Felecia's
I was awaken by the ray of sunshine going through our window, as I can remember nauna na kaming natulog ni Artashia pero wala siya rito?
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakatambad sa sala at kusina na puno ng kalat at dumi. Mas lalo ako nanlumo sa C.R. argh! sino naman kaya ang nagsuka rito!
Mas minaigi ko munang maglinis ng sala, isa-isa kong dinampot ang mga basura at itinapon ito, naagaw lamang ang pansin ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.
Nagmamadali akong buksan at tumambad sakin ang mga sabog kong kaibigan.
" Grabe! nagka world war two ba mga bitch? HAHAHA! " Napatawa ako sa mga mukha nila, para silang mga palaboy sa kanto dahil sa gulo ng mga buhok at mukha nila.
" At least 'di kami titang nakatengga! " hindi maipinta ang mukha ni Chanel habang nagdedepensa.
Napatakbo si Katie sa C.R. at ayon! halos tumuwad na sa loob ng bowl! pumunta ako kay Katie habang tumatawa.
" Ayan! 'yan ang napapala ng mga 'di naka tengga! " pangaral ko, Chanel was also throwing up in the sink.
" Sarap pala talaga 'no! Kayong dalawa ha! tutulong kayo sa'kin mag ayos dito, ang umayaw? patay." pinagbantaan ko pa muna sila ng mas matagal at bumalik na sa pag aayos ng mga gamit.
Nang matapos kami sa lahat ng gawain ay minabuti naming manood na lang muna, Katie opened the t.v. and she decided to connect her phone so that we can watch Twilight Saga.
" Nako! kung ako si Bella si Jacob pipiliin ko! #teamjacob ako 'no! " ani ni Chanel at nag hashtag sign pa nga ang gaga.
" Luh, bhie! 'Di ka magiging si Bella! landi mo kaya. " inirapan ko naman siya, nagsisimula na naman mag imagine, mas mabuti na pukawin sa realidad habang maaga pa.
" Shh!! 'wag kayo maingay! " pagsuway sa'min ni Katie.
Tutok na tutok sila kakapanood ng Twilight saga (d)
habang ako nandito, kausap boyfriend ko, hirap pag ldr. Kung andito lang sana siya edi 'di rin ako nakatengga!" Asan na nga ba yung tatlo? Mamaya na flight na'tin eh. " do'n ko lang napagtanto na wala pa pala sila Art, Magnum at Margo.
" Hala! " sigaw ni Katie, napatakip pa siya ng bunganga habang nanlalaki ang mata.
" Oh bakit? bakit? " agaran kong tanong
" Baka... b-baka..." uutal- utal niyang sagot.
" Hoy gaga ano nga?! " tanong ni Chanel habang ina- alog ang katawan niya.
" Baka nag threesome sila! " nasapok ko na lamang sa ulo si Katie.
" Pota ka rin 'no Kat? " sabi ko ng makahinga ako ng maluwag, tumawa naman siya ng malakas.
" Sa dami dami ng maiisip, threesome pa. " napa irap si Chanel. " Edi sana inaya tayo no'n kung mag aano lang sila! "
Muntikan ko nang masampal si Chanel, Jusko! pag 'tong dalawa talaga nagsasama! Pa'no pa kaya pag bumalik sa dating sarili niya si Art! hays, i miss the old her.
Speaking of Art napatitig kami sa kanya nang sabay sila ni Magnum na lumabas sa kwarto, mapula pa ang leeg ni Magnum ng obserbahan ko siya. Nagtungo sila sa kusina at mukhang naghahanap nv pagkain.
" Mukhang hindi na threesome 'to ah, baka silang dalawa lang dapat kaya 'di tayo naaya. " wika ni Katie habang pabalik na si Art na may dala-dalang pinggan na puno ng kanin at ulam. Kinurot ko si Katie upang tumahimik na lamang.
" Art! asan si Margo? " pagbasag ni Chanel sa katahimikan.
" Huh? kala ko kasama ninyo? Kay magnum na ako natulog kagabi dahil kala ko papasok si Margo sa kwarto ni Ate Fele. "
" Tangina mo anong ate ka diyan, bigwasan kita eh. " inis na wika ko naman sa kanya.
" Oh Magnum! natulog lang ba kayo? " muntik nang mabulunan si Magnum sa itinanong ni Katie.
" Natulog lang, diba Master? " ani niya at siniko si Art kaya napatango naman ito.
" Weeeeeh? hindi kami naniniwalaa! " pagpupumilit ni Katie.
Naudlot ang pang aasar ni Katie ng pumasok si Margo, at mukhang 'di kami nahalata dahil may kinakausap pa siya.
" Okay, yup! I'll call you later! " ang gagang Margo ngiti abot langit, ito ata ang naka score.
" Aaaaah! " sigaw ni Margo sa gulat, napahawak pa to sa kanyang dibdib.
" Kumusta naman siya? " unang tanong ni Chanel.
" H-ha? a-anong s-siya? " nauutal pa nga kung sumagot, namumula pa.
" Kumain ka na muna do'n at mamaya na ang flight na'tin! kailangan busog kayo kasi ang iingay niyo pag hindi! " ani ko
Ginawa niya naman ito at kumain na rin sa may sala, ang tatlo sa'min ay nasa sahig naka upo habang nanonood at silang tatlo naman ay kumakain habang nakaupo sa sofa.
Tulog lang ba talaga? 'di rin ako naniniwala eh! HAHAHAHA.
-MAUMEI
YOU ARE READING
The harmonious lies in your shadows.
Fiksi RemajaArtashia just came from a traumatizing break up in where she was cheated on, and as a promise to herself for her not to get hurt anymore, is that there are no more new guys in her life. But then, what happens if the self proclaimed fuckboy finds her...