Umiiyak siya habang karga niya ang isang buwan palamang niyang anak. Sobrang ganda ng anak niya at hindi makakailang anak nga ito ni Caspier. Kasalukuyan silang nasa tapat ng bahay ni Mr Theo Alcazar at nakakamangha dahil sobrang yaman pala ng lalaki. Nagdalawang isip pa siya kung tatawagan niya ba ang lalaki pero in the end ay ginawa niya parin at sinabi nitong magkita sila.Binigay ng lalaki ang adress nito kaya agad naman siyang pumunta bitbit ang kaniyang anak. Nanginginig ang kaniyang kamay ng pindutin niya ang doorbell ng bahay nito at lumipas lang ang ilang sigundo at biglang bumukas ang gate kaya pumasok na siya.
Seryoso ang mukha ng lalaki ng makaharap niya ito. Nakaupo lang siya sa sofa habang nasa bisig niya ang natutulog niyang anak. Nanginginig din ang kaniyang labi dahil sa sobrag kaba at konsensya.
"Pasensya na kung tinawagan kita" ani niya saka yumuko at tinitigan ang bata.
"It's okay. Bakit?"
"Iiwan ko sa'yo ang anak ko" sabi niya saka tiningala ang lalaki pero tahimik langbito at seryoso lang na nakatigin sa kaniya. "Aalis na kami ni nanay at uuwi nalang kami sa probinsya at maninirahan ng tahimik. Napag-isipan ko na 'to bago pa man ako manganak at buo na ang drsisyon ko"
"Bakit?" Tanong pa ng lalaki kadahilanan para mapahagulhol na siya. Hindi niya kayang mawalay sa bata pero wala na siyang ibang choice, hindi siya maaaring umasa nalang dito sa lalaki.
Sabi nga ng nanay niya, kung hindi niya kaya ay ibigay niya nalang ang bata sa tatay nito.
"Hindi na ako aasa sa'yo dahil ikaw nalang ang aasahan ko sa pagpapalaki sa kaniya"
"Why me? Why not Caspier?"
"Hindi ko siya kayang harapin. Please ikaw na ang bahala sa anak ko" tumayo siya saka lumapit sa lalaki at ibinigay dito ang bata na agad namang kinuha ng lalaki.
Kahit na hawak na ni theo ang bata ay nanatili parin dito ang hawak niya. Pinakatitigan niya ang bata habang patuloy lang sa pagbuhos ang kaniyang mga luha.
"Please..." Ani niya at saka pumikit at yumuko "Ikaw nalang ang pag-asa ko para sa anak ko. Ayaw ko siyang iwan pero ito ang makakabuti sa kaniya. Hindi deserve ng bata ang buhay na kinalalagyan ko kaya—" agad siyang natigilan ng biglang imulat ng bata ang mata nito at saka dumapo sa kaniya ang mga titig nito.
Mga munting tingin na nakapagpigil sa pagtibok ng kaniyang puso. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya tila ba ay nagtataka ito kung bakit siya umiiyak. The kid yawn at pagkatapos ay ngumiti saka nag-ingay. Napangiti siya dahil sa ka-cute-an ng anak niya.
"She's beautiful. What's her name?" Tanong ng lalaki.
"Eloisa. Eloisa ang pangalan niya" she said still smilling.
"What a nice name. Bagay sa kaniya" dagdag pa ng lalaki.
Humigpit ang hawak niya sa damit ng anak habang tumatango siya. Nagtatalo na ang isip niya kung ibibigay niya pa ba ang bata o papalakihin niya nalang kahit mahirap.
"Give her to Caspier. I know what you are thinking and I respect you but please kahit para nalang kay Eloisa. Think for her future. Tell Caspier why you're giving her to him, he'll understand, I know"
Hindi niya kumibo at pinilit nalang pakalmahin ang sarili. Binitawan na niya ang bata at parang madudurog na siya dahil sa ginawa niya. Oras na makalabas siya ng bahay ni Mr Alcazar, alam niyang kailangan na niyang magtiis at gawin ang mabigat na desisyon niya. Iiwan na niya ang anak niya.
Umatras siya ng isang hakbang pero muli ring bumalik at saka hinalikan ang kaniyang anak sa noo. Hindi niya kaya. Ang hirap.
"Babalikan kita. Magpapakilala ako pag kaya ko na. I'm sorry, Eloisa, mahal na mahal kita"
BINABASA MO ANG
The Stripper
Romance"Nakakahiyang aminin pero I want more of her, I keep thinking of her and I want to know her even if she's just a stripper"- Caspier Siguenza Caspier Angelo Siguenza, 7 years ago he was about to marry his former girlfriend dahil iyon ang kahilingan n...