi okay, gusto kong sabihin. Ang dami kasing gumugulo sa isip ko eh pati na yung lalaking iyon.

"Okay lang ako Lei, miss ko lang kayo" totoo naman, miss na miss ko na silang makasama at makakulitan.

"yie, otw girl!! Malapit lang naman kami dyan"

"Uy wag na nakakahiya-" di pa ako pinatapos magsalita, binabaan na agad ako ng telepono. Para hindi na rin siguro ako makahindi sa kanya.

Naghanda ako ng lunch. Maya-maya pa ay dumating na si Lei, kasama nya si Spencer, yung anak nya.

"HI TITA!!!" sigaw ni Spencer. Niyakap nya ako. Ang saya lang sa pakiramdam.

"Hi best! Earth to Aubree Lorraine!" Natulala pala ako HAHAHA

"a-ah sorry HAHA namiss ko kayo ni Spencer!"

Niyakap rin ako ni Lei at nagbeso. Pagkaraan non ay dumiretso dya sa kusina. Feel at home na feel at home nga naman. Natawa na lang din ako.

Lumipas ang oras. Andami naming napag-usapan pero ito lang ang naalala ko.

"So Aub, kamusta love life natin dyan? Di ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang dito? Tapos di ka rin masyadong nagcchat or text sa amin? Ayos ka lang ba?" Ito naman napakadaming tanong.

"First question, love life. Hindi ko naman priority yon, gusto ko munang maging successful sa buhay bago iyon. Second question, di naman ako nalulungkot kasi marami din akong ginagawa at kailangan tapusin kaya di ko na rin iniisip na mag-isa lang ako dito."

Pero sa totoo, nalulungkot ako. Kung alam lang nila, pero nakakahiya ring sabihin sakanila kasi baka maabala ko sila kapag pinapunta ko sila rito. Kaya laking pasasalamat ko nang dalawin ako ni Lei ngayon.

"Dami mong tanong, third question, busy lang ako kaya di rin ako ganoon kaactive sa social media. At pang huling tanong, hindi ako okay Lei."

Kailangan ko nang sabihin. Baka lang naman makatulong sya.

"Spill it. Maybe I can help."

"So there's this guy, dalawang beses ko na syang nakakasabay sa daan. Sa UV, I mean. Nung unang beses tinakpan nya yung araw non kasi naiinitan ako habang natutulog. Yung pangalawa, inabot nya sa akin yung panyo ko nung nahulog ko. Sa dalawang beses na iyon, 'di ko man lang nalaman yung pangalan nya."

"Ohh, so you are saying, na love at first sight ka? And gusto mo na ulit syang makita para makipag kaibigan?"

"yeah pero nung nakita ko ulit sya sa supermarket na pinagtatrabahuhan ko, pinagtaguan ko lang sya. Weird ko ano? Nakakahiya kasi eh."

"Ayun lang, girl, hanapin mo sya. Malay mo type ka din. Siguraduhin mong sa susunod na dalaw ko rito kasama mo na sya ah."

Demanding bestfriend. But i've got no choice but to find him to sort things out.

-------------------------------------------------------------

TRAVIS

I don't know why this weekend feels like a month. Maybe dahil dun sa babae nanaman? Nakakapagtaka lang din kasi di nya ako namumukhaan, tutal nagkakalat na rin ang mga mukha ko sa mga ads ng brands. Pero hmm, hindi lang din siguro sya active sa social media.

"Come here, Pakku!"

Pakku is my dog, my bestfriend. Isa syang teacup maltese, color white, one year old. First mine basis nalang po. Joke HAHA.

"ey Pakku! You wanna take a walk?"

Tumahol siya, yung tipong sumang-ayon sya sa mungkahi ko.

I took him for a quick walk. Since medyo mahangin rin sa labas. Ang daming lumapit sakanya para hawakan. Buti na lang din at hindi nila ako namukhaan. Pero may isa lang akong masasabi. IT'S MORE FUN IN BULACAN!! okay pasensya, wala palang connect yon HAHAHA.

We went home and si dad ang unang bumungad sakin.

"Wow, nag exercise? Nag pahangin? o may hinahanap?" Ngumisi rin sya, yung nakakalokong ngiti.

"I just took Pakku for a walk, ito naman. Hindi naman ako ganun kabaliw sakanya."

"Well, sabi mo eh. Tara na pasok na. Lunch is ready. Your mom cooked your favorite dishes."

Dumaan ng matiwasay at tahimik yung weekend ko. As the week starts, goal kong makilala yung babae. Since wala din naman akong masyadong gagawin.

-------------------------------------------------------------

AUBREE

Sinunod ko yung utos ni Lei, na bumalik na ako sa pagiging active sa social media at baka sakali lang namang makita ko doon yung lalaking hinahanap ko.

Pagbukas na pagbukas ko ng instagram, hindi ako makapaniwalang kaharap ko yung lalakin iyon. Yung lalaking pinagtaguan ko at nakasabay ko. Sya pala iyon, kaya pala pamilyar. Sya pala yung sikat na vlogger at model at nag-aartista na rin sa isang tv station.
Sya si TRAVIS JAY ORTEGA.

Hanggang sa pagpasok ko sa trabaho, iniisip ko pa rin sya. Sikat sya diba? Bakit nagcocommute lang sya? Hinahanap rin kaya nya ako? Teka, bat ba naisip ko iyon. Para namang sinasabihan ko syang stalker😂.

Umiigting na naman ang pagiging pabibo ng tadhana dahil pinagtagpo nanaman kami ni Travis. Nakita ko syang papasok ng supermarket, kasama ang isang babae. Girlfriend nya siguro iyon? Swerte naman nya. Ha? Bat ko naman naisip yon?

-------------------------------------------------------------

TRAVIS

Sinamahan ko lang si Stacey sa supermarket sa dahilang wala na raw syang stock sa bahay dahil sa stress eating na ginawa nya para maka move on sa hayop nyang ex. Inulit ko lang yung description nya sa ex nya HAHAHA.

Habang namimili si Stacey, napatingin ako sa cashier at naghahanap ng maigsing pila nang napansin ko na may isang kaherang nakatitig sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yon. Sya yung babaeng hinahanap ko. Pinilit kong basahin yung nasa name tag nya. AUBREE. Iyon pala ang pangalan nya. Bat nya ako tinititigan? Na-realize nya na bang ako yung lagi nyang nakakasabay? Namukhaan nya ba ako? Na ako yung vlogger? Ang daming tanong na pumapasok na isipan ko nung bigla nalang may tumawag sa akin.

"Jay asan ka na? Nasa counter na ako sa dulo. Di ko naman alam na di na pala kita kasunod."

"Ah sige papunta na ako." Nag lakad na ako paalis. Lumingon ulit ako, pero di na sya nakatingin sa akin. Pero ayos lang dahil ngayon alam ko na kung saan sya nagtatrabaho at kung sino sya. That's one step closer to being her friend.

Great job Travis.



Nahulog Nang Di NamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon